Chapter 36: Break down

41 0 0
                                    

After 5 months

"I brought a flowers for you, My Queen." Umupo si Glacier sa damuhan at ipinatong ang mga bulaklak na dala niya sa puntod.

"I hope you like it." Nakangiting saad ni Glacier sa puntod ni Glory na katabi sa puntod ng lolo nito. Binasa niya ang nakalagay at napangiti na lamang siya ng malungkot.

Glory Crystal Devilyn Night
Date of birth: November 25, 1996
Date of Death: December 03, 2017

"I can't believe that your already gone." Di pa rin niya makalimutan yung araw na hindi niya nailigtas ang babaeng mahal na mahal niya.

Isinisisi niya sa sarili niya ang pagkawala ni Glory. Kung mas binilisan niya pa ang mga hakbang niya ay sana naabutan niya ang dalaga at hindi inabutan ng pagsabog.











"She.....she's.........missing." Saad ni Glacier habang nakaluhod pa rin sa gitna ng sunog at di alintana ang init ng apoy at patuloy lang ang pag-agos ng luha niya.

"Rex!" Tila wala siya sa sarili ng abutan siya ng mga RBW at DGG habang pinapatay ang mga apoy.

Tinulungan siya ng mga ito para makalabas sa floor na yun na nasusunog na ang buong paligid. Habang akay-akay siya ng mga ito ay yun naman ang pansamantalang natauhan siya ngunit binalot ulit siya ng sakit at pighati.

"This is all my fault." Bulong niya sa sarili niya. Tiningnan naman siya ni Ace na nakaakay rin sa kanya.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari." Pagpapagaan loob ni Ace. Mas binalot lamang siya ng lungkot at pighati sa puso niya. Tila hindi niya na kaya pang lumaban pa dahil sa nangyari.

Umaasa na lamang siya na sana nakaligtas sa pagsabog si Glory at wala sanang nangyaring masama sa dalaga.

Agad rin silang nakalabas sa building at hindi na tinuloy ang pagpapasabog sa buong gusali. Nagulat sila ng lumabas si Sunny mula sa gusali bitbit ang maskara ni Devil Queen.

At umaasa si Glacier na ang hawak at dala-dalang maskara ni Sunny na ang may-ari ng maskarang iyon ay buhay pa at ligtas. Agad siyang lumapit kay Sunny para malaman kung buhay pa nga ba ang minamahal na babae.

"Su-sunny where is she?" Ngunit isang malutong na sampal ang natanggap niya mula rito. Tila isang tigreng galit na galit si Sunny habang nanginginig sa galit na nakatingin kay Glacier.

"We trusted you! We trusted you Glacier! Pero anong ginawa mo hinayaan mo siyang sundin niya ang gusto niya! Kilala mo siya kung anong gusto niya yun ang susundin niya kahit pa ikapahamak niya!" Sumbat ni Sunny kay Glacier na nakayuko lamang at di makatingin ng deritso.

"I-i'm sorry." Pagpapakumbaba ni Glacier. Aminado siya na kasalanan niya ang lahat. Kahit siya ay galit na galit sa sarili niya.

"Sorry? Rex gumawa ka ng paraan para mahanap mo siya! At siguraduhin mong buhay siya!-----"

"Tama na Empress!" Natigilan si Sunny ng dumating si Calvier. Lumapit ito sa kanila. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Sunny na para bang pinapakalma niya ang dalaga.

"Wag mong isisi ang lahat kay kuya. Desisyon ni Queen na kumalas sa plano nila." Pagpapakalma ni Calvier kay Sunny. Tuningnan siya ng mariin ni Sunny.

"Emperor X sana alam mo nang matigas ang ulo niya nung una pa lang." Saad ni Sunny at tinalikauran silang lahat. Sinundan na lamang ng tingin nila si Sunny na papalayo na.

After 48 hours.....

"No. Hindi totoo ito! No sabihin niyong buhay pa siya!" Sigaw ni Glacier habang pilit na gustong lapitan ang bangkay ni Glory. Sunog at di na makilala ang itsura ng bangkay. Tanging DNA na lamang ang tumugma sa bangkay.

"Glory." Tanging na sambit ni MJ. Pati siya ay sinisisi rin ang sarili sa pagkamatay ni Glory.

Matapos ang sunog ay agad na hinanap ang mga bangkay sa nasabing sunog. At tanging dalawang bangkay lang ang nakita sa buong 12th floor.

Isa sa dalawang bangkay na yun ay ang bangkay ni Romeo Carpenter at bangkay ni................Glory.















































"Hanggang nagyon ay nangungulila ka pa rin sa kanya." Napalingon siya sa taong yun.

"Tita Sandrya." Umupo ito sa tabi niya. At hinaplos ang lapida ng anak. Nakatingin lamang siya kay Sandrya habang unti-unting pumapatak ang butil ng mga luha nito sa lapida ng anak.

"Tita I'm sorry." Napayuko siya ng sabihin niya ang mga katagang iyon. Tiningnan siya ni Sandrya. Ngumiti ito sa kanya, isang ngiti na umaapaw ang kalungkutan.

"Dane is not your fault. Desisyon yun ng anak ko. At ang tanging ginawa mo lamang ay ang iligtas siya. Dapat ngang magpasalamat ako sayo. Dahil minahal mo ang anak ko kahit na mahirap itong palambutin." Hinaplos ni Sandrya ang pisngi ng binata. Agad niyang pinahidan ang mga luha nitong tumulo.

"I really love her tita. Simula nung bata pa lang kami minahal ko na siya. And I am really break down because I can't see her smile anymore." Puno ng pait na saad niya at hinaplos ang lapidang may nakaukit na mas tinutusok pa ang puso niya sa tuwing nababasa niya ito.

"No. You can always see her smile. Because she has a lot of memories together with her love ones." Pagpapagaan ni Sandrya sa loob ni Glacier. Niyakap siya ni Sandrya at hinaplos ang likod nito.

Sa mga oras na yun ay naramdaman niya ang pagmamahal ng isang ina na kahit kailan ay di niya naranasan. Humagulgol siya at inilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Sakit na tila pinapatay siya ng paulit-ulit.






























'What is life?'

'What is life for?'

'What is life for if you are not with me?'

'What is life for if I don't have a reason to live?'

'What is life for if my life, my world is already gone?'

Inilapag ni Glacier ang ballpen niya sa office table niya. Hinilot niya ang sintido at isinandig ang likod sa upuan upang mai-relax niya ang sarili. Masyado kasi siyang naging busy sa pagpapatakbo ng kompanya.

Its been three years since that tragic happened. At sa totoo lang ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang lahat. Kahit na ang sakit sa puso niya ay hindi pa rin nabubura.

He is really breaking down. Pero simula ng araw na huling kanyang pagbisita sa puntod ni Glory ay yun rin ang araw na naging walang buhay ang buhay niya.

At sa hindi niya alam kahit na lumipas na ang mahabang panahon ay hindi pa rin siya tinatakasan ng lungkot at pighati.

Kinuha niya ang isang litrato at hinaplos iyon. Napangiti na lamang siya.

"Its been three years, My Queen but I still feel the pain. I'm still breaking down."































































x~o~x~o~myknair

The Innocent DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon