DEPARTMENT STORE

22 0 0
                                    

.................
MALL



Nagpunta kami dito para bimili ng mga personal things nya

Inilista ko nga lahat eh hahaha

BRA
PANTY
NAPKIN
PANTY LINER
COSMETICS
PANTULOG
PANLAKAD
PAMBAHAY
FEMININE WASH

Pumunta na kami sa department store at kinuha lahat ng kailangan

Hay anu kayang sukat ng beywang nya??

Tinititigan ko sya habang hawak yung set ng panty

Hay ang hirap manghula...di ko pa naman kasi nasubukang bumili ng mga ganito

Nung nasa ospital sya mga nurse talaga bumili ng mga kailangan nya

Hay tanungin ko na nga

<BLUSHING>

"Ahm tingin mo ba kasya to sayo?"

Kinuha nya at tinapat nya sa WTF nya...hay anu ba naman to ako nahihiya

"Oo sakto lang to"sabay ngiti

"Anung size cup mo??"

"Cup?"inosente pucha! ako nahihirapan

"Oo yung sa bra...jan sa dibdib mo?"

"Ahh eto oh kasya to"

Hay sa wakas natapos na kami mamili ng mga kailangan

"Sige una ka na sa labas babayaran ko lang to"

Umalis na nga sya...hay eto na ang huli kong haharaping kahihiyan

Ang COUNTER

Bat ba ang haba ng pila kainis

Pinagtitinginan na nila ko

"Ang sweet nya naman"chismosa 1

"Oo nga eh siguro para sa asawa nya yan"chimosa 2

"Yung asawa ko nga kahit napkin lang di ko nautusang bumili tas sya halos lahat"chismosa 1

"Bihira na talaga sa lalake ang ganyan ngayon"chismosa 2

"Ang gwapo na ay mabait pa ang swerte ng asawa nya"chismosa 1

"Tama ka jan"chismosa 2

Hay kung alam nyo lang....wala pa kong asawa...binata pa ko huhu

Makalipas ang 20mins ay sa wakas natapos na din ako

.....................
KFC


Bago kami umuwi ay kumain muna ulit kami sa isang fast food

Para pag uwi namin di na ko magluluto

"Wow ang sarap naman ng pagkain"

"Hahaha di ba sabi mo chicken ang gusto mo?...best seller nila dito chicken"

"Waaaahh salamat Dr."

"Dr.?hahaha pag wala ako sa work kahit Czarwin nalang tawag mo sakin"

Aba di na ko pinansin at kumain na...maya maya ay nagcr ako saglit at pagbalik ko ayon kinakausap na sya ng manager at nakita kong maiyak iyak na sya kaya mabilis akong lumapit

"May problema po ba dito?"tanong ko

"Czarwin"nanginginig na lumapit sakin at nagtago sa likod ko

"Mr. kinuha kasi nya yung cellphone nang isang customer dito"

"Pano naman nyang kinuha at may katibayan ba kayo?'

"Hindi ko kinuha yan...may naglapag lang nyan sa table namin"

Luminga ako sa paligid at nakakita ako ng cctv

"Sige sir icheck nalang po natin yung cctv"

Kinupkop ko na nga pinakain at ginastusan tapos bibigyan pa ko ng kahihiyan hay

Waaaaahhh ang sama ko para ko syang sinusumbatan hayyyyy!!!!

Kinakabahan ako baka totoo ngang sya ang kumuha pero malaki parin ang tiwala kong hindi nya magagawa yon

Tinignan nanamin ang cctv at tama nga ang hinala ko

Napatunayan na wala syang kasalanan...nanghingi ng paumanhin ang manager at yung nanakawan

"Mauna ka na sa kotse ako na ang bahala dito

Mabilis syang tumalima...alam kong malungkot pa din sya

Makalipas ang ilang minuto ay sumunod na ko

Nakita ko syang natutulog na sa loob ng kotse na may luha sa mata

Pumasok na din ako at nagdrive na...umuwi na kami


....................
KWARTO



Tulog na tulog sya kaya binuhat ko nalang sya papuntang kwarto nya

Inihiga ko sa at tinanggalan ng sapatos

Bukas na bukas din ay pupuntahan ko yung building na sinasabi nilang nakitang pinaglaglagan nya

Aalamin ko kung sino at taga saan sya para kahit paano ay baka may maalala sya

Sigurado akong nagcocosplay sya dahil sa suot nya nung dinala sya sa ospital

Naka cute dress sya na parang armor....kailangan ko syang matulungang bumalik ang alaala nya

Kinumutan ko sya bago ko sya iwanan

At pinatay na ang ilaw

Sana bukas okay na sya

Kawawa naman ang anghel ko napagbintangan hay naku naman

Makaangkin??

Anghel ko??

September:)




GUYS VOTE AND COMMENT NAMAN PO

THANKS SA MGA SUMUPORTA SA ISA KONG BOOK

SECRET LOVE

AT SA MGA DI PA NAKAKABASA PAKISUPPORT DIN PO THANKS

😘

PAG-IBIG NGA KAYA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon