Nandito kami ni Tristan malapit sa isang lawa. Nagpapahinga kami kasi mahaba-haba ang aming nilakad.
"Bakit hindi pa nagbibigay ang libro ng clue para sa sunod na lokasyon ng talisman?" tanong ni Tristan. I heaved a sigh of frustration. Isang linggo na kami naghihintay para sa sunod na talisman. "Hindi ko alam.' maikli kung tugon sa kaniya. Tumayo ako at lumapit sa lawa. Ipinikit ko ang aking mata at itinaas ang ang aking mga kamay.
"what are you doing?" he said. "Training" sagot ko sa kaniya. Agad na gumalaw ang tubig na nasa lawa. Inisip ko na makabuo ng dalawang water ball and nagawa ko naman. Sumubok rin ako ng iba't-ibang technique ng tubig. Panghuli, sinubukan kung bumuo ng daluyong. hindi ko makontrol dahil sa lakas ng water pressure. Paglingon ko, tuloy-tuloy nitong binabagtas ang direksyon ng natutulog na si Tristan. "TRISTAN" I shouted pero huli na siya para iwasan ang technique na iyon.
Paghupa ng tubig, tumambad sa akin ang basang mga gamit at ang nagagalaiting si Tristan. "Para saan iyon?" matigas niyang saad. "sorry naman! hindi ko na kontrol ang tubig. Hindi ko inaakala na ganito kalakas ang agimat na ito" sabi ko. Binigyan ko naman siya ng pamunas.
"According to the myth, Ito ay pininiwalang may basbas ni Poseidon, ang diyos ng tubig. Ang blue pearl na ginamit ay mula pa isang mythical shell na nabuhay milyong taon na ang nakalilipas" paliwanag ni Tristan. "Pero, lahat na lahi ng shell na ito ay sinira at pinatay ni Rusalka, isang underwater demon upang humina ang kapangyarihan ni Poseidon pero hindi ito ang nangyari." dagdag pa niya. "Bagkus nagdulot ito ng matinding baha sa isla ng Crete kaya ito nabura sa mapa. Ang mga mythial shells kasi ang pundasyon ng Crete. Nagalit si god Minoa, ang diyos ng Crete dahil sa ginawa ng mga Rusalka. Isinumpa niya ito at ikinulong sa isang dungeon na walang sinuman ang makakalabas."
Nandito parin kami sa tabi ng lawa, lumipat lang kami ni pwesto dahil sa ginawa ko kanina. Habng kumakain, biglang umilaw ang gintong libro. Agad naming nilapitan ni Tristan ang libro.
To hold the power of the OxylusFind the symbol of Anthousai, the nymph
Look for the Valida ea Gens
Ito ang sinabi ng malumanay na boses mula sa libro bago lumisan ang liwanag nito. "Woah! napakalalim naman ng clue nato." reklamo ni Tristan. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Maliban sa mga kalaban, dito pa kami nahihirapan ng masyado.
"LIBER" usal ko at nagmaterialize na ang mga libro sa harap namin ni Tristan. Tiningnan ako ni tristan na tila nagtatanong kung para saan 'yon. "Research" maikli kong sagot at dumampot ng isang libro. Napailing naman siya at dumampot na rin siya ng libro. Namayani ang katahimikan, tutok na tutok kami sa aming binabasa.
Lumipas ang dalawang oras, patuloy parin kami sa pagbabasa ng mga libro pero wala paring development. "Time out muna!" sabi ko tsaka humuga sa damuhan, titingnan ang malumanay na galaw ng mga puting ulap sa bughaw na kalangitan. Iidlip muna ako, nakakapagod magbasa lalong lalo na kakatapus ko lang mag training. Medyo naubos ang lakas ko.
Nagising ako na tila may mahigpit sa aking katawan. Pagmulat ko, nakita ko na nakatali kami sa isang puno gamit ang mga ugat nito. "Tristan" tinawag ko siya ulanb magising. "Hoy!Gumising ka Tristan" medyo nilakasan ko ang aking boses. Unti-unting gumalaw si Tristan, isang senyales na nagigising na siya."What the..." usal na niya ng makita niyang nakataki siya. "What happening?"he asked. "Hindi ko alam and besides kakagising ko lang" sagot ko sa kaniya. Nagpupumiglas siya pero malakas at maghigpit ang pagkakapulupot ng mga baging. "Dispell" bigkas ko pero walang nangyari. "Earth Scroll" usal ni Tristan at biglang lumindol dahil sa mahika niya pero wala paring nangyayari sa mga baging. " El tiera sol quiram" usal ko ulit ng aking orasyon pero wala parin. Parang hinihigop ng ng baging anb mga kapangyaring binibitawan namin.
"Nag-aaksaya lamang kayo ng lakas niyo, mga bata." sabi ng isang boses matanda. "Sabihin niyo, ano ang pakay niyo dito sa kagubatang ito? " tanong ng matanda.
"Nagpapahinga lamang po kami" sabi ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Kinikilatis niya ako.
Itinaas niya ang kaniyang tungkod at umilaw ang dulo nito. Kasunod non ay ang pagkalas ng mha baging sa aming katawan. "Maraming salamat po" sarkastikong sabi ni Tristan. Siniko naman siya nilang senyalis na umayos siya.
"Nasa iyo pala ang asul na perlas iha!" Sabi niya habang nakatingin sa tattoo na nasa pulsuhon ko. "Ikaw siguro si Jane, ang chosen one." Hindi ito tanong, parang alam na niya ang tungkol sa akin.
"Kung hindi niyo po mamasamain, ano po ba ang pangalan niyo lolo?" tanong ni Tristan sa matanda. Napangiti naman ang matanda sa kaniya. "Ako si Tandang Cielo, ang tagapangalaga ng lawa at ng kagubatang ito. Ako ang nagpapanatila sa kapayapaan at kagandahan nito mula sa mga masasamang tao" paliwanag ni Tandang Cielo.
Biglang siyang nalungkot. "Ano pong problema?" Tanong ni Tristan. "Kamakailan lang ng malaman ko na unti-unting mamatay ang lawang ito" itinuro niya ang lawa na nasa malapit sa amin. Biglang umilaw ang hintuturo niya at umiba ang kulay ng tubig sa lawa. Mula sa kulay asul na tubig naging dark green ito na para bang lason.
"Iyan ang totoong sitwasyon dito. Hindi kaya ng kapangyarihan na ibalik sa dati ang lawa. Sa unti-unting pagkasira ng lawa, unti-unting namamatay ang kagubatan. Ang lawang ito ang nagsisilbing puso ng kagubatan. Dito nagmumula ang tubig na ang bibigay buhay sa mga halaman at hayop dito" mahabang paliwanag niya. Makikita mo sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot.
"Alam niyo ba ang dahilan nito?" Tanong ko kay Tandang Cielo. Hindi agad siya nakasagot. Nagkatinginan kami ni Tristan sa isa't-isa. "Dark Knight" maikling sabi ni Tandang Cielo habang sinusuri parin ang kalagayan ng lawa. Kaya pala iba ang nararamdam ko sa tubig kanina nong ginamit ko ang agimat.
"Susubukan ko po ang kapangyarihan ko" sabi ko sa kaniya at hinawakan ang balikat niya. "Tristan, gumawa ka ng barrier" utos ko sa kaniya. Napatango naman siya at ginawa ang sinabi ko. Nang makompleto ang barrier, inumpisahan ko nang gawin ang spell, a ancient and class S magic.
"Et incrementum in ver dea, converte animan tuam in silva" unti-unting lumutang ang aking katawan sa lupa. Umiilaw ng kulay berde ang kamay kong nakataas sa ere. Lumakas ang hangin sa paligid. "Praebueris virtute tua, et adiuva me bonum" karagdagang bigkas ko. Sasunod non ay ang pag-ilaw ng asul na perlas sa aking kamay. Tinutulungan ako ng perlas upang mapagaling ang paligid.
"Caerula margaritum habentis potestatem aqua fidius Et iterum reversus lacu vita tollere mortuis" panghuli kong bigkas bago lumandas ang malakas na ilaw mula sa kamay ko patungo sa lawa. Umilaw ng napakalakas ang lawa at mas lumakas pa ang hangin sa loob ng barrier. Unti-unting nauubos ang aking lakas. Casting an ancient spell already drained my energy and the power of the blue pearl needs tremendous energy plus the fact that I am still an amateur for the power of talisman.
Pagkatapos ng ilang minuto, unti-unying humuhina ang hangin sa palingid at nawawala na rin ang liwanag. Nang tuluyan ng mawala ang liwanag ay tumambad sa amin ang lawa. Bumalik ito sa kulay asul nito anyo pero makikita parin ang berdeng kulay.
"Hindi tuluyang napaibalik sa dati ang lawa" sabi ni Tristan. Tumango naman si Tandang Cielo. Naging alerto kami ng biglang lumakas muli ang ang hangin sa paligid. Biglang may nabubuong pigura sa gitna ng ilog. Tumambad sa amin ang isang babae na nakasuot ng puting gown, yung katulad sa mga greek gods.
"Binibing Jane Black!" Sabi ng boses na ikinagulat ko pati narin ng dalawang kasama ko!
To be continued...
☆☆☆
The Magical Agimat
By
Lloyd Alarcon
BINABASA MO ANG
The Magique of Talisman
FantasyFirst Book of The Sorcerer's Adventures Samahan natin ang ating bidang si Jane Black sa kaniyang paglalakbay para hanapin ang sampung makapangyarihang agimat na nagkalat sa iba't-ibang rehiyon ng mundo, isang paglalakbay na hahadlangan ng mga itim n...