Lumitaw ang babae mula sa mga pixie dust. Siya'y nakalutang sa ibabaw ng tubig. She emanated the epitome of perfection. Kulay porcelanang balat, mahahabang pilik-mata, kulay asul na mata at mahabang buhok, the characteristics of a fictional goddess. Sino siya?
"I am the lady of the sacred lake. Ako ang nagbibigay ng ganda sa lugar na ito." malumanay niyang sabi. "Bakit hindi bumalik sa dati ang lawa at bakit hindi mo ito ginawan ng paraan?" diretso kung sabi. Walang akongh paki-alam kung sino siya. Napangiti naman siya sa sinabi ko.
"Isang diablo ang dahilan ng pagkasira nito. Hindi sakop ng aking kapangyarihan ang makipaglaban, ako'y tagapangalaga lamang ng lugar." paliwanag niya. "Diablo? diba wala na sila?" tanong ko. Imposible ito dahil ikinulong na ng aking mga ninuno ang mga nilalang na ito. "Unti-unting lumakas ang kapangyarihan nila Jane. Bumabalik na sila upang sakupin mo muna ang mundo, pero hindi ito ang problema sa ngayon. Dapat mo munang makolekta lahat ng agimat at magpalakas." sabi niya sa akin. "Pero diwata, paano po namin maibabalik ang buhay ng lawa?" tanong ni Tristan. Pinaalala ni Tristan kung ano ang isyu dito.
"Hindi sapat ang kapangyarihan ng asul na perlas upang maibalik ang lawa sa dating sila. Kailangan nito ang gintong dahon. Ang gintong dahon ay isa sa mga talisman na hinanap niyo. Ito ay may kapangyarihang kontrolin ang kalikasan at ang mga anyo nito." pagpapaliwang niya.
"Tristan baka ito ang nais iparating libro sa atin." sabi ko kay Tristan. "Sure ka?" tanong niya sa akin. Sinikmuraan ko siya ng mahina. "Wala ka bang tiwala sa akin?" naiiritang turan ko.
"Diyosa, maaari niyo po bang ipaliwanag ang kahulugan nitong palaisipan na ito?" inilihad ni Tristan ang nakasulat sa gintong libro. Kinilatis ng diyosa ang mga nakasulat.
"Si Oxylus ang diyos ng kalakisan, masaganang-ani at tag-sibol. Ayon sa mito, binigyan niya ng regalo ang mga tao noon at ito ang kalikasan. Sunod naman ay ang nimpa ng kalikasan na si Anthousai. Siya ang nangalaga sa kalikasan noon, limang libong taon na ang nakakalipas. Upang hindi siya makalimutan ng mga tao, gumawa siya ng sagisag na sumisiblo sa kaniya, ito ang gintong dahon. At ang panghuli ay Valida ea Gens. Sila ang the great lost tribe na matatagpuan sa kagubatan ng realok o mas kilala ngayon na Amazon. Ayon pa, sila ay mga barbaro at labanan ang nagbibigay buhay sa kanila." mahabang salin niya sa bugtong.
"Maraming salamat po!" sabi ni Tandang Cielo na kanina pa nakikinig sa amin. "Tungkulin ko ang tumulong. Jane at Tristan d'yan niyo makikita ang susunod na Talisman. Kailangan niyong magmadali dahil kumikilos na rin sila!" paalala niya sa aming dalawa. Nagtaka ako. "Sinong sila?" tanong ko. "Sa tamang panahon Jane malalaman mo rin kung sino ang tinutukoy ko" sabi niya at ngumiti. Unti-unting nawawala ang katawan niya. "Paalam" ang huling sinabi ng dyosa bago siya tuluyang maglaho sa hangin.
Namayani ang katahimikan sa amin at inaabsorb ang lahat ng impormasyong nalaman namin. "Jane ano na ang gagawin natin?" tanong ni Tristan sa akin. "Hindi ko alam Tristan basta ang mahalaga sa ngayon ay ang pagkuha sa ikalawang agimat at iligtas ang lugar na ito.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Magique of Talisman
FantasyFirst Book of The Sorcerer's Adventures Samahan natin ang ating bidang si Jane Black sa kaniyang paglalakbay para hanapin ang sampung makapangyarihang agimat na nagkalat sa iba't-ibang rehiyon ng mundo, isang paglalakbay na hahadlangan ng mga itim n...