Talk to me love, if I tell I'm in love with you would it be enough.
_________Zidd's POV
"DIEFRINA! I'LL VOLUNTEER TO BE YOUR SEX BUDDY!" Sigaw ni Pierce. Nagulat kami dahil ngayun lang naman sya nakitang ngumiti. P-Paano? Anong ginawa mo sa kaibigan namin Diefrina! Nilason mo ba sya?! Lason? Eh bakit buhay pa sya? Baka naman ginayuma mo sya!? Sabi na eh, may lahing mangkukulam itong si Diefrina. Mukha palang hindi na mapagkakatiwalaan.
Sa tagal naming magkakaibigan, ngayun lang naman nakitang ngumiti ng ganun si Pierce, ang pangit nya pa rin kahit ngumiti.
May kung anong naramdaman akong Inis sa sinigaw ni Pierce. Siguro dahil Kaibigan ko ang nag apply? Siguro nga ganun. Ang pangit naman kasi yang si Diefrina tapos papatulan ng kaibigan ko? Malaki lang naman pisnge nya at cute-- wait! Hindi sya cute, pangit! Pangit! Pangit!
Bwiset! Ano bang nangyayare sa akin? Nauulol nanaman ata ako. Kailan ko ng strawberry cake at milk shake. Pangtanggal ulol. Haha
"Zidd, kilala ni Pierce si Diefrina?" Tanong sa akin ni Austin. Hindi nya nakita yung nasa likod ni Diefrina dahil nakaharap sya, samantalang si Pierce nakatalikod.
"Ano kaya pinag uusapan nila?" Kahit kailan napaka chismoso nitong si Kei. Parang bading, alergic pa naman ako sa mga bading. Pagnagkataong bading ito itatakwil ko sya. Ipapalapa ko sa mga lion sa zoo.
Napatingin naman ako kay Diefrina ng bigla syang tumalikod. Hindi ko mapigilang tumawa. Napatingin naman si Austin at Kei sa akin habang nang lalaki ang mga mata. Ulol! Ang papangit ng itsura nyo HAHAHA
"I-ikaw g-gumawa nun?" Nauutal na tanong sa akin ni Austin. Natatawa naman akong tumango. Ano kaya magiging reaksyon ni Diefrina Pagnakita nya yung nasa likod nya. Lulubo ba lalo pisnge nyang malasiopao?
Habang nakatalikod si Diefrina, kinuha nya yung papel na nakalagay sa likod nya. Wait! Humarap ka! Gusto mo pakita reaksyon mo.
Nagulat naman ako ng bigla nyang nilukot lukot parang Gigil na Gigil sya. Napalunok naman ako, at Napahawak sa leeg ko. Ano ba iyong iniisip ko?
"Last mo na ito, Mr. Wycliffe" malamig nyang sabi. Hindi naman kami malayo sa kanila kaya narinig ko ang sinabi nya. Para naman akong natakot sa malamig nyang boses. Ang init init pero bakit nilalamig ako?
Pagkatapos nyang sabihin iyon tumalikod na sya at dumeretso sa canteen. Bakit ganun sya? Kakaiba syang babae. Mas malamig sya kesa sakanya, mas wala syang emosyon sya kesa sakanya, at Mas Nakakatakot sya kesa sakanya? Bakit naalala ko sya sa kanya?
_________
"Uy Zidd! Kanina ka pa lutang! " sabi ni Kei sabay pinitik ang noo ko. Nagising naman ako sa reyalidad. Kanina pa pala ako lutang. Hindi ko man lang namalayan. Sa sobrang pag iisip ko. Hindi kona napansing nandito na kami sa canteen at nakaupo.
"Ano bang nangyayare sayo Zidd? Inlove ka no?!" Natatawang asar sa akin ni Austin. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
Napatingin naman ako kay Pierce na nasa harap ko pala. Hindi ko napansing kasama pala namin sya. Parang bumalik sa dati si Pierce dahil poker face nanaman ang mukha nya. Lagi naman pero nakakabigla yung pag ngiti nya kanina.
"Ikaw nag lagay ng 'I'M DIEFRINA AND I'M LOOKING FOR A SEX BUDDY' sa likod nya Zidd?" Walang emosyong tanong sa akin ni Pierce. Nagulat naman ako sa tanong nya. Pakiramdam ko gusto akong sakalin ni Pierce. Napahawak ulit ako sa leeg ko at kinunutan sya ng noo "Answer me" Sabi nya. Napalunok naman ako. Bakit napaka seryoso neto lagi?
Tumikhim muna ako bago Sumagot "Yes, ako ang may gawa n----" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil bigla syang tumayo at lumakad papunta ka.... Diefrina?
Nanlalaki naman akong nakatitig kay Diefrina. A-Anong n-nangyare sakanya? Bakit ang Dumi Dumi nya? Mukhang tinapunan sya ng Sauce. Napatingin naman ako kay Pierce na biglang Hinila si Diefrina Paalis ng canteen. Bakit ganun? Hindi sya lumalaban?
Bahala nga sila jan. Wala akong paki sakanila mag sama sila. Tsaka buhay nila yun not mine. Tinuon ko nalang ang tingin sa kinakain ko. Ang babait talaga ng kaibigan ko, binilhan ako ng makakain.
"Anong nangyare sa kanila?" Nagtatakang tanong ni Austin. "Oh sh*t! Inlababo ata si Pierce!" Natatawang sabi nya. May kung anong Inis nanaman akong naramdaman. Hindi ko nalang pinansin ito. Bahala sila.
"HAHAHA" tawa nilang dalawa. Sinamaan ko naman sila ng tingin
"Magsitigil nga kayong dalawa! Ang iingay nyo!" Kunonotan ko sila ng noo. Sabay naman silang napatingin sa akin. Anong problema nitong dalawa? Mas masama ba akong nasabi?
Nagtinginan silang dalawa at sabay ulit tumawa. Ano bang nakakatawa? Pasungal-ngalin ko silang dalawa eh. Kanina pa sila ha? Baka gusto nilang isabit ko sila patiwarik.
"Nagseselos si Zidd" napatingin naman ako kay Austin dahil sa binulong nya kay Kei. Sinamaan ko sya ng tingin at binato sa kanya yung tinidor ko.
"Hindi ako nagseselos -_-" ako nagseselos ? Para saan? Wala naman akong gusto doon kay Diefrina na yun. Laki laki ng pisnge. Ang taba taba pa. Sarap kagatin at kurutin. Bakit naman ako magseselos eh wala namang nakakaselos. Wala naman akong paki sa dalawang yun. Kahit mamatay silang dalawa hindi ako magseselos.
Lalong Napatawa ang dalawang ugok kung kaibigan. "Hindi daw nagseselos" natatawang buong naman si Kei kay Austin. Dahil sa buong nya nabato ko sa kanya ang kutsara ko.
"SABING HINDI AKO NAGSESELOS!" Sigaw ko at Nilakihan ko ang mata ko sa kanila . Lalo naman silang na tawa sa akin. Hindi ko namalayang nakatingin na pala sa akin ang mga tao. Bakit ngayun lang sila nakakita ng Gwapo?
"ANONG TINITINGIN-TINGIN NYO?!" Sigaw ko sakanila. Kanya kaya naman silang nag iwas ng tingin. Tumayo na ako at lumabas ng canteen. Nakakawala ng gana kumain. bwiset! Ako nagseselos?! Hindi ng mangyayari! Sarap nilang Pasungal-ngalin nakakagigil sila. Pasalamat sila bawal akong mastress at magalit dahil papangit ang napakagwapo kong mukha. Wag lang talaga akong iniinis dahil baka ibalik ko ang pangtritrip ko. Pasalamat sila tinigil kona iyon. BAHALA NGA SILA! MAMATAY NA SANA SILA BWISET! NAKAKABALIW NAMAN ITO KINGINA
________
Hindi daw nagseselos si Zidd. Eh ano tawag nya dun? Haha amin amin din kasi Zidd. Wala namang mawawala sayo haha.
Kahit nagcomment lang kayo ng'haha' 'ganda' 'nice' 'cute talaga ni Author' 'ang pogi ko'
Haha char lang. Thanks sa pagbabasa
Next UD ko yung mag uusap si Pierce at Diefrina. May malalaman kayo kaya Abangan nyo na
BINABASA MO ANG
She's differently beautiful
Teen FictionShe's so loud she's so noisy she's so talkative she's so naughty she's so crazy pero kabaliktaran lang ang lahat she's so silent she's so cold she's so heartless she's a man hater she's different from other girls And she's driving me much crazier...