3rd

106 3 0
                                    

Let you go

Katey's POV

Kinabukasan pagpasok ko ng school.. nakamove-on naman na sila sa eksenang nangyare kahapon. Siguro? Pero may ibang echosera na hindi natitinag kahit tinititigan ko na silang pinagchichismisan ako!

"Kate!" Key-ti ang pronunciation ng pangalan kong KATEY. Pero minsan tinatawag nila akong KATE/KEYT.

Hinarap ko ang tumawag sakin. Si Kurt pala. Patakbo siya papunta sakin ng medyo pawisan. Nagbaskettball ata sila gaya ng gawain nila dati pa.

Sinuklay niya gamit ng kamay niya ang buhok niya bago magsalita. "Okay ka na ba? Anong nangyare? nakausap ko na si Ma--"

"Stop, kurt! Let's move on." sabi ko saka naglakad na papunta sa 1st class ko. 8 oclock na pala ngayon. At tingin ko kanina pang 7 sila Kurt dito. At masyado maaga kaya nagbaskettball. Nakita ko sa gilid ng mata ko na sumenyas siya sa mga kabarkada niya na aalis na muna siya.

"Hatid kita sa firstclass mo." wala akong panahon makipagtalo kaya hinayaan ko nalang siya. Am I being to harsh to him?

"Uhm.. katey. Magkasama ba kayo ni Louis kahapon?" napatingin ako dahil sa tanong niya.. pano niya nalaman?

"Uhm.. oo. Nakita ko nalang siyang nasa labas ng bahay kahapon eh." ang seryoso ng titig niya sakin. Sumeryoso ang muka niya dahil sa sinabi ko.

"Im jelous." diretsa niyang sabi na ikinabigla ko. Nakabukas na ang bibig ko pero sinara ko ule. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin sakanya.

"Ano kasi--"

"No need to explain, Katey. Just be with me this lunch time. Parang ginagawa natin dati?" ngumiti siya at tumango ako. Ganun kami lagi dati. Lalo na kapag may baon ako at nagbabaon din siya. Siguro isasama ko nalang sila Pearl mamaya iwas issue na din? Dehado kasi eh. Baka biglang may magbuhos nalang sakin ng kung anong likido

"Bye." Sabi niya ng nakangiti at nakahawak ang isang kamay sa strap ng bag niya. Kumaway ako sakanya at pumasok ng room. Pero ramdan ko parin ang titig niya hanggang sa pagupo ko. Nilingon ko siya at ngumiti nanaman siya sakin at kumaway.

Gwapo si Kurt. Oo. Showy din siya at sobrang kulit. Yung taong may sense of humor. Na kapag kasama mo mapapangiti ka. Madaldal din. Gwapong makulit ba?

Nakita kong pagka-alis ni Kurt. Nasa likod neto si Pearl. Tumayo ako at pinuntahan siya. Wala pa namang prof. Isinoli niya lang pala yung hineram niyang libro sakin.

"Kyahhhh!!!! Kahit andaming beses ka na niyang hinahatid kinikilig padin ako!" Pearl. Saka hinahampas ako.

Napailing nalang ako at napatawa sa reaksyon niya.

"Onga pala. Sama kayo samin mamayang lunch."

"Ah?! anong oras ba ang lunch sa sched mo?" April.

"Uhm.. 11:40"

"May class ako ng 12:20 eh. Pero vacant ako sunod nun. Kadalasan sa vacant ako naglulunch at naglalibrary lang ng lunch time ko. 11:20 kasi ang lunch ko. Baka sandali ko lang kayo masamahan."

"Okay basta sumama ka!"

"Hindi ba magalit ssamin yun?"

"Ako nalang mageexplain sakanya." sabi ko saka sila nginitian ng mabilis lang. Nagpaalam na siya at may next class pa daw siya. Nagbell naman na mga 5 mins bago siya umalis.

♥-♥-♥-♥-♥-

"Katey!" sigaw ng pamilyar na boses sa likuran ko. Pumihit ako at hinarap siya.

"Uy kurt!" ngumiti siya saakin at napatingin kela April at Pearl na nasa likod ko. Tiningnan ko sila at napakagatlabi ang dalawa saka yumuko. Pareho kami ng time ng lunch time ni April ngayon.

"Kasama naten sila ngayon maglunch iwas--" pinutol niya agad ako at nagsalita.

"Pero, katey!" nagmamakaawang tawag niya.

"Hindi pwede. Nasa school tayo. Papaaway mo nanaman ako sa fangirls mo?" sumimangot siya at napatingin nanaman kela April.

"Ugh, okay fine. I'll buy you lunch. Wait moko sa field." ngumiti siya saka siya tumakbo papuntang canteen.

"Teka mauna kana sa field. Bili lang kami lunch ah? wala naman ata balak yung suitor mo na bilan kami ng pagkain." pero bago pa sila nakaalis dumating na si Kurt. Bilis naman? ginamit ata ang charms sa pila.

"Binili ko nadin kayo, Pearl." ngumiti siya at inabot kela Pearl yung pagkain. Siya ang nagdala ng pagkain ko hanggang field.

Umupo kami sa bleachers at dun nagumpisa kumain. Ang daldal ni Kurt! Kabaliktaran talaga siya ni Louis.

Pero tawa kami ng tawang tatlo dahil sa mga kinekwento niya o mga jokes niyang nababasa niya lang daw sa facebook o libro.

Di nagtagal umalis na si Pearl at may next class siya. Si April naman.. gaya ko ay 12:40 pa ang next class. Pero umalis na siya at maglalibrary daw. HINDI AKO NANINIWALA. Si April? Maglalibrary? Milagro yun!

Naramdaman ko yung tissue sa gilid ng labi ko.

"May dumi, kate." sabi niya saka ngumiti. Kinuha ko ang tissue ko at pinunas ule yun sa gilid ng labi ko.

"Wala na." ngumiti siya saka tinitigan ako. Goosebumps! Nakakakilabot ang mga titig niya. Hindi ako makakain ng maayos kasi imbis na kumain siya, eh tinitigan niya ako.

"M-may dumi pa ba?" naiilang kong tanong.

"Ah wala na. Your just so damn pretty." napayuko ako sa hiya dahil sa sinabi niya. Pretty? Ows? Lol.

Hinawakan niya ang chin ko at inangat yung muka ko. Tinitigan niya ako mata sa mata. "Di ka naniniwala?" tanong niya.

Napabitaw siya sa hawak niya sa baba ko ng bigla akong yumuko ule saka umiling. Nahihiya na ako!

"That what makes you more beautiful, katey." ramdam ko parin ang pagtitig niya saakin kahit na nakayuko ako.

"Inside and out. Maganda ka. That's why I can't let you go for my brother. Tinamaan na talaga ako eh. Akin ka, katey. Hindi ko hahayaang makuha ka ng kapatid ko unless yung command me to do that."

29th of FebruaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon