II: A Little Sacrifice
Written by PandaSujuSoshi
Copyright 2014
==
Prologue
Princess Bomi's POV
Nag-umpisa lang kami sa simpleng pagkikita.
"P-pasensya na. Ma-makulit lang talaga tong kapatid namin." pagtigil ni Bomi sa madaldal na kapatid. "Ah eh...ahem! I see your the assistant of Mr. Kim?"
"Yes po."
Nagtratrabaho siya bilang isang royal guard sa kapatid ko. Siya ang assistant ni L, ang head of security ni Naeun. Nakikita ko siya tuwing napapadalaw ako sa palasyo sa Silangan. Unti-unti ko rin siyang nakilala dahil sa mga pinapagawa sa akin ni Papa. At dahil sa mga pinapagawa ng Hari, napapalapit ang loob ni Naeun at L sa isa't isa.
Naglakad-lakad ako sa palasyo para hanapin si Naeun. Ibibigay ko lang sana ang korona na ipinapabigay ni Papa para sa kanya. Assessment exam yun ni Naeun kaya hindi ko maibigay sa kanya ng personal. Eh isa lang ang nakatagpo ko at pwedeng utusan.
"Huwag muna ngayon." malamig niyang sabi na hindi lang ako nililingunan.
Anong problema nito?
Kinalabit ko na naman ang balikat niya.
"ANO BA--"nagulat si Joon nang paglingon nang makita niya ako. "yun? Yun oh? (sabay turo sa itaas).
"Dumaan lang ako para ibigay ito kay Naeun." Sabi ko sa kanya at ibinigay sa kanya ang kahon.
"Ah-eh, a-ako na lang ho ang magbigay." pautal-utal niyang sabi.
Mahusay naman siyang magtrabaho tiyaka makisig tignan. Ngunit sa tingin lang yun. Nainis ako sa kanya kasi nalimutan niyang ibigay ito agad kay Naeun.
Kaya sa mga sumunod naming pagkikita...
"Manong, pa'no ba iyan? Maggagabi na. Lagot ako nito kay papa. Hindi pa naman natin kasama si Mr. Im. Wala bang---"
Nabigla ako nang makita ko si Joon sa pinaghintuan namin. Nagkatagpo aming mga mata.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Nakita ko ang flag sa sasakyan." sagot niya. "Ano po bang problema ng sasakyan?"
"Ayaw pong magstart. Parang nasa baterya ang problema, malayo pa naman ang talyer."
"Pa'no iyan manong?" Hello? Curfew ko?
"Prinsesa, pwede ko po kayong ihatid kung saan niyo kinakailangang pumunta."
"Ay, wag na lang. Tss." inis pa rin ako sa kanya no. Imagine kung nawala yung korona dahil sa kanya? Lagot ako kung ganun -.-
"Prinsesa, curfew niyo po." Paalala ni Manong.
"Hmph. Sige na nga lang. Tara na manong."
"Naku prinsesa, hindi ko po maaaring iwan ang sasakyan dito."
Whuut???
Pagminamalas-malas ka nga naman. Wala akong magawang iba kundi sumama
"S'an po tayo?" tanong ko nang makaupo na ako.
"Sa hotel. Yung sa Kwangdo."
At yun, hinatid niya ko dun. Let's just say na nagpapasalamat ako dahil nakauwi ako sa oras na iyon. Then tinulungan niya rin ako sa mga sumunod na pangyayari sa palasyo. Yung set-up namin para sa birthday ni Naeun. Pa'no nangyari yun? Haha.
Well, hindi naman habang buhay maiinis lang ako sa kanya diba?
Pagkatapos nun, hindi na kami nag-usap.
Dahil sa kagustuhan kong magkatuluyan ang kapatid ko't si L (langhiyang kapatid no? Pero ang totoo niyan, malaki ang utang ng babaeng yun sa akin) gumawa kami ng paraan.
"Baduy naman ni L." Sambit ni Joon.
Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Ang sweet kaya." halos maiyak na ako sa pinapanood ko sa screen.
"Walang originality."
Sinapak ko siya ng malakas. "aray!"
Tumulong ako sa surpresa para kay Naeun. Nangdito kami sa cctv room ng palasyo. Kinokontrol ni Joon ang camera na isinet-up sa garden, habang ako naman sa sounds which is nakabroadcast sa venue ng party sa baba. (Haha wagas.)
Nang mapansin kong lumuhod si L pinagsasapak ko na ang likod ni Joon.
"Umoo ka na!" Sabi ko sa mic.
"Ep ep! Ano ba iyan! L, lumuhod ka ulit! Hindi pa ka pa nga sinasagot ng prinsesa!"-boses ni Joon.
Tumawa na lang kami. Naghigh five ako sa kanya pero nakuha niya yung kamay ko.
Sa mga segundong yun, bumilis ang tibok ng puso ko.
Sobrang bilis.
Na parang hindi lumilipas ang oras.
Doon nag-umpisa ang lahat.
Alam kong bawal. Alam kong hindi pwede. Alam ko imposible.
Pero papaano ko naman pipigilan ang sarili ko?
Sabi ko sa sarili ko: "Ngayon lang. Bukas hindi na."
Ba't ang hirap?
Eh simula pa nga lang.
==
Joon's POV
Hindi ko binitawan ang kamay niya.
Dahil alam kong nahulog na'ko sa kanya.
Nagkatitigan lang kaming dalawa.
Alam kong bawal.
Alam kong hindi pwede.
Alam kong imposible.
Pero hindi ko siya binitawan.
Ito ang paraan kong ipabatid sa kanya na hindi ako ang unang bibitaw...
hindi ko siya bibitawan.
Kahit mahirap, hindi pwede, at imposible...
Mamahalin ko pa rin siya.
Para sa kanya.
Gagawin ko ang lahat.
Hanggang sa huli.