CHAPTER TWO : INCIDENT

18 5 0
                                    


NAYA

"That's all for today, goodbye class!"

Buti naman at uwian na. Nagmadali akong mag ayos ng gamit dahil baka mapagtripan nanaman ako.

Habang naglalakad ako palabas ng gate ay nadapa ako. Pagtingin ko sa kung anong nakadapa sakin ay may tape na nakasabit sa magkabilang dulo ng daanan.

Kaya pala hindi ko napansin. Akala ko pa naman ay makakalabas ako ng walang galos.

Tumayo lang ako at inayos yung damit kong medyo nadumihan.

Maglalakad na sana ako ulit ng may tumamang matigas na bagay sa ulo ko.

Hinawakan ko yung likod ng ulo ko at may nahawakan akong malagkit na likido.

Dugo?

Unti unti akong ginapangan ng takot at bigla na lamang nandilim ang paligid ko.

~~~

Pagtapos mawalan ng malay ng dalaga ay nagsitakbuhan ang mga estudyanteng nakakita sa pangyayari.

Pati ang may pakana ng pagbabato at pagdadapa dito ay umalis na parang walang nakita at nangyari.

Habang nakahiga ang dalaga sa semento ay may lumapit na guwardiya sakanya.

Bubuhatin na sana ito ng mapagtantong wala itong malay at may kakaunting dugong umaagos sa ulo nito nang biglang magmulat ito ng mata.

"Wag mo kong hawakan."

Nagulat yung guwardiya dahil sa biglaang pagtayo nito samantalang kanina ay nakahiga na ito sa sahig at walang malay.

Kilala ito ng guwardiya dahil lagi siya nitong binabati tuwing umaga at bago umuwi.

Hindi nalang niya ito pinansin at tinulungan pa rin na tumayo ang dalaga.

"Ayos ka lang ba hija?"

Tiningnan lang siya nito at tinulak ang kamay ng guwardiya.

"SABING HUWAG MO AKONG HAWAKAN."

Pagtapos nitong sumigaw ay naglakad na ito na parang walang nangyari.

"Mga kabataan talaga."

Napailing nalang yung matanda at bumalik na sa pwesto nito sa gate ng eskuwelahan.

NAYA

Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari at may benda pa ang ulo ko.

"Bakit hindi mo sila nilalabanan?"

Napatigil ako sa pagtayo ng marinig ko ang boses ni pandora.

Unti unti ring bumalik ang nangyari sakin kanina.

"Sorry, ayaw ko lang kasi palakihin yung gu---"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay tumayo na ito at humarap sa akin.

"Ang sabihin mo ay mahina kalang talaga at kahit sarili mo ay hindi mo manlang maipagtanggol."

Di ko namalayang tumutulo na pala yung luha ko. Totoo naman kasi yung mga sinasabi niya. Buti nga at sinasabe niya kung ano ang nasa isip niya. Hindi tulad ko na hindi ko manlang masabi kung ano ang tunay kong nararamdaman para matigil na ang nangyayari sa akin ngayon.

"Sorry."

Nakayuko kong sabi.

"Ayaw ko lang naman kasi na lumala pa ang mga nangyayari ngayon. Ayaw kong malaman sa sarili kong kahit na anong gawin ko ay hindi sila makikinig sa akin at ako pa rin ang talunan sa huli."

Nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Naiintindihan ko pero sana matutunan mong lumaban para sa sarili mo. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang kawawa."

Inangat nito ang mukha ko at tinitigan sa mukha.

"Tandaan mo lahat ng sinasabe ko naya. Ayoko ng makitang nakahiga ka jan habang may benda kung saanmang parte ng katawan mo. Naiintindihan mo ba ko?"

Bigla namang gumaan ang loob ko at niyakap ito ng bigla. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung mawala sakin ang natatangi kong kaibigan.

Matapos ang ilang minuto ay naghiwalay na din kami at inayos niya ang kumot ko. Umupo ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"Bakit ka ba nila ginaganon?"

Bakit nga ba? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong maalalang ginawan ng masama para maranasan ang mga ganitong bagay.

"Hmm I see. Sige magpahinga kana. dito lang ako."

Pagtapos niyang sabihin iyon ay biglang bumigat ang mga talukap ng mata ko at nakatulog ng magaan ang kalooban.

NAYA

Habang naglalakad ako papasok, sumalubong sa akin ang masasamang tingin nila.

Ano pa nga bang bqgo lagi naman silang gabyqn kung makatingin sa akin.

Napakunot nalang yung noo ko sa mga bulung-bulungan nila. Kahit hindi ko marinig ay alam kong patungkol nanaman sa akin iyon.

Ano bang pinagsasabi nila?

Pumunta nalang rin ako sa bulletin board na sinasabi nila para malaman ko kung anong nangyayari.

Pagdating ko dun ay tinitingnan nila ako ng masama at pandidiri. Di ko yun pinansin at tumingin sa litratong nakadikit sa board.

Ano namang kinalaman ko dito?

Hays problema nanaman ito.

Naglakad na ako ng nakayuko at dumiretso sa cr. Pagpasok ko doon ay nakita ko si pandora na nasandal sa isang cubicle.

"Morning."

Napangiti ako dahil sa pagbati nito sa akin. Akala ko galit ito sakin dahil sa nangyari kahapon. 

"Good morning!"

Pagtapos kong sabihin iyon ay pumasok na ko sa isang cubicle.

"Alam mo ba yung nangyari kay cora?"

Paglabas ko doon ay nakita ko sa salamin na naka ngiti ito.

"Mukhang good mood ka ah. May nangyari ba?"

Inayos ko yung nagulo kong buhok at tinalian ito para hindi humaharang harang sa paningin ko.

"Wala naman."

Humarap ako dito at nakitang nakatingin lang rin ito sa akin.

"Nabalitaan mo ba yung nangyari kay cora?"

Biglang nagtayuan yung mga balahibo ko ng biglang lumaki yung ngiti nito.

"Nabalitaan ko nga yung nangyari sakanya."

Nakangising sabi niya saken habang nakatingin sa kuko niya.

"Sino kayang may gawa non sakanya?"

Hindi na ito nagsalita at nilabas ang lipstick nito at dinampian ang mapula nitong labi.

Nagpaalam na ito at sinabing may gagawin pa daw ito at mauuna na.

Siguro ay uuwi nalang ako tutal suspended naman na yung klase ngayon dahil sa nangyari.


Her Darkest SecretWhere stories live. Discover now