Chapter 15: Goodbye Frenemy, Greetings Friend

21 2 0
                                    

Claudette's POV

Centy ran to an unknown place, Mayaman pala ang tatay ni Centy.

Ang alam ko iniwan na siya ng tatay niya...

"Kayo ba ang mga kaibigan ni Centy?" mahinhin na sabi ng tatay ni Centy...

"Opo, Tito Elmer po ba kayo? Ang sabi ni Centy bigla lang po kayong nawala..." Sabi ni Lea

Hindi niya sinagot ang tanong ni Lea, bigla nalang siyang umalis at sumakay sa kotse niya... Ang bastos naman ng tatay niya...

"Lea, kailangan nating hanapin si Centy, baka napano na yun." sabi ko kay Lea.

"Just give her space, baka gusto lang niyang mapag-isa." sagot ni Lea

"Well that's not an excuse to find her..."

Centy's POV

Nandito ako sa tapat ng bahay nina Kyle. Umupo lang ako at umiyak...

Miss na miss ko na talaga si Mama... 

Bigla-bigla lang pumasok si Tatay sa scene, bigla lang niya kaming iniwan... Ang yaman niya na pala

pero kahit mas mayaman pa siya sa presidente ng Pilipinas, hinding-hindi ko parin siya mapapatawad... 

Kahit wala na si Mama, alam kong nandito parin siya... 

Nagulat ako ng may lumabas sa bahay...

Si Kyle pala...

"Centy ba't nandito ka? Pumasok kana baka mapano ka dito." sabi niya

"Gusto ko lang mapag-isa dito *sigh*"

"Huwag mong isipin na mag-isa ka-" hindi ko pinatuloy ang pagsasalita ni Kyle.

"Alam ko... Alam kong nandito lang si Mama at... nandito ka..." I was blushing while saying that...

"Hindi naman kita iiwan eh... Nandito lang ako para sayo." mahinhin na sabi ni Kyle habang nakayuko siya...

Parang mahal ko na talaga si Kyle... Ano nalang ako kung wala siya. 

"Centy... Pumikit ka.." Nabigla ako nong sinabi niya yun.

"Ha? Bakit? Ano'ng gagawin mo?!" tanong ko sa kanya.

"Basta pumikit ka..." 

Pumikit ako... Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko.

"Centy... May gusto akong sabihin sayo..." bulong niya.

"Ano naman yun?" sagot ko habang nakapikit ako.

Parang na feel ko na lumapit yung mukha niya sa mukha ko, nakapikit parin ako.

Na-feel ko yung lips niya na bumangga sa lips ko... HE KISSED ME...

Parang nasa-langit ako ng ginawa niya yun... pero...

Tinulak ko siya at sinabing "Kyle, ano'ng ginawa mo?"

"Sorry...Sorry talaga!!! Naku!!!" sabi niya habang hawak niya ang ulo niya.

"Kyle???!!!" sigaw ng isang babae sa likod ko...

Si Cheska...

"Nakita ko lahat!!! Ang landi mo, Centy!!!" galit na sabi niya.

"Cheska, hindi ako ang humalik-" hindi niya pinatuloy ang sinabi ko, lumapit siya at sinampal ako...

"Hayop ka! Malandi! Mamatay ka sana!" sabi niya habang sinabunutan niya ako.

"Tama na yan'!" pinigilan kami ni Kyle.

"Ano kaba Cheska?! Ako ang humalik! Wag mong sisihin si Centy!" Galit na sabi niya.

The Complete Confessions (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon