KAPALARAN

605 13 1
                                    

Kapalaran na ikay matagpuan

Taglay mo ang liwanag sa makulay na buhay
Kapalaran na ikay matagpuan
Taglay mo ang liwanag sa
Makulay na buhay


Masayang nagkakantahan ang ilan sa mga kaklase ko rito sa loob ng classroom namin habang hinihintay ang pagdating ni Ma’am Caristea na Prof. namin sa Curriculum Development.

Ganyan kami palagi 'pag hindi pa dumadating ang Prof. namin sa kahit na anong subject – nagkakantahan o 'di kaya nama’y nagkukwentuhan.

Natigil ang pagkanta nila nang biglang magsalita ang promotor sa kanilang pagkanta na si Yna, ang bakla kong kaklase na Reynaldo ang tunay na pangalan pero ginagamit lang 'pag kinakailangan.

“Ay, nako! Nakita ko na naman ang kapalaran ko!” masiglang pagsisimula nito ng kwento sa buong klase kaya napatingin kaming lahat dito.

“Saan naman?” interesadong tanong ni Angie rito.

“Nako! Sa may hallway. Nakasalubong ko nga kanina habang papunta ako rito sa classroom,” pagkukwento pa nito na para namang labas sa ilong ang mga sinasabi.

“Bakit parang labag naman 'ata sa loob mo 'yang sinasabi mo?” natatawang puna sa kanya ni Marco.

“Gwapo naman? Gwapo?” paulit-ulit namang tanong ni Ate Jona rito.

“Ay, nako! Next question, please!” paismid na sabi nito na may pag-flip pa ng buhok na nalalaman kahit naka-men’s cut naman ito.

Napatawa na lang kami sa ikinilos nito. Baklang-bakla talaga! Ang taray ng ate!

“Eh, pa’no mo nasabi na kapalaran mo nga 'yon?” nagtatakang tanong naman ni Daryl dito.

“Gawa nga kasi n’on theme song sa I Luv NY,” sagot nito.

“Saan 'yon? Bakit hindi ko alam?” nakakunot-noong tanong ni Aika.

“Ay nako! Mga Kapamilya kasi kaya hindi maka-relate! Sa GMA 'yon! Palabas 'yon sa gabi! Sina Jolens ang bida,” nanlalaki ang butas ng ilong na sabi nito.

“Ah…” halos sabay-sabay naming react.

“Ganito kasi 'yan. Makinig mga bata!” sabi nito na sa gawi namin nina Aika nakatingin na para lang may ibabahaging tsismis.

“Ano na? Dali na!” tila naiinip na sabi ni Aika rito.

“Ang atat mo! Alam mo 'yon?! Akala mo naman kung sinong maganda,” mataray na sabi nito.

Nagtawanan kaming magkakaklase sa sinabi nito.

“Bakit? Maganda ka ba?” masungit na sabi rito ni Aika.

“Oo naman!” taas-noong sagot nito. “Aba’t pumapatol ka na ngayon, ah!” kapagdaka’y  puna nito kay Aika.

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon