CHAPTER FOUR : AGAIN?

12 5 0
                                    


NOAH

Saan ba talaga yung klase ko. Ok magtatanong na talaga ko napapagod na akong magpaikot ikot dito.

~~~

Habang naglalakad ang binata ay nadaanan niya ang isang guwardiyang naglalakad.

"Pwede po bang magtanong? Di ko po kase alam kung san yung room 202 para sa mga senior high?"

Habang sinasabi iyon ng binata ay napakamot nalang ito sa ulo.

"Doon yun iho sa may bandang kaliwa malapit sa may elevator. Yun na yung klasrum na hinahanap mo."

Napabuntong hininga ang binata dahil kanina niya pa nadadaanan yon at tama nga ang guwardiya.

Nagpasalamat na ito at tumakbo na palapit sa room.

NAYA

Sino kaya tong noah na to?

Yan pa yung kanina kong iniisip. Pano ba naman. Siya daw naghatid saken sa clinic. Ang huli kong naaalala ay nakaupo ako doon at nakaidplip sa theater room?

Hindi bale na nga.

Pagtingin ko sa relo ko ay malapit na pala mag time.

Habang naglalakad ay nakita kong may lalaking nakaharang sa pinto kung saan ang susunod kong klase.

"Excuse me? pwede po bang makiraan? Dyan kasi ang klase ko at malelate na ako."

Nahihiyang sabi ko.

NOAH

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likod ko. Natulak ko ng wala sa oras yung pintuan at nakatingin na silang lahat sa akin.

"Hi?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko at pumasok nalang kahit nahihiya.

"Anong kailangan niyo sa klaseng ito?"

Masungit na sabi ng teacher.

"Sorry for that ma'am. Transfer po ako and today is my first day."

Napatango tango naman yung teacher at pinaupo na ko.

~~~

"How about you? Why are you late?"

Napatingin naman ang lahat sa dalaga at napakamot nalang ito sa ulo niya.

Napatitig naman ang binata at napangiti.

"Sorry miss---"

Bago pa man matapos magsalita ang dalaga ay inunahan na siya ng gurong babae.

"Go to my office. Hintayin mo ako don hanggang matapos ang klase ito."

Napatayo naman bigla ang binata.

"Im sorry ma'am, kasalanan ko po kung bakit siya nalate. Ako nalang po ang pupunta doon."

Lalabas na sana ang binata nang pigilan siya ng teacher.

"Sit down both of you. I'll just let this slip. Next time come to my class early."

Pagtapos sabihin yon ng guro ay lumabas na ito dahil may aatendan pa pala itong meeting.

NAYA

Salamat naman at hindi na ako pinapunta doon. Nakakatakot talaga ang teacher na iyon.

Natigil ako sa pag iisip ng may kumaway sa harap ko.

"Hi again."

Nakangiting bati nito. Napaatras naman ako dahil sa lapit nito sakin.

Again?

"Again?"

Napakunot naman yung noo nito.

"Nakalimutan mo ako agad?"

Pagtapos niya sabihin yun ay tinuro niya yung tuhod ko.

Oo nga pala siya yung lalaking nakabangga ko.

Napangiti nalang ako ng awkward at tumango tango.

"Buti ay ayos kana last na kita ay noong hinatid kita sa clinic para malinisan yung sugat mo. Ako pala si noah, ikaw?"

Inabot niya yung kamay niya.

Nahihiya man ay inabot ko pa rin ang kamay ko dito. Nakakahiya naman kung hindi ko ito tatanggapin at hahayaan nalang na mapahiya ito.

"Ikaw pala si noah. Thank you nga pala ha, ikaw pala yung naghatid saken sa clinic, nag abala ka pa. Ako nga pala si naya."

Lambot naman ng kamay nito parang kamay ng babae.

"Ayos lang ba kung sabay tayong mag lunch? Nagrerecruit kasi ako ng bagong kaibigan kung gusto mo lang naman."

Nagbibirong aya nito.

Sasama ba ko? Baka pinagtitripan lang ako nito.

"Siguro next time nalang kasi may gagawin pa ako. Sige mamaya nalang ulet."

NOAH

Hahabulin ko pa sana siya kaso tumakbo na siya.

Sayang naman. Akala ko magiging kaibigan ko na siya. Makakain na nga lang. Nagugutom na din ako dahil kanina pa ko paikot ikot dito.

NAYA

"Bakit hindi ka sumama sakanya?"

Napalingon naman ako rito at nakitang umiinom ito ng tubig.

"Ikaw pala. Ano ka ba ayos na ko na nandyan ka."

Bigla naman tumaas ang kilay nito at humarap sa akin.

"Ikaw na nilalapitan tinatakbuhan mo pa."

Pagtataray nito saka inayos ang nagulo nitong buhok gawa ng paghangin ng malakas.

"Hindi ko naman kasi kailangan ng lalaki sa buhay basta nandyan ka ayos na ako."

"Nakikipag kaibigan lang yung tao wag assuming."

Natatawang sabi nito at tuluyan nang umalis.

Napangiti nalang ako dahil tama naman siya. Baka nga nagiging assuming na ko dahil first time lang na may kumausap sakin na lalaki.

Her Darkest SecretWhere stories live. Discover now