Chapter : 29

2.4K 63 1
                                    

Malaki ang ngite ni Jazzy habang naglalakad sa bakanteng upuan na nasa loob nang Canteen ng School nila. After kasi nang ka dramahan nila sa Rooftop, Dumiretso na kaagad sila sa Canteen para makapag recess.

" Girls ? Order na tayo, Nagugutom na ako eh, " Nakangite paring sabi ni Jazzy Sienne sa dalawang kaibigan niya na natulalang nakatingin sa kawalan at  walang ganang tinignan lang naman siya .

" I'm still full, Babes. Kayo nalang heto pera oh, Treat ko na kayo  " wala sa sariling sabi ni Charlyn Rose sa kay Jazzy.

Ngumise naman si Jazzy Sienne at tinanggap nang buong puso ang inabot na pera ni Charlyn Rose.

" Sure ka Babes ? Busog ka pa ba talaga ? Naku ! Mahaba haba pa naman ang araw Babes, Baka ma gutom ka, Ayaw mo talaga order ran kita ? " Paninigurado pa ni Jazzy Sienne. Umiiling naman si Charlyn Rose at nag nap sa table nila.

" Okey, Sabi mo eh, " bulong ni Jazzy at tumingin kay Shaiyee na naluluha paring nakatingin sa kawalan.

" Psssttt.."

Lumingon naman si Shaiyee sa kay Jazzy at parang tangang tinignan lang ito.

" What about you ? Magpapabili ka ba ? Anong sayo babes at nang ma sama ko nalang, " Sabi ni Jazzy at tinignan ang kaibigan.

" Wala akong ganang kumain Babes, Diko kayang wala ang hubby ko " Naluluhang sabi nito.

Tinignan naman ni Jazzy ang kaibigang si Shaiyee at tinaasan nang kilay.

" Di mo kaya ? " Paghahamon ni Jazzy Sienne sa kaibigan. Mabilis pa sa alas kwatro na umiiling si Shaiyee at pilit na pinapatibay ang loob.

" No. I can do this. " mahinang sabi ni Shaiyee.

" Then, Bat di kayo kakain ? Ikaw Babes Charlyn ? Di mo makakaya yung pinagawa ko ? Okey, lang naman, Just leave it to me. At ikaw Babes Shaiyee, Kukunin mo na ba ang phones at SD card mo, I can freely give it to you. Just say it at nang magawa ko. Hindi yung mag mukmok kayo na yari'y pinapatay ko na ang kaligayahan niyo. Pwede naman kayong magsabi sa akin ah kung ano at kung hindi niyo makaya. Madali lang naman akong kausap " Sabi ni Jazzy at mabilis na tumayo papuntang Counter.

Naasar siya sa ka oahan nang dalawa niyang kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit napaka trying hard nang dalawa. Yung feeling na kahit hindi nila makakaya bat di nila masabi sabi ito sa kanya.

Napaisip naman si Jazzy Sienne, Na kung di makakaya nang dalawa at bigla nalang lalapit ang dalawa sa kanya. At sabihin na di makaya ang ginawa niyang challenge para sa mga to eh. Napailing iling nalang siya sa kagagahan niya nang maisip niya na mag tatampo pala ang drama niya pag mangyayari yun.

Inalis nalang niya sa isipan ang mga yun at nagmamadaling umorder sa Counter. Mabilis lang rin naman siya naka order  kasi kaunti  na lang ang mga estudyanteng bumibili, Kasi nga natagalan din kaya sila nang ilang oras sa ka dramahan nila sa Rooftop kaya ayun.  Bitbit ang mga inorder niya, Naglalakad na siya pabalik sa mesang inuupuan nila nang mga Babes  niya nang hindi sinasadyang napatingin siya sa entrada nang Canteen. Napailing iling nalang siya at sinamaan nang tingin ang lalaking may kasamang malanding babae. Na walang iba  kundi  ang magaling niyang pinsan na si Tyler at ang malanding babaeng kasama nito na  si Andrea.

Dahil sa inis na nadarama padabog na binaba ni Jazzy Sienne ang inorder niya. Nagulangtang pa ang dalawa niyang kaibigan na nag nap sana sa mesang ginagamit nila.

" Babes ? Nagdadabog ka ba ? Jusko ! Nakakagulat ka naman Babes eh. Mag dahan dahan ka nga " naasar na sabi ni Charlyn sa kay Jazzy.

Hindi pinakinggan ni Jazzy Sienne si Charlyn na nag sasalita sa harapan niya kasi busy siya  sa pagpatay sa magaling niyang pinsan at ang malanding babaeng kasama nito sa isipan niya. Hindi niya maiintindihan ang sarili kung bakit asar na asar siyang makitang may ibang kasamang babae ang magaling niyang pinsan. Naninikip din ang dibdib niya na yari'y linukot nang sinuman para masaktan siya nang ganito.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon