DI KO MAINTINDIHAN

20 0 0
                                    

.....................

SEPTEMBER's POV

Nagising ako ng bandang alas dos ng madaling araw

Hindi na ko nakatulog kaya pumunta nalang ako sa kusina at uminom ng tubig

Maya maya ay nakaramdam ako ng gutom kaya tumingin ako sa ref ng pwedeng kainin pero puro lulutuin lang ang mayroon

Naisipan ko nalang magluto at ipagluto nadin si Czarwin ng almusal

"Hmmm...."

"Hayyyy....."

"Pano ba magluto?"tinititigan ko yung itlog at hotdog

"Pakiramdam ko naman kaya ko talagang magluto pero....."

"Aha!iba nalang lulutuin ko!"

Patuloy pa din ako sa pagusap sa sarili ko

Buttered Vegetable

Beef with Broccoli

Shrimp with Kung pao sauce

At syempre rice

"Walahhh!ang galing ko talagang magluto"

Excited na kong ipakain sa kanya yung ginawa ko hehe...kaya mabilis akong pumunta sa kwarto na at gisingin sya

*TOKTOK*

Paulit ulit ako sa pagkatok pero di pa din sya nagigising

Kaya naisip kong pumasok nalang at gisingin sya ng malapitan

Lumapit ako sa higaan nya at umupo sa tabi nya

Infairness gwapo si Czarwin at mabait pa....Tinitigan ko lang ang gwapo nya kasi

Pero bigla kong naalala yung niluto ko kaya mabilis ko syang niyugyog

"Czarwin gising na dali...nagluto ako para sayo...Czarwin gising na"

"Hmmmm....."hala ayaw pang gumising teka nga

Lumapit ako sa tenga nya upang ihipan....pero nakanguso palang ako ay tumagilid na sya paharap sakin

"May balak ka bang halikan ako September??"

"Waaaahh wa-wala ahh...ba-balak ko lang na-na gisingin ka...iihipan ko sana yung tenga mo....huhuhu pinagluto pa naman kita tapos...."

Waaaaahh namumula ko huhu nakakahiya baka isipin nya talagang may balak akong halikan sya

"Hahaha oo na pero teka nagluto???marunong ka bang magluto??"

"Oo naman kaya tara na magbreakfast na tayo nagugutom na din kasi ako"

"Hahaha sige na nga...kahit napakaaga pa"

Tumayo na sya at ako naman ay nauna ng bumaba...naghain na ko para saming dalawa

Tinignan ko yung relo...alas kwatro na pala...hahaha alas kwatro napakaaga pa nga pala

Nagtimpla ako ng kape para sa kanya at sakin naman ay gatas

.....................

CZARWIN's POV

Ginising nya ako ng maaga dahil nagluto sya

Excited na ko dahil ngayon palang ako pinagluto ng isang babae maliban sa mama ko hehe

Bumaba na din ako at papunta ng kusina pero malayo palang amoy na amoy ko na ang masarap na niluto nya as in mabango

Nagulat ako sa nakita ko dahil bukod sa amoy masarap na ay napakaayos pa ng pagkakaayos ng mga kubyertos at natuwa pa ko dahil hindi pangkaraniwang breakfast ang niluto nya

Actually kanina akala ko hotdog at itlog lang ang niluto nya hahaha mali ako

Umupo na ko habang tinitignan sya...nakangiti at parang excited na tikman ko ang luto nya

Naku di kaya para tong nasa palabas yung napakaganda ng setup tapos di naman pala masarap o worst ay malalason ako huhu

Bigla akong kinabahan at dahan dahan kong inamoy ng mas malapitan ang luto nya pero mas naglaway lang ako

"May problema ba?"hala nagdududa na sya sakin

"Wala naman"ngumiti ako at nagumpisang isubo yung pagkain at waaaaahhh ang sarap...para syang expert hehe

"Ang sarap ng luto mo"

"Talaga?"ngumiti sya at nagumpisa ng kumain

Aba pwede ng magasawa to hehe

Kumain lang kaming dalawa at nagkwentuhan...maya maya ay umaga na at kailangan ko ng umalis

Kailangan ko ng puntahan yung building na napagkitaan sa kanya

PAG-IBIG NGA KAYA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon