Chapter 1: Awkward Beginnings

136 8 4
                                    

A/N:

Chajan!

Gulat kayo eh no? Bwahaha! Oh eto yung sinasabi kong dahilan kung bakit maikli yung ending nung isa. Pero!

Pero, magiging parte ang mga bagong karakter sa buong daloy ng kwento :)

Sequel ito. So, yung mga hindi pa nakakabasa sa The Princess' Desires, pakibasa muna ^0^ Eh kung ayaw niyo naman, ok lang din. Sikapin niyo pong maintindihan kung bakit dito magsisimula ang lahat.

This is not just about Bomi and Dong Woo.

Kasali rin po dito ang iniintay ng mga supportive readers ng TPD :) Kasali po sila L at Naeun kaya, wait lang ;)

Chapter 1!

===

Chapter 1: Awkward Beginnings

Bomi's POV

"Uhm, kamay ko." mahina kong sabi kay Joon na nakahawak pa din sa kamay ko.

Dahan-dahan niya rin namang binaba ito. Pareho kami ngayong umiiwas sa tingin.

"Baba na tayo. Baka hinahanap ka na rin sa baba."

Hala oo. Hindi ako nakapagpaalam ng maayos kina Papa. Sumama lang ako kay Joon dito sa CCTV room para tulungan siya sa surpresa ni L. Naawa kasi ako eh. Pinagpapawisan na, sayang naman yung ayos niya ngayon. Gwapo pa naman...

"Prinsesa---"

Hesusmaryosep santa maria. Ano ka ba naman Bomi! Sa lahat pa talaga ng pwede mong pansinin, itsura niya pa. Bumalik ka nga sa sarili mo!

"Ah oo."

Kinuha ko yung bag ko at sumama sa kanya pababa ng 2nd floor. Pagkarating namin dun, nakita ko ng nakabalik na rin sila L at Naeun. Nasa entablado na yung dalawa. Walang mga utang na loob -_-" Thank you ba wala? Di, joke lang. Mahal ko yung kapatid ko.

"Mauna na po kayo." sabi ni Joon at yumuko.

Natagalan pa ako bago makapagsalita. "Ahh oo." Nagsimula akong maglakad papunta sa mesa na kinaroroonan ng mga kapatid ko pero tinawag ko ulit ang pangalan niya.

"Joon."

"Po?"

"S-salamat nga pala." bakit ba ako nanginginig?

Ngumiti siya sa akin. "Ako po ang dapat magpasalamat. Salamat po sa pagtulong."

Hindi na ako nagsalita. Ngumiti na lang ako. Mali pala-- napangiti na lang ako. "Sige." sabi ko tsaka bumalik sa upuan ko. Pagkaupo ko, agad akong hinila ni Eunji.

"'S'an ka galing?" nakakatakot niyang tinig. Diyos ko po.

"M-may inayos lang." sabay iwas tingin. Sa amin kasing magkakapatid, dalawa lamang ang taong hindi niyo pwedeng lokohin. Choice A. Ate Chorong. Choice B naman Eunji. Pero pakiusap dun ka nalang sa A, wala ka pang makukuhang libre. Kaysa naman kay Eunji, may libre pang kumot at death glare.

"Inayos huh." mukmok niya sa gilid at bumalik sa posisyon niya.

Phu~~

Medyo yun lang ang nangyari. Pagkatapos kasi ng program, nagsimula na rin nagsi-uwian ang mga bisita. Mag-aalas dose na rin kasi ng hatinggabi. So ayun. Naunang umakyat si Papa sa kwarto niya, sumunod naman ang mga kapatid ko, exclude Naeun (alam niyo naman kung saan yun pupunta).

II: A Little SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon