Symptoms

137 7 0
                                    

Symptoms (halsuisseo's)

----

Dahan dahan akong kumilos at nagmadali dahil may pupuntahan ako. Itinabi ko muna yung nakakapit sa akin at tumingin sa paligid bago ako umalis. Dahan dahan kong inkot ang door knob. 

"At saan ka pupunta?!" patay. Awkward akong umikot para makita kung sino yung nagsabi noon. "Kuya!" awkward kong sabi sa kaniya habang naka crossed arms siya. Agad naman akong lumapit at nilambing siya. "Kuya.May pupuntahan lang ako.sige na pwease?" pag papa cute ko naman sa kaniya.

"Shanelle naman e alam mo namang ba---" 

"Sige na kasi Kuya.Please?Last na naman to e." pagmamakaawa ko naman sa kaniya at nakita ko namang napabuntong hininga siya. "Sige na nga!" naglulu-lundag lundag naman ako dahil pinayagan ako ni Kuya kong gwapo. "Emeghed Kuya!Alabyusomuch!" akmang hahalikan ko na si Kuya. 

"Hep hep!Kadiri ka!Bilisan mo baka may makakita sayo."nag pout naman ako sa sinabi ni Kuya pero dali dali naman akong kumilos. Tinignan naman ni Kuya kung may tao ba or wala. Nag thumbs up naman siya sa akin at dali dali kong sinuot ang sumbrero ko. 

"Kuya anong gusto mong pagbalik ko?" masiglang tanong ko sa kaniya pero ngumiti na lang siya sa akin. Agad akong tumakbo pababa ng hagdanan at lumabas. Buti na lang walang nakakita sa akin. Agad akong sumakay ng bus at pupunta ng Han River doon kasi ang tagpuan namin. 

Hindi ako mapakali sa inuupuan ko para bang may bulate sa loob nito.Kasi naman eh! Miss na miss ko na siya. Si Park Chanyeol. Aba! Sino bang di makakamiss sa taong laging nagpapasaya sayo? Todo ngiti talaga ako kasi ngayon ko lang uli siya makikita busy kasi siya sa schedule eh. 

Nakatingin ako ngayon sa bintana ,ang ganda talaga ng paligid ng Seoul. Nakakabighani ang ganda nito pero wala pa rin talaga tatalo sa kagwapuhan ng Yeobo kong si Chanyeol. Okay lang kung cheesy dahil mamimiss ko uli siya. 

Di na kasi kami magkikita. Napangiti na naman ako pero may halong kalungkutan.Iniisip ko kasi kung magkikita pa kami o hindi. Mamimiss ko siya ng sobra sobra. Napatayo naman ako dahil nandito na ako sa han river. 

Bumaba na ako ng bus at naglakad kung saan kami nagkikita.  

Nakita ko naman ang isang lalaking kumakaway sa akin at lalo akong napangiti. Pag ka abot ko doon ay agad ko naman siyang niyakap. "Bogoshipo." yan ang unang lumabas sa bibig niya. "Bogoshipo Park Chanyeol." nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko.  

"I love you Shanelle~!" ayan na naman po ang pagka cheesy ni Park Chanyeol. "Ayan ka na naman e.Cheesy mo." wika ko sa kaniya habang pinipingot ang kaniyang ilong. "Sus.Mahal mo naman e." at niyakap niya ako sa likod. 

Ilang segundo ang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. "Sana lagi na lang tayong ganito." napangiti naman ako doon sa tugon niya sa akin.Sana nga Chanyeol,Sana nga. Kung pwede lang Chanyeol,Dati ko pa ginawa. 

Humiwalay naman ako sa yakap namin at hinawakan ang magkabila niyang pisngi. "Hayaan mo Chanyeol.Babantayan kita." ngiti kong wika sa kaniya at nag pout naman siya. "Paano mo naman gagawin yun?" curious niyang wika sa akin. 

"Secret.Malalaman mo din." pang aasar ko sa kaniya at kinurot niya yung pisngi ko. "Ikaw talaga.Tsktsk.Kung di lang kita Mahal e." siya naman ngayon ang nangasar sa akin. "Di kita Mahal no.Mahal na Mahal kita Park Chanyeol." ako naman ngayon ang naging cheesy sa kaniya. 

SymptomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon