"WALANGHIYA KANG BAKLANG MUKHANG IPIS!" Sigaw ng isang babae, nangangalaiti ito sa galit . Nakakatakot sya parang may apoy sa kanyang mga mata at parang napapalibutan ito ng mga apoy. Para syang dragon na handa kang bugahan ng apoy ano mang oras, lahat ng tao sa hallway ayaw mangealam dahil baka sila ang pagbuntungan ng galit na galit na tigreng si Diefrina, ni isa walang nakialam at kahit mga kaibigay niyo ay nanatiling tahimik.
Kakaiba sya kumpara sa ibang babae. Malakas, parang lalaki kumilos, tahimik, at higit sa lahat NAKAKATAKOT. Mahaba pasensya nya pero sinagad ni Zidd, walang ginawa Kundi pagtripan si Diefrina. Sa bawat araw araw na pang trip nya Sinong hindi mangangalaiti sa galit?
"H-ha?.. W-WAIT! TI-TIBO T-TIBONG J-JEJE E-ESTE! DIEF--- WAAAAAAAAAH" Sigaw ni Zidd habang tumatakbo. Wala na talaga. Ubos na ang pasensya ng isang Diefrina lei Athler .. siguradong hindi sya titigilan. Halos malibot na nila ang buong unibersidad, walang sumusuko. Habol jan, takbo jan, habol dun, takbo dun, wala silang tigil sa pag takbo. Lalo na si Zidd dahil paniguradong malamig na syang bangkay pag na abutan sya nito.
Hindi nya na isip na ganito pala magalit ang isang Diefrina, parang handa syang patayin. At ilusog lusog ang katawan at ipamibay sa mga nagkakagusto sa kanya. Maraming patay na patay sa kanya dahil sa angking gwapo nito. Halos lahat ng babae sa kanilang unibersidad ay may gusto sa kanya. Tinitilian din sya at halos isamba na rin. Para syang anghel na bumaba sa langit na nagkatawang tao pero ugaling demonyo
Halos manghina na rin silang dalawa dahil kanina pa sila tumatakbo. Pinagpapawisan ng malamig si Zidd dahil sa kaba. Ayaw talaga syang tigilan ni Diefrina, parang sya. Noong kinausap sya ng matino at sinabing tumigil na hindi pa rin nya iyo tinantanan. Kaya siguro karma lang nya ito
Napatigil naman sa pag takbo si Zidd at ang kanyang singkit na mata lumaki na para bang nakakita ng multo. Hindi sya makagalaw para bang napako ang kanyang mga paa. Malapit na syang abutan ni Diefrina pero napatigil na rin pala sya at nakatingin sa iisang tao.
Nagtaasan ang mga Balahibo nilang dalawa. Hindi alam kong anong gagawin, o kung ipagpapatuloy pa ba nila ang pag aaway nila.
Malamig silang tinitigan nito at ngumiti na parang demonyo. Nakakakilabot sya, Sa isang tingin nya lamang mahihimatay kana. Halos hindi kumukurap si Zidd dahil sa pangamba at takot, samantalang si Diefrina ay kinakalma ang sarili. Hindi dapat sya magpapaapekto rito. Wala dapat syang ikatakot dahil sa isip ni Diefrina....
.
.
.
.
Sya dapat ang matakot
BINABASA MO ANG
She's differently beautiful
Teen FictionShe's so loud she's so noisy she's so talkative she's so naughty she's so crazy pero kabaliktaran lang ang lahat she's so silent she's so cold she's so heartless she's a man hater she's different from other girls And she's driving me much crazier...