Chapter 35: She's missing ~PART TWO~

44 0 0
                                    

Time check: 21:29 PM
Date: 12-03-2017





Agad na tinungi ni Rex ang elevator para makaakyat sa 12th floor ngunit halos lahat ng mga elevator ay may mga nakasakay na. Wala siyang nagawa kundi ang hagdan na lamang ang gamitin upang makaakyat sa 12th floor. Agad niya tinungo ang hagdan paakyat sa 12th floor at mas binilisan niya ang mga hakbang niya upang maabutan lamang si Devil Queen na kumalas sa plano.

"Ano nang nangyayari sa kanila?" Tanong niya kay Xathy na naroon sa kwarto na kung saan ang mga CCTV footage.

"Nakatutok ang baril ni Romeo Carpenter kay Devil Queen."

"Shit!" He cursed. Mas lalo pa niyang binilisan ang paghakbang.

"Rex wala ka bang tiwala kay Devil Queen? I'm sure she can defeat that man in just one snap." Napatiim bagang si Rex dahil sa narinig.

"You can't  understand me. I already witnessed the wickedness of that man. I witnessed how he kill the two mafia boss."














"Glacier just stay here may pupuntahan lang si Lolo." Wika ni Arevalo sa apo niyang si Glacier na siyam na taong gulang pa lamang.

Tiningnan lamang siya ng batang si Glacier at nginitian siya nito. Hudyat na susundin nito ang utos ng lolo. Nginitian ni Arevalo ang apo saka lumabas na sa kuwarto ng apo.

Inilapag ni Glacier ang mga laraun at gadgets na nilalaro niya kanina lang. Sinilip niya ang labas ng silid niya. Nang matiyak na nakalayo na nga ang lolo niya ay lumabas siya sa kanyang silid.

Maingat na paghakbang ang ginagawa niya habang pababa ng hagdan.

"K-kuya?" Natigilan siya ng marinig ang kapatid niyang si Calvier. Nilingon niya ito, nakatayo ito sa puno ng hagdan na animo'y may binabantayan.

"Calvier? What are you doing there?" Tanong ni Glacier sa kapatid. Tiningnan siya ng kapatid mula ulo hanggang paa.

"Where are you going? I heard lolo told you to stay here?" Inosenteng saad ni Calvier sa nakakatandang kapatid. Napahinga ng malalim si Glacier dahil siguradong mangungulit na naman ang kapatid.

"Kung gusto mong sumama sakin, sumama ka na lang wag ng maraming satsat." Nabakas ang isang napakaling ngiti sa labi ni Calvier dahil sa sinabi ng kapatid.

"Really kuya? Yes!" Hindi napigilan ni Calvier ang saya na dahilan upang mapalakas ang boses niya.

"Shhhhh.... just keep quite." Bulong ni Glacier sa kapatid na maingay. Maingat silang humahakbang papunta sa pintuan ng mansiyon.

Nang makarating sila sa pintuan ng mansiyon ay dahan dahan rin nilang binuksan ang pintuan. Sinilip ni Glacier ang labas ng pintuan at nakita niya na papasakay pa lamang ang lolo sa kotse nito. Agad niyang nilingon ang kapatid na nakatayo at naghihintay lamang ng kanya hudyat sa likod niya.

"Calvier bilisan mo ang pagsunod sakin para di tayo mahalata ni lolo. Did you get it?" Paalala niya sa kapatid na nakaabang sa likod niya. Tumango naman si  Calvier bilang pagsang-ayon sa kanyang kuya.

"Yes kuya." Sagot ni Calvier kay Glacier. Agad sialng nag handa para sa plano nialng dalawa. Binantayan nilang makapasok sa loob ng kotse ang lolo nila.

Mabilis ngunit maingat silang lumabas na dalawa sa likod ng pintuan at tinungo ang kotse ng lolo nila. Pumasok sila sa compartment ng kotse at maingat itong isinara ni Glacier nang hindi nahahalata ng lolo nila.

The Innocent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon