Chapter 38: I'm still alive [Second new life chapter]

58 0 0
                                    

Nagising siya sa ingay ng tahol ng aso. Naimulat niya ang mata niya ng marinig muli ang mga kahol ng isang aso.

"Gloo shut up. I'm still sleepy." Pagpapatahimik niya sa asong hindi pa rin matigil sa pagkahol. Naimulat na lamang niya ang mga mata dahil wala yatang balak tumigil sa pagkahol ang aso niya hanggat hindi siya bumabangon.

At kahit nakamulat na ang mga mata niya ay dilim pa rin ang sumasalubong sa kanya. Naramdaman niya ang pag-akyat ng aso niya sa kama na Siberian Husky na tri-nain pa sa U.S. nung doon siya nanatili ng halos dalawa't kalahating taon. At last month lamang siya nakabalik para sa kanyang importanteng yaman na kailangan niyang kunin mula sa isang account sa bangko.

"Such a naughty boy. Tss." Saad niya sa kanyang aso. Winagayway lamang nito ang buntot at dinilian siya nito sa mukha.

"Arf! Arf!" Kahol pa ng aso na animo'y nagpapalambing at gustong aliwin siya ng amo.

"Stop it Gloo." Suway niya sa kanyang aso. Tumalon na lamang ang aso mula sa kama at tumakbo na papalabas.

Kinapa niya ang kanyang walking stick sa gilid ng kama. Nang makapa niya ay tumayo na siya patungo sa banyo.

Kung tutuusin hindi na niya dapat kailangan gumamit pa ng walking stick dahil kabisado niya ang pasikot-sikot sa loob ng kanyang bahay. Binuksan niya ang pinto ng banyo at tumambad sa kanya ang halimuyak ng sabon niya.

*riiiiing! riiiing! riiiiing!

Napatigil siya sa pagsuot ng kanyang mahabang coat na umaabot sa kanyang tuhod na kulay itim ng biglang nag ring ang cellphone niya. Kinapa niya ang cellphone niya sa side table ng kanyang kama at sinagot ang tawag.

"What?" Ipinagpatuloy niya ang pagsuot ng kanyang mahabang itim na coat na umaabot sa kanyang tuhod. Habang kinakausap ang nasa kabilang linya. Narinig niya lamang ang pagtawa nito sa kabilang linya.

"Di ka pa rin nagbabago." Natatawang saad ng kausap niya sa kabilang linya. Napakunot ang kanyang noo nang mapagtantong si Elmer Shade Denvor ang kausap niya sa kabilang linya.

"Anong kailangan mo?" Tila isang yelong di matunaw ang tinig niya nang tanungin niya ito. Ngunit isang tawa lamang sa kabilang linya ang natanggap niya. Napakunot na lamang ang kanyang noo dahil sa inasta nito.

"Just call me later if you are already done laughing. Your just wasting my time." Saad niya sa kabilang linya at pinatay ang tawag. Kinuha niya na ang kanyang walking stick at lumabas na ng kanyang kwarto.

Natigilan siya ng may marinig na kumaluskos sa bandang kanan niya kung saan ang katabing kwarto lamang ng kanyang kwarto.

"Get the hell out of there." Walang reaksiyon ang mukha niya ng sabihin niya iyon. Na kahit pa sa pagsasalita ay di niya rin nilagyan ng kahit anong emosyon.

"Bakit ba ang cold mo?" Tanong sa kanya ni Heart. Pinagpatuloy na lang nila ang paglalakad patungo sa dining area.

"Kailangan kung itago ang lahat pati na rin ang nararamdaman ko dahil marami pang parating na unos dala-dala ang mga halang ang bituka. Kung magtitiwala agad ako sigurado mapapahamak lamang silang lahat. I have to keep in silent again to bring them into peace." Makahulugang saad niya habang bumababa sila sa hagdan.

Malaki ang mansiyon pero lahat ng mga pasikot-sikot sa loob ng bahay ay saulado niya. Kahit pa ang mga kaluskos at mga ingay na lumilikha sa paligid ng mansiyon ay mauulinigan niya.

"Lalim nun ah." Biro ni Heart ngunit hindi man lang napalitan ang aura ng paligid na kasing lamig ng yelo.




























The Innocent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon