Chapter 3

43 2 0
                                    

3rd Person's POV

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagluluto ay nagkwentuhan muna sila.

"Marunong ka pa lang magluto?" tanong ni Yuki kay Dexter.

"Haha well oo." sabi ni Dexter sabay bahagyang kamot ng kanyang batok.

"Mabuti na lang at may isa sa inyo na marunong magluto." pabiro namang sabi ni Yuki.

"May ilan naman sa kanila na marunong magluto pero sadyang ang tatamad lang talaga nila." nakabusangot na sabi ni Dexter.

Napatawa na lang ang dalaga sa narinig niya at sa mukha ng kaniyang kausap. Nakabusangot kasi ito habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Pinagpatuloy na nila ang kanilang pagluluto ng kanilang makakain. Nakapagsaing na din sila ng kanin habang nagluluto para hindi mainip ang kanilang mga kasama.

Sa kabilang banda naman ay ang mga lalaking walang ginawa kundi maghintay lang.

"Hey about that girl, what do you think of her?" biglaang tanong ni Justine sa kanila kaya silang lahat ay agad napatingin sa gawi niya.

Napaisip naman sila sa tanong ni Justine.

"Hmm, okay naman siya. Masasabi kong hindi siya yung tipong babae na maarte." sabi ni James habang tumitingin sa taas.

"He's right. She's simple as I thought." sang-ayon ni Clark kay James.

"But, do you really believe na nakukuha siya ng ganoon kataas na rate?" tanong ni Shane habang busy sa pagsu-surf ng internet sa kanyang cellphone.

"Grabe, di talaga kapani-paniwala." sabi ni Kenjie.

"But still, she's very beautiful. Gawin ko kaya siyang next target ko?" sabi ni Kenneth sa kaniyang sarili while holding his chin at ngumisi.

Pero narinig naman ng lahat ang kaniyang sinabi.

"Hoy Kenneth! Yan ang wag na wag mong gagawin! Wag mong gawing target ang bago kong bestfriend kundi iuumpog ko yang mala-manyak mong mukha sa pader ng napakalakas para wala ng maghahabol sa malaswa mong mukha! 😣" parang batang sabi ni Jeithro.

Naku, kay taas naman ng kaniyang height pero parang bata kung makaasta? Tsk tsk *iling* *iling*

"Hoy din Jet! Hindi mala-manyak tong gwapo kong mukha no! Sinabihan mo na ngang mala-manyak, dinagdagan mo pa ng malaswa! Ikaw kaya ang iumpog ko sa pader!?" ganti naman ni Kenneth sa kanya.

"Tss, wag na! Baka masira lang itong napaka-gwapo kong mukha! Kawawa naman ang mga babae kung masira itong gwapo kong pagmumukha no!" sabi ni Jet.

"Wag ka nga Jet! Sa pagkakaalam niyo, ako kaya ang pinakagwapo sa ating lahat!" sabat naman ni Phillip.

Bigla naman silang natahimik.

"Bakit hindi kayo makapagsalita dyan? Siguro inaamin niyo na na ako talaga ang pinakagwapo sa'ting lahat." proud na sabi ni Phillip at tumawa pa,  na tila ba ay nakamit na niya ang gusto niya.

Bigla namang ngumisi si Kenjie.

"At kailan pa naging pinakagwapo ang isang camel na gaya mo?" pabirong tanong ni Kenjie.

Bigla namang tumigil sa kakatawa si Phillip at tinignan ng masama si Kenjie.

Kung nai-imagine ninyo ang nangyayari ngayon ay parang may dark aura na nakapaligid kay Phillip katulad nang nakikita niyo sa mga anime.

"Humanda ka talaga sa'kin bakla ka!"

At doon ay hinabol ni Phillip si Kenjie na tumatawa habang tumatakbo, ang iba naman ay hinayaan sila at tinawanan lang ang nga naghahabulan.

Harmonious High [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon