CHAPTER FIVE : HOME

11 5 0
                                    

NAYA

" San ka nanaman nagpupunta? Anong oras na at nasa lakwatsahan ka pang bata ka. Hindi na uwi yan ng matinong babae naririnig mo ba ako?"

Sigaw nito sakin bago pa man ako makapasok sa pinto ng bahay.

Napayuko nalang ako dahil sa kung anu anong masasakit na salita ni mama. Araw araw nalang siyang ganyan. Nakakapagtaka na nga minsan eh.

Pamilya kami pero kung ituring nila ako ay parang ibang tao.

"Nakikinig ka ba saken! Ikaw na bata ka wala kang ibang inatupag kundi lumandi kung saan saan!"

Habang sinasabi niya yun ay naglalakad siya papalapit sa akin.

"Hindi naman po totoo yan ma---"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal na ako nito at kinaladkad gamit ang buhok ko.

Di ko na napigilang maluha dahil hindi natatapos ang paghihirap ko sa bahay dahil kahit dito ay para pa rin akong nasa impyerno.

Ano bang meron sa akin at ginaganito ako ng mga taong nasa paligid ko?

"Mag ayos-ayos kang bata ka kung gusto mo pang tumira sa pamamahay ko! Ayoko ng malanding babae, naiintindihan mo ba ko!"

Pagtapos niya iyong sabihin ay pahagis niya akong binitawan saka nagpunas ng kamay.

"Wag mong kalimutang tumulong sa mga katulong kung ayaw mong malintikan. Marami akong bisita mamaya para sa birthday ni  penelope. Malapit na yon at siguraduhin mong hindi ka magpapakita sa mga bisita."

Tumango nalang ako at hinintay siyang umalis.

Pag alis nito ay nagbihis na din ako dahil may klase pa bukas. Buti at hindi nasira ang uniporme ko dahil wala pa akong ipon para bumili ng bago.

Habang nagpapalit ng damit ay di ko maiwasang mag isip ng kung anu-ano.

Kailan ko kaya mararanasan mag celebrate ng sariling kaarawan? Kahit kami kami lang buong pamilya. Bakit ba galit na galit sila sakin? Si mama na kung ituring ako ay parang isang katulong, si papa naman ay hindi ko nakilala at ayaw din sabihin ni mama at ate, si ate naman na tuwing nakikita ako ay kala mo'y handa na akong patayin anumang oras.

Pamilya pa ba turing nila saken o isang kasambahay lang? Siguro ampon ako? Hindi naman katakataka dahil bukod sa pangit ako ay ibang iba kaming lahat.

Buti nandyan si pandora, ang nag iisa kong kaibigan kaya kahit papano ay masaya ako.

Pagbaba ko ay nagulat akong nakita ko si pandora. Anong ginagawa niya dito? Pano siya nakapasok?

"Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok? Kilala ka ba---"

Bigla nito akong sinamaan ng tingin.

"Can you please shut your mouth?  Tinitignan ko lang kung ayos ka pa ba."

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang narinig ang mga ganoong salita. Kaya di ko maiwasang gumaan ang loob.

"Bakit ganyan nanaman mukha mo? Pati ba naman dito ay inaapi ka. Grabe namang buhay yan."

Napatungo naman ako at napag isip isip yung sinabi niya. Totoo lahat nang sinabe niya. Pero wala naman akong magagawa eh. Ito na yon. Wala ng magbabago sa buhay ko.

"Wala naman na akong magagawa kung ganito nila ako tratuhin. Ang mahalaga kasama ko sila at hindi pa nila ako pinapa layas dito"

Nakangiti at proud kong sinabi yon kahit na nasasaktan ako. At least kasama ko sila. May matatawag pa rin akong pamilya.

"Ang tanga mo din minsan no. Yang pamilyang tinatawag mo tinatrato kalang na basura tapos ang saya saya mo pang pinagtatanggol sila?"

Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi niya. Hindi naman na kasi magbabago yon. Pamilya ko sila kahit tratuhin pa nila akong basahan. Hindi ko din naman kayang ipaglaban ang sarili ko.

Lumapit ito sakin at hinawakan ako sa balikat.

"I just want to help you to realize what is the right thing naya. I dont want to see you being weak again and again."

Pagtapos niya sabihin yun ay umalis na siya.

Ano bang dapat kong gawin? Nalilito na ako. Papanindigan ko nalang tong naumpisahan ko kesa naman pati pamilya ko ay layuan ako. At least kahit papaano ay nakikita at nakakasama ko sila. Hindi ko man masabi yung mga problema ko, makita ko lang silang masaya ayos na ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan naya?"

Nabalik naman ako sa realidad nang marinig ko ang sigaw ni mama

"Wala po"

Kinakabahan kong sagot at tinuloy na ang paghuhugas ng mga pinggan.

"Magkikilos ka dyan at baka di kita matantya. Wala ka talagang silbing bata ka!"

Habang naghuhugas ay di ko napansing nadulas na pala sa kamay ko ang paboritong plato ni mama. Bigay daw kasi iyon ni papa kay mama noong mga panahong magkasama pa sila sa iisang bubong.

"Ano yan naya? Pinagdadabugan mo ba akong bata ka!"

Nagulat si mama sa nakita at biglang namula ang mukha nito. Lumapit ito sa akin at sinabunutan ako. Pakiramdam ko ay nalagas na lahat ng buhok ko dahil sa panggigigil nito sa akin.

"Nakikita mo ba yang binasag mo? Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin yang binasag mo?"

Pagtapos nitong sabihin yon ay tinulak niya ako sa mga bubog.

Napadaing ako dahil sa sakit. Pumasok lahat sa palad, braso at binti ko ang mga bubog galing sa platong nabasag.

~~~

Imbes na mag alala ang nanay ng dalaga ay ngumiti pa ito na para bang tuwang tuwa sa nangyayari at nawala na sa isipan ang pagkabasag ng paborito nitong plato.

"Buti nga sayo nang matauhan ka sa mga kalokohan mong bata ka. Dapat talaga di nalang kita binuhay. Sana pinatay nalang kita!"

Halos mamanhid naman ang buong katawan ng dalaga. Hindi na maramdaman ng dalaga ang mga bubog na nakabaon sa kanyang balat dahil sa mga sinabe ng kanyang ina.

Tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng luha nito habang unti unti ding tumutulo ang dugo sa kanyang katawan.

"Tumayo tayo ka dyan kung gusto mo pang mabuhay. Kahit umiyak ka pa ng dugo ay hinding hindi kita tutulungan. Sana nga mamatay kana dyan para mawala na ang malas sa buhay ko."

Pagtapos nito sabihin yon ay umalis na ito na parang walang nangyari.

Hindi lubos maisip ng dalaga ang mga nangyari sakanya ngayon gabi. Tinititigan niya lang yung dugo niyang umaagos sa sahig.

Wala na siyang pakialam kung maubusan na siya ng dugo dahil halos madurog naman na ang kanyang puso sa mga narinig.

Hindi nalang sana ako nabuhay kung ganito lang rin naman.

Napangiti nalang ang dalaga saka natumba at nawalan ng malay

Huling narinig niya nalang ay ang pagsigaw ng isa sa mga katulong sa bahay nila.

Her Darkest SecretWhere stories live. Discover now