Chapter : 41

1.9K 40 10
                                    

Third Person's POV

"Babes, kumalma ka nga, Nagseselos ka ba?"

Agad na namutla si Jazzy sa narinig kay Shaiyee. Nagseselos nga ba siya kay Andrea? Nagseselos ka nga ba Jazzy?

"B-abes..."  

" Sagutin mo ako. Nagseselos ka ba sa dalawa Jazzy?"

Hindi napigilan ni Jazzy ang sarili at napasulyap sa pwesto nila Tyler at Andrea na nagtatawanan. Mabilis naman na nag iwas ng tingin si Jazzy ng mapansin na nakatingin din si Tyler sa pwesto niya.

"B-at naman ako magseselos, wala akong paki sa ka-nila." Nauutal pa na sabi niya habang pilit na umiiwas sa nag uusig na tingin ni Shaiyee.

"Well..." sabi nalang ni Shaiyee at napasulyap narin sa pwesto nila Tyler.

Tumahimik nalang si Jazzy habang  kinalkal nito ang phone niya, para hindi na siya mapagdiskitahan ni Shaiyee. Pero ang tanong ni Shaiyee kanena ay parang plakang sira na paulit-ulit na tumatatak sa isipan niya. Nagseselos nga ba talaga siya?

Nag-angat lang ng tingin si Jazzy ng marinig ang boses ni Shaiyee na tinawag si Charlyn.

"Here babes!"

Napangite naman si Charlyn ng makita ang table nila.

"Hayst. Thank God! Nakita ko din kayo. Ba't kasi dito pa sa tagong parte kayo pumwesto eh." Angal pa ni Charlyn, habang nilalapag ang mga inorder nito. Sumunod naman kay Charlyn ang isang lalaking service screw na may hawak na dalawang order nila. Nagpasalamat muna ang tatlo sa service crew bago umupo si Charlyn, sa nakabakanteng upuan nito na nasa  both side nila ni Shaiyee.

"Hayst. Nakakastress palang ang mag order. Naku! Kung di lang talaga kayo ang nagbayad ng mga to, never talaga ako mag volunteer na mag order. Dyusko! Ang haba ng pila." maarteng sabi ni Charlyn. Habang inaayos ang mga inorder nila. Napansin naman ni Charlyn, na tahimik lang ang dalawa niyang babes kaya nakakunot ang noo na tinanong niya ang mga to.

"Teka? Anong meron bat ang tahimik niyo ata? May problema ba? Di niyo ba gusto yong foods? Nag aaway ba kayoo---"

"Shhh..." Natahimik naman ng wala sa oras si Charlyn ng marinig ang shhh ni Shaiyee.

"Ano ba kasi ang nangyari? Anong meron? At wag mo nga akong ma shhh lang Shaiyee, gusto mo batukan kita dyan. Naku! Kukurutin ko mga singit niyo eh. So ano nga, bat ang tahimik niyo?" Hindi na napigilan ni Charlyn ang maasar, uminit kasi ang ulo niya sa mahabang pila, tas pati ba naman dito sa table nila may haharapin na naman siyang problema. May pa shhhh pa tong si Shaiyee na mas lalong nagpapaasar sa kanya. 

"May nagseselos kasi babes---"

"Ano ba Shaiyee! Tumahimik ka nga! Hindi ako nagseselos! Wala akong paki sa kanila kahit na maglampungan pa sila diyan. WALA AKONG PAKI. AT HINDI AKO NAGSESELOS." mabilis na sabi naman ni Jazzy na nagpakunot lalo sa noo ni Charlyn, na halatang hindi maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa sa harap niya.

"Babes Jazzy, masyado kang defensive. Diko naman sinabing ikaw ang nagselos ha. Sa kabilang table naman natin nirerefer ko yong salitang may nagselos hindi para sayo, may magjowa kasing nag away yon oh tignan mo si Kuya Boy, kanena pa tingin ng tingin dito habang si Ate Girl naman halata na nagselos kasi namumula na siya sa galit habang nakatingin dito sa pwesto natin Feeling ko nga kung nakakapatay lang ang tingin, tingin ko matagal ng patay ang isa sa atin dito."mahabang sabi ni Shaiyee habang tinuturo ang nasa kabilang table na nakaharap sa kanila.

Forbidden Love With My Cousin ✓ (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon