CHAPTER SIX : LUNA

21 5 0
                                    

NOAH

Saan na ba yung kwarto ng babaeng yon? Kanina pa ko paikot ikot dito sa hospital.

Tiningnan ko ulit yung papel kung san nakasulat yung room number niya at  tama naman tong floor na napuntahan ko ah?

Habang nakatingin ako sa papel ay di ko alam na may mababangga na pala ako.

~~~

Hindi napansin ng binata ang papadaang matandang babae kaya nahulog yung hawak nitong mga gamit.

"Sorry po! Tulungan ko na po kayo."

Ngumiti nalang yung matanda at nagpulot na din ng mga nahulog na gamit.

"Salamat iho, pero sa susunod tumingin kana sa iyong dinaraanan at baka mamaya ay kanal na ang iyong bagsakan."

Napangiti nalang ang binata sa biro ng matanda at humingi ng paumanhin ulet dito.

Pag alis ng matanda ay naalala niya yung papel na hawak kanina.

Nasaan na ba yung papel?

Nakita niya yung papel sa may tabi ng halaman at tinignan ulet.

Naglakad lakad ulit ang binata pero hindi pa rin niya nakikita ang kwarto nito.

Asan na nga ba ako? Bakit hindi ko pa rin makita ang kwartong iyon?

Habang naglalakad ay may nakita siyang matandang nakaupo sa may waiting area kaya naisipan nitong magtanong nalang para makauwi na rin agad.

"Ale pwede po bang magtanong?"

Kahit nahihiya ay nagawa pa rin nitong magtanong sa matanda.

"Sige lang iho ano ba iyon?"

Nakangiti namang sagot ng matanda kaya hindi na nagdalawang isip ang binata at sinabi ang pakay.

"Hinahanap ko po kase yung room na to?"

Pinakita ng binata ang papel at kumunot ang noo.

"Dito lang yan sa may ikalawang palapag bandang kaliwa malapit sa may nurse station."

May sasabihin pa sana ang matanda pero nag paalam na ang binata at umalis.

Anunaman kaya ang kailangan ng binatang iyon?

Nagtataka man ang matanda ay hinayaan na lamang nito dahil mukha namang disente ito at baka kaibigan lamang ng kanilang amo.

NOAH

Ito na ba yon? Bahala na nga! Dito naman yung sinabe nung ale doon.

Pagpasok ko ay may nakahigang babae.  Siya na siguro to.

"Bakit mo ba ko pinapunta dito?"

Malamig na sabi nito bago umupo sa upuan na nakahanda para sa mga bumibisita sa kwartong iyon.

Bakit hindi manlang sumasagot ang babaeng to siya naman itong nagpapunta sa akin sa hospital.

Bigla namang nag init yung ulo ko dahil sa inaasta nito.

"Matagal na tayong tapos luna. Wala ka ng karapatan para papuntahin ako dito"

Iritable man ay pinipilit ko pa ring mag mukhang mahinahon baka kung anu nanaman ang gawin nito sa sarili niya.

~~~

Nagising naman ang natutulog na dalaga dahil sa ingay na naririnig. Sobrang sakit pa rin ng katawan nito at halos di siya makapag mulat ng mata dahil sa sobrang panghihina.

Masyadong madami ang nawalang dugo sa dalaga. Kinailangan pa siyang salinan ng panibago para bumalik ang lakas nito.

Sino ba itong maingay? Wala naman akong iniexpect na bisita ah? Tsaka sabi ni manang mamaya pa siya babalik?

"Si---"

Sasagot pa lamang ang dalaga ay nagsalita nanaman ang binata na kinatigil nito.

"Kung hindi mo lang rin naman ako papansinin at magpapanggap na tulog dyan mas mabuti sigurong umalis na ako.  Please lang tigilan mo na ko. I don't love you anymore. Please maawa ka sa sarili mo, nagbago kana ng sobra."

Lalabas na sana ang binata nang biglang nagsalita ang dalagang nakahiga doon.

"Sino ka? Mali ka po ata ng room na napasukan. Hindi po ako si luna."

Nanginginig pa ang boses ng dalaga nang sabihin iyon. Sobrang nanghihina talaga ito at halos di magalaw ang mga kamay dahil na rin siguro sa mga sugat.

Nagulat naman ang binata sa narinig.

Napaharap ang binata at napagtanto ngang mali ang napasukan niyang kwarto.
Tinitigan ng binata ang babaeng nakahiga doon at nanlaki ang mata nito.

Siya nanaman? Anong ginagawa niya sa hospital?

Naawa ang binata sa kalagayan nito dahil mukhang nilalamig na ang dalaga ngunit di niya maabot ang kumot.

Lumapit ang binata at napansin ang napakaraming sugat sa braso at binti nito.

Ano namang nangyare sa babaeng to? Bakit andaming sugat? May balak ba itong magpakamatay?

Kinuha nito yung kumot sa katabing lamesa at kinumutan ang dalaga.

"Salamat pero sino po ba kayo? hindi po ako si luna. Nagkakamali po kayo ng kwarto. Sorry kung narinig ko yung mga sinabi n---"

Hindi na pinatapos ng binata ang gustong sabihin nito dahil mukhang hindi pa nito kayang magsalita ng maayos. Nauutal utal pa nga ito.

"Ayos lang. Pasensya na kung naistorbo ko ang pagpapahinga mo. You can rest now and don't mind me. Aalis na din ako"

Nagmamadaling umalis ang binata at sinarado ang pinto.

Sino naman kaya yon?

Ang mga salitang umiikot sa utak ng dalaga bago makatulog dahil sa sobrang pagod.

NOAH

Habang naglalakad ng mabilis ay nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa.

From: Luna❤️

Where are you?

Hindi ko na sana papansinin ng bigla itong tumawag

"Where are you?"

Bigla namang uminit nanaman ang ulo ko dahil narinig ko nanaman ang boses nito.

"None of your business"

Malamig na sabi ko dahil paulit ulit nalang yung ganitong pangyayari.

"Noah i'm sorry, can you please come here? I just want to make things clear. To make our relationship work again please noah."

Napapikit nalang ako dahil sa kalokohang sinasabi nito.

"Wala ka ng kailangang ayusin luna. I trusted you alam mo yan. Nagtiwala ako sa lahat ng sinabi mo. Sana last na to ayoko ng marinig ang boses mo. Ayoko ng makarinig ng mga kasinungalingan mo naiintindihan mo ba? I'm done with all your lies."

Pagtapos ko yon sabihin ay pinatay ko na ang tawag. Oo masakit sa aking sabihin yon sakanya pero wala na akong magagawa.

Matagal na yon hindi na dapat binabalikan ang mga pangyayaring makakasakit lang ulit sayo.

Nagsisimula na akong kalimutan siya sana maisip niya na siya naman ang sumira ng pilit kong inaayos na relasyon bago pa ako magsawa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Darkest SecretWhere stories live. Discover now