MEET AGAIN

10 1 0
                                    

.................

MISS YOU

Ilang linggo na din ang nakalipas ay hindi ko pa din sya nakikita...naisip kong sumuko na at baka masaya na sya ngayon ngunit pano kung hindi??kaya kahit nahihirapan ako ay ipinagpatuloy ko pa din

Kaya twing paglabas ko sa trabaho ay ipinagtatanong tanong ko sya...Nang may makausap akong grupo ng kabataan...nabanggit nila na may gaganaping cosplay event sa SM fairview kaya mabilis akong kumilos at pumunta sa SM

''Kailangan ko syang makita''sabi ko sa sarili ko

.......................

SM FAIRVIEW

Nang dumating ako ay napakarami ng tao...lahat halos sila ay may ginagayang karakter sa anime pero di ako sumuko at hinanap ko sya kahit hindi naman ako sigurado na naadito sya

Kutob lang kung baga

Doctor ako pero sa kinikilos ko ay para akong batang iniwan ng crush

Natapos ang event na di ko manlang sya nakita malungkot akong umalis at uuwi nalang

Dapadaan ako sa Maligaya ng pauwi na ko at may nakita akong tatlong lalake na sumusunod sa isang babae kaya minabuti kong unahan na ang mga ito...masama ang balak nila sa kutob ko

"Miss sakay na may sumusunod sayo"sumakay naman agad sya na nakangiti...ang cute nya nakasuot sya ng school uniform na may parang buntot pa may tenga ng pusa sa ulo at salamin na makapal pero di matatangging maganda sya

"Kumusta na Dr.Cc?"napalunok ako dahil isa lang ang tumatawag sakin ng Dr.Cc...si Sept

"Sept?"kunot noo kong tanong dahil kung sya nga to ay hindi ko sya nakilala

"Hehe ako nga"tinanggal nya yung wig nya at salamin nya at ako naman ay napanganga

"Czarwin??"natauhan ako bigla sabay yakap sa kanya...mahigpit na yakap

"Waaaahh hindi ako makahinga...waaaahh bakit may problema ka ba?"tanong nya sakin namiss ko talaga sya ng sobra

"Namiss lang kita"pagkasabi ko non ay niyakap nya din ako

"Namiss din kita"sabi nya napatingin naman ako

"Saan ka ba nagpunta bakit bigla mo kong iniwan tapos di ka manlang nagpaalam"

"Hehe gusto ko sanang makilala ang sarili ko bago ko bumalik sayo pero...."hindi nya natapos dahil sumabat ako

"Ano naman kung di ka nakakaalala okay lang sakin kahit sakin ka na tumira kahit ngayon kahit di mo pa naaalala kung sino ka...."di ko natapos dahil sumabat sya

"Nakakaalala na ko"nakangiti nyang sabi"ako si Scarlet James"lalo akong nalungkot dahil ngayong nakakaalala na sya lalong mahihirapan akong makasama sya

"Kailan pa?"tipid kong sabi

"Pagkaalis ko sa bahay naglakad ako pero alam mo naman naliligaw ako agad hehe kung saan na ko dinala ng paa ko...hanggang nakita nila ko...yung tatlo sa likod ko kanina mga body guard ko yun para di na sana maulit na mawala ako hehe epic kasi pagiging makakalimutin ko sa direksyon eh"

"Hah!body guard mo sila?akala ko..."patay

"Haha oo kaya sigurado maya maya lang may darating na dito para sunduin ako"

"Eh bakit ka sumama agad kanina??sana sinabi mo sakin na body guard mo sila?"

"Sabi mo kasi Miss sakay na may sumusunod sayo...kaya sumakay na ako agad tapos ikaw pa nagsabi kaya ginawa ko"nakatitig lang sya"namiss na kasi kita"pagkasabi nun ay nawala ang kaba ko sa mga susunod na mangyayare

"Mahal mo ba ko?"diretsong tanong nya sakin na kinagulat ko naman

"Bakit mo natanong?"sabi ko na kinakabahan pa ko

Hindi na sya nakasagot ng makita ko na may sumusunod na samin kaya huminto na ako

"Teka sandali magpapaliwanag ako"sabi ko ng makita ko na may nakatutok na baril sakin

Mabilis namang humarang si Sept este Scarlet sa harap ko kaya ibinaba nila yung baril nila

"Seniorita wag po kayong humarang kami na po ang bahala sa kanya"sabi ng isang body guard

"Misunderstanding lang akala nya ay masasamang tao kayo kaya nya ko niligtas...wag nyo syang sasaktan!"mabilis na sumunod ang tatlo

"Aalis na ko"sabi nya at muli ng lungkot ko ay bumalik

Nakatayo lang ako at hindi nagsalita hanggang sa mawala na sila sa paningin ko

Hindi ko manlang nasabi sa kanya na"Oo mahal kita..."ang tanga tanga ko nandoon na yung pagkakataon pero di pa ko umamin hay

Magkita pa sana kami...SCARLET JAMES

PAG-IBIG NGA KAYA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon