My Unexpected Valentine

2.3K 45 7
                                    

Valentine’s Day na bukas! Sa wakas, hindi na ako kabilang sa SMP o Samahan ng mga Malalamig ang Pebrero! Haha. May ka-date na ako bukas! Haha. Hindi naman halatang excited ako, noh? Haha.

Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng girlfriend sa tanang buhay ko kaya siguro nae-excite ako nang ganito. Hehe. Siya kaya? Excited din kaya siya kagaya ko? Haha. Natatawa ako sa sarili ko. Dinaig ko pa ata ang babae sa sobrang excited ko! Haha.

I’ll make sure that tomorrow’s gonna be one of our remarkable memories together. First time kaya namin ni Tea magse-celebrate ng Valentine together kaya dapat talagang maging memorable iyon para sa’ming dalawa.

Hindi kami magkikita ni Tea ngayon kasi kapag Monday full load pareho ang schedule namin. Kapag Monday lang naman! The rest is panawa na kami sa isa’t isa. Hehe.

It’s already eleven o’ clock in the evening. Isang oras na lang pala. Haaay… Hindi ako mapakali para sa date namin bukas. Lagi-lagi naman kaming nagde-date pero iba kasi bukas eh. Para sa mga magkasintahan, it’s a special occasion for them. Ika nga, Araw ng Pagmamahalan!

Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Ang baklang pakinggan! Haha.

Since nandito ako sa kwarto ko and I’m finished with my paper works in school, I decided to list all the things that we’ll do tomorrow. Organize kasi akong tao. Gusto ko kasi planado na dapat lahat para hindi kung kelan kaorasan na saka pa lang sisigla ng mga ganito ganyan kaya lalong pumapalpak. Kaya heto ako, isip-isip ng mga pakulo para bukas.

Things to do this Valentine

1. At exactly 12am, I should be the first one to greet her Happy Valentine.

(Usapan na namin iyan sa isa’t isa kahapon pa na dapat kami ang unang magbabatian ng Happy Valentine. Hehe.)

2. After our class, I’ll pick her up.

(Siyempre, kailangan ako agad ang makasama niya after class. Until 12pm lang ang class namin pareho kaya mahaba-haba ang time talaga naming bukas!)

3. We will eat our lunch together.

(Dadalhin ko siya sa paborito niyang kinakainang lugar. For sure, matutuwa siya niyan!)

4. I’ll bring her in the church.

(Hindi pa kami magpapakasal but I wanted her to be with me inside the church with this special occasion.)

5. Then, we’ll go to Timezone.

(Napaka-common na ng lugar na iyan but for me this is where we started and somehow so special to us!)

6. Lastly, have a dinner date with her.

(Hehe.)

Haaay… Medyo nangalay ata ako sa pagsusulat habang nakahiga. Inat-inat muna! Hikab! Inantok ako bigla dun, ah! What time na ba?

Pagtingin ko sa wall clock ko, 11:38pm pa lang. May 22 minutes pa bago mag-Valentine! I’ll take a nap first! I-a-alarm ko muna ang phone ko ng todo para sure na magigising ako. Haha. Alarm set: 11:55pm. Naka-snooze pa iyan every minute! Ewan ko na lang kung hindi pa ako magising ng pakana kong ito.

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon