AKANE's POV
Naligo ako agad pagkabangon ko, dadaanan ko pa kasi sina Xheon, lagot na naman ako nito pagmahuli ako ng dating dun sa kanila.
Kumain na ko't lahat-lahat sa wakas 6:12 palang. Sumakay na ako sa big bike ko. Pinaharurot ko na to papunta sa bahay nung kambal.
Magdodoorbell na sana ako ng lumabas ang isang lamborghini na sasakyan. Yaman talaga nitong kambal, naagaw ng pansin ko ang porma ni Xheon. Spell HOT? siya yun. Pft~
kahit nasa sasakyan siya kitang-kita talaga ang pagiging hot niya sa suot niya. Binaba nya ang suot nyang shades at kumindat sakin. Shuta! Napailing nalang ako.
Binati ko si Xhein na nasa passenger seat at mukhang asong nakangiti?! Problema nito? Aga-aga hyper! Pssh
"Oh! tutunganga ka nalang ba jan Akane? Malilate tayo nito eh!"-bulyaw sakin ni Xheon. Sungit talaga, meron ata toh eh XD ramdam ko pft~.
"Tara na! Sunod nalang kayo sakin"-sabi ko sabay layas sa harapan nila ramdam ko namang nakasunod na sila sakin ng bigla namang tumunog ang phone ko.
"Been a bad girl,I know I am and I am so hot,I need a fan I don't want a boy,I need a man--" ringtone ko yan.
"Oh?"-simula ko, di ko alam sasabihin, diko kasi tinignan kung sino ang tumawag. Mabangga pa ko disgrasya na naman.
"Asan na kayo? Kanina pa kami dito ah! Kinakain na kami ng mga lamok kakaantay sa inyo!"-bulyaw sakin ni Rianz. Anak ng?! Isa pa to eh! Aga-aga eh!
"Papunta na kami, wag atat besh. sige na mababangga ako sayo eh! Gulo mo!"-bulyaw ko pabalik sa kanya. Natawa nalang ako ng binabaan niya ako ng phone. Napailing nalang ako. Sarap asarin eh.
Ilang sandali lang ay nandito na kami sa lugar kung saan sina Rianz at Aisha ay naghihintay samin sakay si Rianz sa pink big bike nya at si Aisha dala ang sports car nya at doon sya nakasandal habang naghihintay sa pagdating namin. Sabay-sabay na kaming umandar patungo sa pupuntahan namin hanggang sa may kalsada na nahahati sa dalawa. Inihinto namin ang mga sasakyan namin at napaisip kami kung saan kami dadaan.
Ayon sa information and location ng school na papasukan namin ay straight lang. pero san naman kaya dito sa dalawa ang tama hmmmm!
"One, two, three, four, five, six, seven, eight, nine, ten, eleven, twelve, thirteen, fourteen, fifteen, sixteen, seventeen, eighteen... aha! Dito tayo sa kanan"-sabi ni Xhein na tuwang-tuwa at pumapalakpak pa. LAH ?
"Teka-teka! pano pag dito pala sa kaliwa? At pano mo masasabi na dito sa kanan sa pamamagitan ng pagbilang at san mo nakuha an 18? Sigurado ka naba jan Xhein?"-sabay-sabay na tanong ni Rianz
"Rianz, right is always right and wrong is always wrong. Ang kanan ay right so dito tayo sa right para right tayo"-nakangising sabi ni Xhein "tsaka 18 is my age so yun" humagikgik kami nila Aisha sa sinabi ni Xhein. Langya! Ano kayang nakain nitong taong toh.
"Okay-okay, sa kanan na tayo. Sabi naman straight so?! go!"-sabi ni Xheon. Natigil na din ang kalokohan ni Xhein ng paandarin na ulit namin ak mga sasakyan namin.
Dalawang oras na kaming nasa byahe pero di parin kami nakakarating sa destinasyon na pupuntahan namin. Langya gutom na gutom na ko.
"Shit! Ano bang daan to? Masyado ng maputik ang daan. Baka di na makaya ng sasakyan natin papunta sa letcheng paaralan na yan!"-rinig kong mura ni Xheon.
Napahinto ako ng may makita akong bundok sa di kalayuan.
"Yoh! Guys. Di na kakayanin ng mga sasakyan natin ang dadaan papunta dun. May puno dun sa di kalayuan ng bundok. Dun nalang natin iparada to"-sabi ko. Hayst ano ba tong napuntahan namin!-,-
Pagkadating namin sa may puno napawow nalang kami dahil sa puno. Napakalaki pala pagmalapitan. So yun nga, ipinarada namin aang mga sasakyan namin at napag-isipan namin na maglakad nalang. Langya! Adventure to mga tsong. halina't mag'ala Dora tayo.
RIANZ's POV
Uwaa~ ang sakit-sakit na ng paa ko, sugatan na din binti ko, nakashort shorts lang kasi ako, di ko naman kasi alam na ganito. kung alam ko lang hmp. Maputik na din boots ko. hatek naman oh uh!
"Anu ba Akane! Malayo pa ba to? Kanina pa tayo dito aa!"-pasigaw na sabi ko.
Asar na asar na kasi talaga ako, feeling ko any moment sasabog na ako sa inis.
Binigyan niya lang ako ng bored look. Tae mo!
"Alam mo Rianz, maglakad ka nalang, kala ko ba gusto mo ng adventure?"-sabi ni Xhein na may hawak pang camera at pinipicturan ang mga view na kakaiba ata or mga nature na hilig niya talaga.
"Ay ewan sayo! Pagmawala si Dora ikaw ipapalit ko Xhein. Daldal mo!"-sabi ko sabay irap sa kanya
"Guys, pwede bang wag kayong maingay. Feeling ko malapit na tayo e! Kunting tiis nalang okay?"-sabi ni Aisha. Woah! Ito na naman sya sa kaweirdohan niya. Tsk tsk.
"Shutang inerns!"-napatingin ako ky Xheon na tumakbo ng mabilis sa harapan ko. nagtaka naman ako kung bakit at nagulat ako sa nakita ko.
Woah!Napatakbo nadin kami nila Xhein ng mahimasmasan kami sa gulat.
Andito na kami sa harap ng school. oh my god it's creeping me out. School siya na parang luma na iwan then colorless. Siguro di na nila nabibigyan ng oras ang pagpapaayos at pagpapaganda sa school na to. Masyado tuloy akong nacurious.
Pero namamangha ako kasi ang laki at ang lawak. Siguradong walang makakapagcut ng class kasi masyadong mataas ang walls and masyadong matibay para masira ng isang tao.
Unang kita mo palang sa labas aalibadbaran kana dahil bigat ng atmosphere na binigay ng paaralan na ito.
######################################
(pasensya na po kung di masyado malinaw ang pagkakaexplain ng school. Wala po kasi akong maisip na idedescribe dito eh.sorry po :D)
Salamat po sa mga bumasa, bumabasa at babasa palang ng story na to. Ipagpatuloy nyo lang po yan aa? Hahah salamat po :*
~XoxoChemin :*
BINABASA MO ANG
Erymyst University
AcakIsang paaralan na puno ng misteryo, di mo alam kung anong kalalagyan mo pag ika'y pumasok dito. Isang paaralan na puno ng sikreto, sa kakaisip dito siguradong mawiwindang ka, lalo na sa nangyayari at mangyayari sa loob ng paaralan na ito. Gust...