Chapter 11

38 1 3
                                    

Yuki's POV

Napabangon kaagad ako galing sa pagtulog ko nang biglang sumakit ang ulo ko. Kahapon pa nga ito pero di ko na lang pinansin.

Tinignan ko ang oras at napag-alamang 5:15 pa lang ng umaga. Kahit medyo bumibigat ang pakiramdam ko ay bumangon na ako and do my daily routine every morning.

Napapikit-pikit ako habang bumababa dahil sa inaantok ako at sa bigat na nararamdaman ko.

Nagtimpla lang ako ng gatas at kumain ng toasted bread. Wala kasi akong ganang kumain ng agahan.

As usual ay ako na naman ang unang tao sa classroom namin. Dali-dali naman akong pumunta sa desk ko at inilagay ang bag ko sa gilid. Isinubsob ko naman ang mukha ko sa braso ko na nasa desk at umidlip.

Jeithro's POV

Ewan ko lang kung bakit ako maagang nagising ngayon. Ah basta ang mahalaga ay hindi ako late! ^_^v

Nang makapasok na ako sa classroom namin ay nakita ko si Yuki na nakasubsob.

Diretso naman akong pumunta sa upuan ko which is sa likod ni Yuki. Sabi ng adviser namin, ngayon kami magpapalit ng seating arrangements.
Inilapag ko na ang mga gamit ko sa gilid ng desk ko.

Agghhh!! Ang boring naman!!!! >_<

Dahil wala akong magawa, pumunta ako sa katabing desk ni bestfriend Yuki. Wala lang, pagtatawanan ko lang at pi-picturan ang tulog niyang mukha. ^o^

Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at pumunta sa camera. Itinutok ko naman ang cellphone ko sa kaniya. Nang malapit ko nang i-click ang shutter ng camera ay iniba niya ang kaniyang posisyon at ngayon ay nakaharap na siya sa gawi ko. Hindi ko namalayan na na-click ko ang shutter. Somehow I was stunned by her sleeping face.

Nang naamlayan kong nakatitig na pala ako sa kaniya ay agad kong inilihis ang tingin ko sa ibang direksiyon.

Takte, ba't ko siya tinititigan? Teka, ba't biglang uminit yata o imahinasyon ko lang iyon?

Bumalik na lang ako sa desk ko at naglaro na lang ng Mobile Legends sa phone ko.

Nakapagtataka at natutulog siya ngayon. Sa tuwing nakikita ko kasi siya sa desk niya ay it's either na nagbabasa siya ng libro o kaya ay tumatanaw sa labas ng bintana na nasa tabi lang niya.

3rd Person's POV

Habang nasa gitna sila ng klase ay hindi maalis ng ibang ka-dormmate ni Yuki ang tingin sa dalaga. Napapansin kasi nila na iba ang ikinikilos ni Yuki. Matamlay kasi itong sumagot at halata sa boses niya ang pagod at nanghihina pero hindi nila pinahalata na may napapansin na sila.

Kasalukuyan nilang pinagmamasdan si Yuki na pagod na nakikinig sa klase.

'Kahit halatang pagod, nagawa pa rin niyang makinig sa klase.' sabi ni James sa kaniyang isip.

'Okay lang kaya siya sa sitwasyon na 'yan?' may pag-aalalang ani ni Clark sa kaniyang isip.

Nang mag-recess na ay agad pumunta si Jeithro sa upuan ng dalaga.

"Yuki, sabay na tayong bumaba sa canteen!" masiglang ani ni Jeithro. Ngumiti lang ng tipid ang dalaga bago tumayo. Agad naman silang pumunta patungong cafeteria. As usual, nagtilian ang mga babaeng nalalagpasan nila. Nakita naman nila ang isa sa mga EXO'tic na hinahangaan nila.

"Yuki, maghanap ka na lang ng mauupuan natin. Ako na ang pipila." sabi ni Jeithro sa kaniya. At dahil medyo lutang si Yuki ay tumango lang ito at naghanap kaagad ng mauipuan nila.

Yuki's POV

Isinubsob ko agad ang ulo ko sa mesa nang makahanap ako ng bakanteng upuan. Grabe ang sakit ng ulo ko! Nung unang subject pa lamang, bigla kaagad sumakit ang ulo ko. Siyempre alam ko na nilalagnat na ako pero ayaw ko kasing mag-skip ng klase. Titiisin ko muna 'tong sakit sa ulo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Harmonious High [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon