FRIENDS

9 1 0
                                    

....................

DEPARTMENT STORE

Namili ako ng ilang kailangan ko sa bahay at naggrocery na din ako...yung ref ko kasi inaamag na di nalalagyan ng laman dahil wala naman na ulit nagluluto ay sa labas nalang ako kumakain

Parang nagbibiro ang tadhana at nakita ko si Scarlet sa di kalayuan pupuntahan ko sana sya kaya lang nakita kong may kasama sya

"Sino kaya yon?"isang binata sa tantya ko edad 24 nakasalamin ang kasama nya

Sumunod ako sa kanila...nakita ko silang nagtatawanan bakit ganito nagseselos ako:(

Hindi normal na gawain ng isang tulad ko ang mag stoker ng ganito

Aalis na sana ko ng marinig ko ang sinabi nya

"May mahal na ko"Scarlet

"Sino naman?kilala ko ba?"

"Makikilala mo din pag nagtapat na sya"

Bigla akong napangiti hihi ang assuming ko naman na ako yun(kinikilig)

Palabas na ko ng coffee shop ay napatingin ako sa kinauupuan nila

"Pangako pag nagkita ulit tayo magtatapat na ko at liligawan na kita"bulong ko sa sarili ko at umalis na

..................

HAPPY GO LUCKY

Simula ng araw na yon ay naging masigla ulit ang pang araw araw kong buhay

Masayang gumising sa umaga at nagluluto na ko bago pumasok

"Ano kayang susuotin ko ngayon??"pinipili ko kung gray o pink haha pink pinili ko para buhay ang kulay

Tutal di lang pangbabae ang pink sa panahon ngayon

Pumasok na ko sa trabaho at lahat sila ay binati ako

"Dr.Chie blooming ah"nginitian ko lang sya

"Dr.Chie bango natin ngayon ah"

"Syempre naman"sagot ko hehe

"Sino ba pinapapogian natin pare"haha si Rupert ang kaibigan ko na nagtatrabaho din dito pero magkaiba kami ng department...haha kala nyo wala akong kaibigan no?actually marami sila pero ngayon palang lalabas isa isa

"Secret pare"

"Showbiz ang sagot haha bakla na ata to"pangiinis nya pero nasa good mood ako kaya goodluck kung mainis ako haha

"Mukha mo haha"at pumasok na ko sa clinic ko

"Dr.Czarwin may naghihintay po sa inyo papapasukin ko na po ba?"tanong ng mabait kong sekretarya

"Sige Nerise papasukin mo na"

"Miss Natasha pasok na daw po kayo"napalunok ako nang marinig ko ang pangalan nya...bakit kaya ang lakas ng dating sakin ng babaeng to??

"Hi"bungad na bati nya sakin

"Hello may maipaglilingkod ba ko Miss Beley?"

"Ahh kasi po yung last na punta ko dito naiwan ko sa kung saan yung binili ko eh kailangan ko ng inhaler kaya bibili sana ulit ako hehe kung pwede?"ang cute nya magsalita

"Oo naman pwedeng pwede"kinuha ko yung kailangan nya at inabot sa kanya

"Here...ingatan mo na yan ha may pagkamahal pa naman yan hehe"

"Hehe okay"kinuha na nya

"Gusto mong magkape?"tanong ko sa kanya...hay bat ba inaaya ko sya??sabagay walang masama sa pagkakape

"Scarlet James wag ka magseselos ha kape lang naman haha"sabi ko sa sarili ko na nangiti pa ko

"Sure...tara"mabilis nyang sabi kaya nagpunta na kami sa pinakamalapit na coffee shop at uminom...nagkwentuhan at naging magkaibigan

"Friends na tayo ha"sabi nya

"Okay yun lang pala haha"nagshake hands kami at bumalik na ko sa hospital kaaga aga kong naggagala hehe

PLEASE SUPPORT

➡SECRET LOVE [COMPLETE]

➡PAG-IBIG NGA KAYA??

➡ANGELICA

AT YUNG SA ISA KONG ACC

➡SHAMMY'S SERIES: JANUARY

THX GUYS LAV YAH

PAG-IBIG NGA KAYA??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon