6th

98 3 0
                                    

Damn! Napagdesisyunan ko na sino makakatuluyan ni Katey. Ewan ko. Basta.

***

Siya

Katey's POV

I opened my eyes dahil sa tunog ng alarmclock ko. Half day ako ngayon. I have 3 classes this afternoon.

Inayos ko ang comforter ko at bumangon. Ramdam ko ang bigat sa ulo ko dahil sa kaunting alak na ininom ko kagabi.

Mabilis akong naligo at nagbihis. Bumaba na ako para magbreakfast pero wala ng tao dun. Pumasok na si Mama at nasa Kumon naman si Rein. Si Papa din ay nasa kompanya na.

Kumuha lang ako ng isang slice ng bread habang nagsisintas ng sneakers ko. I have my P.E. class today kaya naka sports attire ako ngayon. Kumuha pako ng isang slice ng bread habang naglakad palabas ng village namin.

"Katey Fabian!" nilingon ko ang tumawag sa likod ko at nakita si Pearl na tinawag ako. Pilit siyang tumatakbo kahit nakawedge siya kaya huminto na ako.

"Afternoon classes? P.E.?" pinadaanan niya ng tingin ang suot ko.

"Oo. Ikaw?"

"May dalawa akong class. Pero sige, antayin ka namin ni April para kumain lang sa labas?" pag-aya niya. Tumango ako dahil matagal na kaming di nagkakasamang tatlo.

Sumakay kami sa jeep at bumaba na sa school. Naghiwalay din kami dahil magkaiba ang klase namin. Hmm. Sana blocking nalang ang section ko. At sana kaklase ko si April at Pearl dun.

P.E. class na namin ngayon. Nasa gym kami para mag volleyball. Habang nagiistretching kami nakita ko sila April papasok ng gym. Kumaway sila at kumaway din ako pero nagpatuloy padin ako sa stretching.

May nginuso si April saken pagkaupo nila sa bleachers. Tiningnan ko kung sino at ang nakita ko ay si Louis na nakatingin saken gamit ang malamig niyang mata. Nakasandal siya sa dingding sa may pintuan ng gym at tagos ang tingin saken.

"Fabian!" sigaw ng kaklase ko dahil di ako nagpa-pay ng attention. Humarap na ako at nakasetup na ang net sa gym para sa mini tournament or practice na magaganap para sa intramurals na paparating. Balak kasi nilang kumuha ng new players at maghahanap sila para represetatives ng accounting. Lahat ng kaklase ko ngayon ay accounting.

Dahil eto naman talaga ang purpose ng P.E. class namin. Nappapakinabangan lang namin ito pag malapit na intramurals. Hindi namin lahat kundi yung may mga potentials sa ibat ibang sports. Dahil kaming mga hindi naman varsity ng school eh. Kapag malayo layo pa ang intrams. Mag stretching lang. Pwede ng umupo sa tabi at dumaldal. Depende sayo kung ano gusto mo gawin ng P.E. class basta walang aalis ng gym.

Nilingon ko si Louis at nakita kong andun parin siya at malalim ang tingin sa akin. Konti nalang talaga, kikiligin nako sa mga titig niya! Hua Ze Lei's eyes kasi ang mga mata niya. Nakakatunaw!

Binato kami ng classmate kong naglilead sa amin ng isang bola kada isa. At wala kaming gagawin kundi ireceive yon. Kinuha niya ang mga tama ang pagreceive at kasali ako sa nakuha.

Sunod na pinagawa samin ang pagserve. Nagawa ko nanaman yon ng maayos. Kaya sinabi ng kaklase kong malakas ang tyansa kong makuha maging rrepresentative ng accounting dept.

Pagkatapos ng iba ko pang kaklase magserve, nag'water break' kami at agad ako tumakbo sa bag ko para uminom ng tubig. Nagulat ako nung andun na si Louis hawak hawak ang tuwalya ko. Nagsimula siyang lumapit at ng makalapit siya. Agad niyang pinunasan ang pawis ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hinayaan ang kamay niya. Gusto ko siyang pigilan dahil alam kong madaming nakatingin at nanunuod samin ngayon pero ayaw gumalaw ng kamay ko. Parang gusto din ito ng katawan ko dahil sa kilig na nararamdaman ko.

29th of FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon