Chapter 11: New Year

6 1 0
                                    

ASHANNA'S POV

Happy New Year!!! Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng groceries para sa new year and mga regalo. Napag-usapan kasi namin na sa new year nalang magbibigay o magbubukas ng regalo para masaya! Hihihi!

Kasama ko dito si Kuya at si Ahl kasi tagabuhat sila habang kami ni Mom ang namimili. Si Dad naman ay ginagawa kaya hindi siya nakasama.

"Mom, gawa tayong graham cake." Request ni Kuya habang naka-pout. Ang panget niya!

"K." Maiksing sabi ni Mom kasi busy siya kakabili. "Ay! Azzi, Asha punta kayo sa perfume shop na binibilhan ng Dad niyo. Bilin niyo siya nung perfume na ginagamit niya. Diba alam mo kung ano yun Azzi?" Tanong niya kay Kuya at tumango naman ito.

Binigay samin ni Mom yung credit card niya at lumabas na kami sa grocery store, or more like kinaladkad ako ni Kuya psh!

Pagkapasok namin dun sa shop ay pumunta kami dun sa isang sales lady para magtanong. Pagkatanong ni Kuya ay dumeretso na kami kung nasan yung pabango at kumuha nung isa. Dumeretso na kami sa counter para magbayad.

"Ahh, Sir?" Tawag nung babae sa counter kay Kuya.

"Yes?" Sagot ni Kuya dun sa babae at nagpapacute.

"Girlfriend niyo po?" Tanong nung babae at tumingin sakin.

"Ewww!" Sabi ko na nangdidiring tumingin kay Kuya.

"Uhh, hindi. Yaya ko." Hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Ang ganda ko namang yaya." Sabi ko at nag hair flip.

"Pshh! Alis na kami ha?" Sabi ni Kuya at kinindatan yung babae. Kinilig naman siya like eww! Hahaha!

Bumalik naman kami dun aa grocery store at nakita namin na tapos nang mamili si Mom at nakapagbayad na. Si Ahl naman ay kinakalikot yung mga pinamili ni Mom. Naghahanap siguro ng pagkain.

Nalibot-libot naman kami para bumili ng mga regalo. Puro damit or accesories lang yung mga binili ko, wala kasi akong maisip na iba eh.

Binilhan ko ng mga regalo sina Mom, Dad, Kuya, Ahl, Zaya, Zendeya, Chord, India at iba pa naming friends. Pati yung mga maids at driver namin binilhan ko din ng regalo. Feeling ko may kulang eh. Ayun! Si Forrest! Ano kaya ireregalo ko sa kanya? Wala naman akong alam na hilig niya eh.

Hmm... Isip... Isip... Ayun! Alam ko na!

Pumunta ako sa department store at hinanap don yung kailanagan ko. Pagkatapos kong pumunta don ay pumunta ako sa NBS para bumili ng gift wrapper.

Pagkatapos namin mamili ng mga kailangan namin ay kumain kami at umuwi na sa bahay para maghanda.

Tinutulungan ko si Mom magluto at magbake. Hindi naman ako ganun kagaling magluto pero ako yung taga-halo hahaha, charot lang! Marunong naman ako magluto noh.

Habang nagluluto kami ay lumabas sila Dad, Kuya at Ahl para bumili ng mga paputok. Dito din magnew-new year sila Zaya at Zendeya kasi busy sa ibang bansa yung parents nila.

Habang mini-mix ko yung mga ingredients para sa brownies ay merong biglang nagdoorbell. Agad naman akong lumabas ng bahay at pumunta sa gate para tignan kung sino yun.

Pagkabukas ko ng gate ay nakita ko si Zaya at si Zen. May dala silang maleta dahil isang linggo sila dito dahil nasa States yung parents nila.

Mahal Mo? Mahal Ka Ba? (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon