Chapter 2

62 3 3
                                    

Yuki's POV

Seriously!?

"Ma, nahihibang ka na ba? Okay na sana kung kaming labing-dalawa lang pero may kasamang babae!? Hindi niyo ba inisip kung ano ang posibleng mangyayari kung may 12 na lalake na may kasama na isang babae sa iisang dorm!?" reklamo nung Kent.

"First of all, hindi ako nahihibang anak. Pangalawa, naisip ko na yan pati ang mga magulang niyo boys. Bakit anak, may balak ka bang gawan ng masama si Ms. Ocampo?" sabi ni Mrs. Fernandez sabay ngisi.

Nakita ko namang naging blangko ang mukha nung Kent.

"May nakakaakit bang aspect ang babaeng yan para gawan ko ng masama?" tanong niya sa kanyang ina with his cold tone.

Mukhang di na yan tama ah.

"How rude of you, Mr. Fernandez." sabi ko kaya napabaling ang atensyon nila sa'kin.

"If you don't really like your mother's decision, then say so. Hindi yung dinadamay mo ang pagkababae ko." mahinahon kong sabi pero sa kaloob-looban ko ay gusto nang sumabog.

Unang araw ko pa lang dito, ganito na ang kinahihinatnan ko.

Ngumisi naman siya.

"Bakit, nasasaktan ka ba sa sinabi ko? Tsaka matanong ko lang, babae ka ba talaga?" sabi niya sa'kin.

Pinipigilan ko ang sarili ko na wag siyang sugurin. Good thing ay sinita siya ng mama niya.

"Kent, that's enough!"

Nag-'tsk' naman siya pagkatapos nun.

"As I was saying earlier. You'll all gonna live in the same dorm starting today. May kanya-kanya kayong mga kwarto doon with own CR. You'll know your room directly dahil may pangalan na nakalagay sa mga pintuan niyo. Don't worry, nandun na lahat ng mga gamit niyo sa mga kwarto niyo at ang mga gagamitin niyo sa loob ng dorm niyo. You'll stay at that dorm as long as we want." Mrs. Fernandez explained.

"May tanong ba kayo?" tanong niya sa'min.

Wala namang umimik kaya mukhang nakuha niya agad 'yon.

"Okay, pwede na kayong pumunta sa dorm niyo."

Agad naman silang lumabas sa office. Aalis na sana ako nang tinawag ako ni Mrs. Fernandez.

"Bakit po, Mrs.--"

"Naku, Tita Carla na lang ang itawag mo sa'kin!" masigla niyang sabi.

Tipid naman akong ngumiti.

"A-ah sige po... T-tita Carla." sabi ko.

Baligtad sila ng ugali ng anak niya. Saan kaya nagmana ang lalaking yon?

"Narinig kong pangarap mong makapasok sa paaralang 'to?" sabi niya.

"Opo! Simula nung bata pa po ako ay gusto ko na pong makapasok dito! Sobrang ganda ng background ng school na ito tsaka marami kang fields na mapipilian mong pag-aralan at marami pa!"

Dahil siguro sa excitement ko kaya nagtaka sila sa sinasabi at inasta ko. Umayos naman akong tumayo at bahagyang yumuko.

"A-ah, sorry po. Nadala lang po ako sa dadamin ko." paghingi ko ng paumanhin.

Imbis na pagalitan nila ako ay bigla silang tumawa.

"You're an interesting girl!" sabi ni Mrs. Fernandez-- este Tita Carla.

"You remind me of someone." sabi naman ni Mrs. Mendoza.

At sino kaya yun?

"Here's the thing hija. May ipapagawa kami sa'yo." bigla namang sumeryoso si Tita Carla kaya nakinig na lang ako.

Harmonious High [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon