Chapter : 34

2K 48 2
                                    

Nanginginig na lumuluha si Jazzy Sienne sa pag alala kay Tyler habang naka upo sa Sofa na nasa living room nila. Takot na takot si Jazzy kanena habang yakap yakap ang walang malay na si Tyler. Hindi na niya alam ang gagawin kaya sumigaw nalang siya nang tulong. At doon din nag si datingan ang mga kasambahay nila na nababahid sa mga mukha ang sobrang pag alala. Lalo na nang makita nang mga to ang mga dugong nakabahid sa mga paa ni Tyler ay bigla nalang namutla ang mga to sa pag alala. Buti nalang na kahit na may mga kasambahay silang natataranta sa nakitang sitwasyon ni Tyler ay may iba paring pilit maging kalmado at mabilis na tumawag sa Family Doctor nila.

"Baby, Princess " Kaagad lumingon ang lumuluhang si Jazzy sa taong tumawag sa kanya.

"Mommy ! Daddy ! " sigaw ni Jazzy at tumatakbong yumayakap sa mommy niya.

" Baby, Shhh.. Are you okay ? Hush na baby " sabi nang mommy ni Jazzy habang hinahalikan siya sa nuo. Lumapit naman ang daddy niya na nag alalang yumayakap din sa kanya.

"Baby, Okey ka lang ba ? Wala bang masakit sayo " naluluhang umiiling si Jazzy.

" I'm fine, Mommy, Daddy, Si T-yler po " naluluha pang sabi nito habang yumayakap nang mahigpit sa mommy niya.

" Shhh.. Baby, Hushh na please. Dad, can you please, Get some water for our Princess " sabi nang mommy ni Jazzy, Tumango naman ang Daddy ni Jazzy at iniwan silang dalawa nang mommy niya.

"Baby, Maupo muna tayo, Wag ka nang umiyak, Magiging okey din ang lahat " sabi nang mommy niya habang inaalayang makaupo sa sofa.

" M-mommy, Nag aalala na po ako kay Tyler, Pa'no po pag di niya makayanan----- "

" Shhhh.. Baby, Wag kang mag isip nang ganyan, Malakas si Kuya Tyler, Lalaban yun. Wag ka nang umiyak, Baka ikaw naman ang mapano Baby eh, Please Princess, Stop crying, " pang alalo nang kanyang ina habang mahigpit na niyayakap siya.

"Mommy, I want to see Tyler, " bulong ni Jazzy na narinig rin naman nang Mommy niya .

"Baby, Take a rest first, matulog ka muna. Wag mo munang iisipin ang Kuya Tyler mo, tas mamaya pagkagising mo sasamahan nalang kitang puntahan sa kwarto si Kuya Tyler ha, Niliinis na nang Family Doctor natin ang sugat na natamo ni Kuya Tyler, Princess. Kaya wag ka nang mag alala, Hali kana hatid na kita sa kwarto mo, Pahinga ka muna Baby. Kasi sa mga oras na'to nagpapahinga din ang Kuya Tyler " sabi nang mommy ni Jazzy at inaakay siya patayo.

"But Mommy, Hindi po ako makakatulog pag ganun." Naluluha paring sumbong ni Jazzy.

"Baby, Wag nang makulit please, Makinig ka kay Mommy " sabi nang mommy niya at pinunasan ang tumutulong luha niya.

Walang imik nalang si Jazzy habang nagpatanggay sa mommy niya. Akmang bubuksan na nila ang pinto sa Living Room nang bumukas naman ito at iniluwa ang Daddy niya na may hawak na isang baso nang tubig.

" Hon ? " nakakunoot nuo na tanong nito habang tinitignan silang dalawa nang mommy niya..

" Hon. Buti naman nandito kana, Kasi aakyat na rin sana kaming dalawa ni Princess sa kwarto niya para makapag pahinga narin muna tong Baby natin " sabi nang mommy ni Jazzy.

" Ah okay Hon. Let her drink this glass of water first Hon. " sagot naman ng Daddy ni Jazzy.

Tumango naman ang mommy niya at pinainom na sakanya ang isang baso nang tubig. Pagkatapos maubos ni Jazzy ang isang basong tubig ay inakay narin siya nang Mommy at Daddy niya papaakyat sa kwarto niya.

SA loob nang kwarto ni Jazzy pinahiga siya nang kanyang ina at kinakantahan pa. Napapikit pikit si Jazzy sa antok na dumadalaw na sa sistema niya. Ilang hummed lang din nang Mommy ni Jazzy ay nakatulog na ang lumuluhang si Jazzy.

" Hon ? Ano ba talaga ang nangyari ? Bat nagkasugat si Tyler ? Nag aaway ba ang dalawa ? " Biglang imik nang Daddy ni Jazzy.

Nilingon naman ito nang Mommy ni Jazzy. " Hon, Hindi ko alam, Wala pa akong kahit isang linyang nabuo kanena habang kayakap ko ang Princessa natin, Hon, Ngayon ko lang nakitang ganun kung lumuha at katakot ang anak natin, Nababahid din sa mukha niya na nag aalala siya nang lubusan sa nangyari kay Tyler. Hindi ko nalang siya sinubukang tanungin kanena kasi alam ko wala rin akong magandang sagot na matatanggap kasi puro iyak lang din ang Princessa natin, hon, Ayoko nang makitang ganito ang anak natin, AYOKO Hon. Para kasing ako yung nasasaktan sa tuwing nakikita kong pumapatak ang luha niya habang binibigkas ang pangalan ni Tyler. Hon. " Hindi namalayan nang Mommy ni Jazzy na lumuluha narin pala siya habang tinitignan ang anak na natutulog na may luha sa nga mata.

" Shhh. HON... Kahit ako HON, Ayoko ring makitang ganito ang Princessa natin, Pero wala tayong magagawa Hon, Diko kontrolado ang puso't isipan nang anak natin. Wala na tayong iba pang magagawa Hon, Kundi ang gabayan ang anak natin sa lahat nang darating sa kanya lalo na sa sitwasyong ganito" sabi naman nang Daddy ni Jazzy at niyakap ang asawa.

"Bat naman kasi naging ganito si Princess, Hindi naman siya ganito noon ah, at sa naalala ko, Palagi nga tong mag kaaway ang dalawa " sabi naman ulit nang Mommy ni Jazzy.

" Hon. Ang dapat nalang nating gawin ay tanungin si Tyler sa nangyari, Kasi baka naman nagkasakitan na ang dalawa. Naku! Makakatikim talaga nang kamao ko yang si Tyler kahit na pamangkin ko pa yan. " naasar na ani nang ama ni Jazzy.

" Hon.Kalma ka nga, Para kang Siraulo. Ang isip bata mo talagang mag isip. " sabi naman nang ina ni Jazzy.

" Hon. Diko kaya mapipigilan, Pag Princessa na natin ang pinag uusapan wala na akong sinasanto na kahit pa pangkin ko pa yan, O kaya naman kasosyo ko sa Negosyo. " matiim na ani nang ama ni Jazzy.

"Ang swerte namin sayo Hon. Napaka maalalahanin mong asawa, Hindi ka nagbabago, Simula pa noon hanggang ngayon, Salamat Hon ha. " ani nang ina ni Jazzy.

" Alam mo naman yan Hon, Na mahal na mahal ko kayong dalawa ni Jazzy, Kayo ang kayaman ko sa mundong to, At kahit sinuman, Walang karapatang saktan kayo. " Sabi nang ama ni Jazzy habang niyayakap ang asawa nito. Tumingin mo na silang dalawa, nang ilang minuto kay Jazzy at hinalikan ito sa nuo bago lumabas sa kwarto ni Jazzy.

"We always love you Princess, We won't let someone hurt you, And Tyler is not an exception " Sabi nang mag asawa bago lumabas sa kwarto ni Jazzy.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon