THANK YOU!

1.4K 24 13
                                    

It feels so good to hear someone says “Thank You!” to you. For me, it’s the nicest words to hear because it means they appreciate what you did. This is what I believed before but now, it changes.

I still remember the time we first met. Until now, it never fades away in my memory whenever I’ve tried to forget it. Maybe, it’s just because once in my life, he became special to me.

May Job Fair noon sa isang mall kung saan ko siya unang nakilala. Napakaraming tao noon sa event center kung saan doon nakapwesto ang mga booth ng iba’t ibang companies na nangangailangan ng mga aplikante para sa mga bakanteng posisyon sa kanilang kumpanya.

Sa dami ng mga aplikante, halos nagkakasiksikan at nagkakatulakan na. Bakit kasi nagpadala agad ako sa sinabi ni Kira noon na pumunta ako doon tapos hindi naman pala niya ko masasamahan? That day, I promised to myself that it would be the first and last try. Kung hindi lang talaga ako nangangailangan ng trabaho, hindi ko papatusin ‘yun!

Marami akong companies na pinagpasahan ng mga resumè ko. Buti na lang prepared ako at marami akong printed resumè na nadala. Pasa lang ako ng pasa. Mostly, I applied for any IT related job since iyon ang natapos ko.

One resumè na lang ang natitira sa’kin noon. Napagdesisyunan kong tumingin-tingin muna sa mga booth para pag-isipan kung saan ko ipapasa ang isa pang natitira kong resumè. Napahinto ako doon sa isang booth kung saan naghahanap sila ng applicant for CSR/TSR position. Gusto ko na sana magpasa noon kaya lang bigla akong kinabahan noong nalaman kong may interview pala. Alam kong hindi naman talaga mawawala ang parteng iyon sa paghahanap ng trabaho kaya lang nape-pressure talaga ako magpa-interview lalo’t alam kong maraming tao ang nakapaligid at tumitingin sa’kin. Kinakabahan akong lalo!

Nang matapos na ‘yung babae sa pag-i-interview sa kanya, nabakante na ‘yung upuan. It means kailangan na ng susunod na aplikante.

Napatingin na lang ako doon sa bakanteng upuan. Wala pa rin umuokupa. Maya-maya, napatingin naman ako doon sa katabi ko sa pilahan na nakatingin na pala sa akin. Ngumiti siya at inilahad ang kanyang kanang kamay na nagsasabing “Miss, mauna ka na.” Dala ng kaba, nginitian ko na lang siya at sinenyasan na mauna na lang siya. Tinanguan niya ako at sinabihan ng “Thank You!” bago naupo sa may tapat ng interviewer. Doon ko unang narinig ang kanyang boses.

Doon ko rin napagtanto na mahitsura pala siya. Sinadya kong hindi umalis sa kinatatayuan ko para marinig ko ang mga katanungan ng nag-i-interview sa kanya. Ang bad ko! Haha. Pinagmamasdan ko lang siya habang ini-interview siya. Hindi ko maiwasang mainggit sa kanya dahil ang husay niyang sumagot at malakas ang self-confidence niya. Hindi tulad ko na kinakabahan pa.

Naisipan kong umalis na lang nang maramdaman kong patapos na iyong interview para hindi sila makahalata. Lumayo ako sa pwestong iyon. Hindi ko na sana itutuloy ang pagpapasa ng resumè sa company na iyon kaya lang naisip ko iyong lalaki kanina. Iyong self-confidence niya! Parang gusto ko ring i-try! Kaya naman nag-isip ako ng pwede kong isagot sa mga maaaring itanong sa’kin. Huminga muna ako ng malalim at napagdesisyunan kong bumalik ulit doon.

Pagbalik ko, may dalawa pang aplikante na nauuna sa akin. Sinundan ko lang sila at pumila sa may likuran nila. Sabi pa noong isang kasama ng interviewer hanggang sa akin na lang daw ang huling pila. Last in line na raw ako. Akalain mo nga namang nakaabot pa ko!

ONE-SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon