Prologue

498 13 7
                                    

5 years ago

Positive.

Ilang ulit ko pang sinubukan pero hindi pa rin nagbabago ang dalawang guhit na nasa pregnancy kit.

Buntis ako!

Sobrang saya ko. Magiging nanay na ako sa wakas.

Natutuwa ako kasi alam kong may patutunguhan na ang relasyon namin ng asawa ko. Nakikita ko na unti-unti na siyang nagbabago. Wala na yung dating masungit at babaerong Clyde na kilala ko.

Excited na akong ibalita sa kanya ang tungkol sa baby namin. Plano kong surpresahin siya sa opisina. Agad akong nagluto ng pananghalian at nagbihis.

Nagmaneho ako papunta sa .
Binati ako ng guard at nginitian ko lang siya.

Agad akong nagtungo sa pinakamataas na palapag. Nagulat ako dahil hindi ko nakita ang sekretarya ng aking asawa.

Nasaan kaya yon? Diba dapat palagi siyang andito para salubungin ang mga dumarating na bisita? Nagkibit-balikat na lang ako.

"Uhmm..."

"Ahhh..."

Bigla akong nakarinig ng ungol galing sa opisina ni Clyde. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Oo, tanga ako pagdating sa kanya pero hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa nila.

Pinanindigan ko ang katangahan ko. Unti-unti akong naglakad papalapit. Habang papalapit ako lumalakas din ang mga ungol na naririnig ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko nakayanan ang nasaksihan ko at agad kong nabitawan ko lunch box na dala ko. Napahawak na lang ako sa bibig ko upang pigilan ang paghikbi ko na sa huli ay hindi ko rin nagawang pigilan.

My husband and his secretary, both naked. Nakahiga ang sekretarya niya sa lamesa habang siya naman ay nakapatong at bumabayo dito.

"MGA HAYOP KAYO. PUTANGINA NIYO!" sigaw ko sa kanila pagkatapos ay pinaghihiwalay ko silang dalawa. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko na tuloy-tuloy lang sa pagtulo.

"Ouch! Ouch! Stop pulling my hair bitch." sabi ng malanding sekretarya ng asawa ko.

"Katherine, stop!" awat naman ng asawa ko.

Hindi pa rin ako tumigil. Gustong-gusto kong maranasan nila ang sakit na nararanasan ko ngayon.

"I SAID STOP!" sigaw ni Clyde. Tinulak niya ko ng marahan upang magkaroon ng espasyo sa pagitan ko at nilang dalawa.

"What the fuck are you doing here, Kath?" matigas na sabi sa akin ni Clyde.

Hindi ako nakakibo. Ano nga bang ginagawa ko rito? Wala na ba akong karapatan sa opisina ng asawa ko?

"Uh-- I-- just wanted to pay a visit." sagot ko habang kagat ang pang-ibabang labi ko.

"I don't need you to visit me okay? Hindi na ako bata para lagi mong bantayan. Kung wala ka ng gagawin, just mind your own business and leave us alone." sabi niya habang nakatingin sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Ex WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon