Chapter : 40

2K 39 4
                                    

Author's Note : Sorry sa matagal na UD loves, medyo naging busy na kasi ako huhhuhhu.. na isip ko tuloy kung may naghihintay pa kaya ng Update ko eh ang tagal kong mag update huhuhuh.. sorry again loves. Chapter 40 here you gooo.. enjoy reading :*



Third Person's POV

Pagkatapos ng dismissal nila Jazzy ay agad na napagdesisyonan nila ng mga babes niya na dumiretso nalang sa mall. Para bumili ng mga sangkap sa eh babake nilang Cupcakes. Tumawag lang si Jazzy sa bahay nila para ipaalam kay Nanay Linda, na magabihan siya ng uwi ngayon. Kasi mag grogrocery sila ng mga Babes niya para sa eh babake nilang Cupcakes. Agad na pinayagan naman siya ng matanda at pinaalalahan na mag ingat at wag masyadong magpagabi. Ilang minuto pa silang nag usap ng Nanay Linda niya bago niya napagdesisyon na magpaalam na kay Nanay Linda na ibaba niya na ang tawag.

"Babes?" Napahinto si Jazzy sa paglalakad ng mapansin ang dalawa niyang kaibigan na napahinto sa paglalakad at nakatitig lang sa kanya.

Nakakunot ang noo ni Jazzy at nilingon ang dalawa.

"Oh? Bakit? Tara na. At ng makauwi tayo ng maaga." Sabi niya sa dalawa.

Nahahalata ni Jazzy na parang may nais sabihin ang dalawa kaya napahinto narin siya at hinarap ang mga to.

"Oh? Ano? Alam kong may sasabihin kayo. So ano yon?"

Hilaw pa na ngumite si Shaiyee at marahan na pinakita ang cellphone nito sa kanya.

"Nag text kasi si Kuya Tyler." anito habang pinapakita sa kanya ang phone nitong may message ni Tyler.

"Nag text din si Kuya Tyler sa akin." sabi naman ni Charlyn sabay angat ng phone nito at pinakita sa kanya na may text din itong natanggap kay Tyler.

Pilit na pinipigilan ni Jazzy ang mga ngite na pilit na lumalabas sa mga labi niya ng marinig ang pangalan ni Tyler. So maaring, nag aalala ito sa kanya, kaya ito nag text sa mga kaibigan niya. Napalunok muna si Jazzy bago napag desisyonang tanungin ang mga kaibigan kung ano ang sabi ni Tyler. Malakas ang tibok ng puso niya sa excitement na naramdaman.

"Anong sabi?"

Malalim na humugot ng hininga muna ang dalawa habang nag titigan na parang nag uusap ang mga mata ng mga ito.

Lihim na nagtaka si Jazzy sa reaction na pinapakita ng dalawa niyang kaibigan. Diba, dapat matuwa ang mga to. Kasi tinext ang mga to ni Tyler, ibig sabihin nun, nag alala parin pala si Tyler sa kanya. Pero ba't ganito ang dalawa, nakakapanibago naman.

"Babes? Ano na. Magtitigan nalang ba kayo diyan huh? Anong sabi ni T-yler?"

"B-basahin mo na B-abes Cha." sabi ni Shaiyee, na parang nahihirapan pang tumingin  sa gawi niya.

"Huh? Ba't ako. Ikaw nalang B-abes Shaiyee." tulak naman pabalik ni Charlyn.

Napakunot naman ang noo ni Jazzy habang pinagmasdan ang dalawa na nagtutulakan pa kung sino ang magbabasa sa message ni Tyler.

"Di ikaw na B-abes Cha. Kaya mo yan." sabi ni Shaiyee.

"No. Ikaw na. Total, mabilis ka namang magbasa. Ikaw nalang." balik din na sabi ni Charlyn.

"Anong ako. Ikaw na--"

"Ikaw na sabi---"

"Hey! Tumahimik nga kayo! Ako na! Ako na ang magbabasa niyan. Akin na." Hindi mapigilan ni Jazzy ang mapikon sa dalawa niyang kaibigan na nagtutulakan pa.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon