Chapter 2: Return
Joon's POV
Hindi ako makatulog. Mag-wawalong oras na akong nakahiga dito pero wa-epek. Hindi ako inaantok. Naisip ko lang kasi...
Bakit ko ba sinabi agad yun sa kanya?
Di naman siguro ako iiwasan nun sa susunod diba? Ginawa ko lang naman yun kasi gusto ko talagang sabihin yun sa kanya. Kaya lang...parang wala sa timing. Wala sa lugar. Kahit naman kasi magkalapit na ang loob namin, wala pa rin akong kakayahan dapat para gawin yun.
Prinsesa siya.
Ibang-iba siya sa akin.
Ako? Simpleng bodyguard lang ako na nagtratrabaho sa palasyo. Pero ang imposible, hindi naman habang buhay imposible diba?
*tok* *tok*
Ano ba to? Panira ng moment.
As I was saying nga, baka may paraan na maging kami. Sana meron. Please lang. Kasi alam ko, siya na talaga ang para sa akin. Kung pwedeng maging kami, hindi ko na talaga siya pakakawalan. Kasi--
*tok* *tok*
Ay~ Eto na nga! Pwede namang kumatok mamaya pagsikat ng araw! Ang aga pa kaya.
"Joon, "
O.O
Ohhh may. "Mahal na hari. Ano po ang ginagawa niyo diyan?!" Nagulat ako nang makita ko ang Hari sa tapat ng pinto ko. Bihis na bihis siya. Kasama niya ang mga gwardya niya at tila nagmamadali para umalis. Pero heto pa rin ako, nayelo. Siyempre naman. HARI YUN EH.
"Tulungan mo muna ako. S-si Bomi."
Ewan ko anong sumanib sa akin pero pagkadinig ko sa pangalan ni Bomi, agad na akong nagtanong sa hari kung anong maitutulong ko.
"Paki-sundo muna siya sa airport, naghihintay siya doon. Nagkagulo sa palasyo niya, nilooban sila. Hindi ko alam kung ano ang plano ng mga taong yun pero hinack nila ang e-mail ng sekretarya ni Bomi. Pinauuwi daw siya pero yun pala may plano silang iba."
"Pero okay lang po ba siya?"
"Ligtas siyang nakatakas. Yun lang ang alam ko. Pupunta muna ako dun para siguraduing walang nasaktan sa palasyo--"
"Mahal na hari, kailangan na po nating umalis." sambit ng bodguard ng hari.
"Okay lang ba?"
Tumango ako at hinintay muna siyang umalis. Pa'no nangyari yun? Imposible naman yung mangyari. Ang alam ko kasi doble ang security team ni Prinsesa Bomi sa kay Prinsesa Naeun. Hindi naman basta-bastang mapapasukan yung palasyo dun.
Pagkatapos kong magbihis, tumakbo ako agad sa sasakyan. Nang hawakan ko ang manubela, napansin kong pinagpapawisan ako, lalo na ang kamay ko. Dahil siguro ito sa pag-aalala ko. Sino ba naman kasi ang hindi kakabahan? Si Prinsesa Bomi lang ang tumungo dun sa palasyo. Tapos malalaman ko lang na nilooban sila ng palasyo?
Kung ako ang naman ang head of security ni Bomi, hindi ko siya pababayaan ng ganun. Kahit sinong security staff ng prinsesa, kung nasa tamang pag-iisip sila, hahayaan lang nilang umaalis lang ang prinsesa nang mag-isa.
"Hello L?"
(MMmmmmmmm...)
"Gumising ka nga! Sabihin mo kay Naeun na nagkagulo sa palasyo nila Prinsesa Bomi."
(HA?????)
Aray naman. "Oo, sabi ng hari, nilooban daw sila. Ayusin mo ang pagsabi kay Na--"