~ Magical Background~
☆☆☆Magic? Isang produkto ng napakulit na isip at mga imahinasyon ng mga tao. Isang kathang-isip sabi ng marami. "Hindi totoo 'yan" karaniwang reaksyon nating mga tao.
"Magic is effective and true if you believe on it" 'yan ang sabi nila. Totoo ba talagang may magic o isa lamang itong pantasya na nasasalin sa bawat henerasyon? Ang sagot, depende.
Sa aming angkan, Ito ay totoo. Incantations, spells, demons, talisman at iba pang objects at entkties ay nag-eexist. Ito ay tinatawag na ancient art, sining ng mahika. Ito ay nagsimula bago pa isinilang ang maraming relihiyon. Ang era na hindi nilagay sa aklat ng kasaysayan ng mga manunulat. Dark Era ang tawag nila rito. Pero, para sa amin, ito'y ay era ng kasaganaan, pagkakaisa at magic.
Ang aming bloodline ay kilala dahil sa kaalaman namin sa paggamit ancient arts. Ang aming ancestors ay tinuturing na mga alpha o ang pinakamataas na antas sa caste system sa secret society dahil sa pamamaraan namin at lakas sa pagamit ng mga inkantasyon at mga orasyon.
Ang secret society naman ay ang samahan ng mga salamangkero at witch na binuo ng aking mga ninuno noon upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang bawat isa. Ito ay tinawag nilang Los Magus. Ito ay pinamumunuan ng sampung malalakas at magigiting na salamangkero ng aming angkan.Noon pa man may masama na tulad ng demons na nagkalat sa bawat parte ng mundo. Sila ay may mahikang itim. Kung kami ay Los Magus sila naman ay may Dark Organisation. Kaya ang naman ang aking mga ninuno ay bumuo ng isang magical object mula sa pinagsamang kapangyarihan nila na maaring gawing pantulong o booster ng kanilang kapangyarihan.
Bumuo sila ng mga talisman, sampung malalakas na talisman. Bawat isa ay may sariling katangian at kapangyarihan. Hindi ito basta-basta dahil may lakas itong hindi nasusukat.
Una, ang kaliskis ng dragon, ang pinakamalakas sa kanila. Ito ay nagtataglay ng isang katangiang tinataglay tulad ng isang totoong dragon, ang elemento ng apoy. Ito ay ginamit ng pinuno ng secret society which is ang aking lolo.
Ikalawa, ang balahibo ng agila, ito ay may kakayahang tinatawag na levitation o telekinesis. Kaya nitong magpalutang ng kahit na anong bagay at tao. Ang kakayahan nito ay nakabase sa kakayahan ng user o holder nito. Ito rin ay nagbibigay ng malinaw na paningin tulad ng isang agila.
Pangatlo, ang balahibo ng kabayo. Ito ay nagbibigay ng ekstraordinaryong bilis at liksi sa sinumang gumamit nito. Singbilis ng kidlat, 'yan ang maari mong tamuhin kung hawak mo ito. Kaya mong tapatan ang liwanag sa sobrang liksi mo.
Pang-apat, ang bato ng pagong. Ito ay maliit na bahagi mula sa bahay ng isang pagong. Ito ay magbibigay ng pinakamatibay na opensa o pananggalang sa sinumang nagtataglay nito. Ito ay mas matibay pa sa admantine metal, isang metal na matibay na mula pa sa pinaka malalim na parte ng kalawakan.
Ang ikalima naman ay mata ng kuwago. Ito ay nagbibigay ng isang napakainit na titig o laser na nagmumula sa mata ng holder nito. Ang mata ng holder nito ay kayang magproduce ng isang maiinit na enerhiya gamit ang kaniyang mata.
Pang-anim naman ay ang balat ng ahas. Ito ay may taglay na invisibility. Ito ay isa sa mga mapanganib na talisman na binuo. Maaari itong magamit upang takasan ang sino man maski si kamatayan ay di ka makikita.
Pang-pito ay ang asul na perlas na mula sa atlantis, isang kontinente na nasa oreant sea, pinakamalalim na parte ng karagatan. Ito ay magbibigay ng kakayahan upang makahinga at makontrol ang tubig pero hindi lahat. Ang kapangyarihan nito ay nakasalalay sa holder nito.
Ikawalo naman ay ang gintong dahon. Ito ay kakayahang kontrolin ang bawat halaman na nasa paligid. Kaya nitong pasunurin at kontrolin ang kalikasan ayon sa will ng holder nito. Nagbibigay din ito ng kakayahang makausap ang mga hayop at utusan ito.
Pangsiyam ay ang tribal symbol of yin & yang. Ito ay maykakahayan na gawing masama ang mabuti at gawing mabuti ang masama. Ito ay isa pinakamainit sa mata ng mga demonyo. Nais nila itong makuha upang mas maparami pa ang kanilang bilang.
At ang pinakamahalaga sa lahat ay ang kwintas ng liwanag. Ito ay nagbibigay ng kakayahan na magpagaling sa kahit na anong sakit. Ito ay pinaniniwalang nabibigay ng immortality sa sinomang may hawak nito pero isa lamang itong legend, wlang sinuman ang makakapagsabi sa tunay na kapangyarihan ng agimat na ito maliban sa first holder nito.
Bawat isa ay binuo ng mga makapangyarihan tao ng aming angkan noon. Ang mga talisman ay nagbibigay ng dagdag na proteksyon at lakas sa kanila. At sabi pa, ito ay may basbas ng mga ancient gods pero walang sino mang nakasaksi nito except nalang siguro sa mga ninuno namin.
Nang ito'y malaman ng mga demonyo, sila'y nagkandarapa na makuha ito sa mga may-ari nito. Sila'y naghanap ng mga paraan upang ito'y mapasakamay nila. Nais nilang nakawin ito upang madagdagan ang lakas ng itim na salamangka nila upang masakop ang daigdig.
Maraming napatay na mga salamangkero ang mga demonyo kaysa nang malaman ito ng mga pinuno ng secret society agad silang gumawa ng paraan upang magapi ang mga demonyong ito. Sila'y lumikha ng isang sa dark dimension, isang lugar ng kawalan. Isang lugar na kung saan magiging kulungan ng mga demonyo habang buhay. Ito ay kilala ngayon sa tawag na impyerno.
Ang mga pinuno ay naglakbay sa bundok ng Clevaria, bundok na kung saan pinaniniwalang pinagmulan ng mga kapangyarihan, kung saan matatagpuan ang Pandora's Box, ang pinagmupan ng buhay. Sabi sa alamat, Bundok na kung saan ginawa ng mga diyos upang magsilbing altar para sa mga tao at salamangkero.
Gumuhit sila ng magic circle sa lupa na may mga symbolo na sila lamang ang nakakaintindi. May maliliit itong bilog na sumisibolo sa bawat antas nila. Agad silang pumwesto doon sa bawat bilog upang maisagawa ang sealing spell para sa demonyo.
"Elebrium el diablos, elebdium el lighurim" isang orasyon na sabay sabay nilang binanggit na magkukulong sa mga demonyo sa isang itim na dimensyon na giniwa nila.
Agad binalot ng isang gintong liwanag ang buong paligid, isang nakakasilaw na liwanag. Nagtaka ang mga tao mula sa iba't -ibang bahagi ng daigdig.
"Babalik kami, Babalik kami. At sa oras na iyon, kami na ang maghahari sa mundoooo, wahhhh" sabi ng isang malalim boses bago mawala ang liwanag at ang mga demonyo. Binalot ng nakakabingin katahimikan ang paligid.Nagdiwang ang mga taga secret society dahil sa tagumpay nilang nakamit.
Ngunit, sa kasamaang palad ang spell na ginawa nila ay may kapalit. Paunti-unting inuubos nito ang life force ng sinumang gumamit nito. Mayroon na lamang silang konting oras na natitira.
At upang mapangalagaan ang ang mga talisman o agimat, bawat may-ari nito ay nag pasya na itago ang mga ito sa iba't -ibang bahagi ng mundo na kung saan ito'y mananatili doon at mahihimalay hanggang sa takdang panahon na kung saan isang babae mula sa aming angkan ang gagamitin ito sa kabutihan.
Ang babaeng magmamana ng isang sekretong kaalaman at kakaibang kapangyarihan.
Ako si Jane Black, ang babaeng iyon.
☆☆☆☆
"THE TALISMAN"
BINABASA MO ANG
The Magique of Talisman
FantasyFirst Book of The Sorcerer's Adventures Samahan natin ang ating bidang si Jane Black sa kaniyang paglalakbay para hanapin ang sampung makapangyarihang agimat na nagkalat sa iba't-ibang rehiyon ng mundo, isang paglalakbay na hahadlangan ng mga itim n...