Chapter 4: Telling Them

91 4 3
                                    


A/N:
Long time no update! Haha :) Christmas gift ko ito sa inyo at sa sarili ko. Akala niyo siguro wala na itong story na ito no?

Meron pa po!
Here's chapter 4 :D

==


Chapter 4: Telling Them

3rd Person's POV


Maagang nagising ang prinsesa Bomi para asikasuhin ang trabahong naiwan niya sa kanyang palasyo. Nakaupo siya sa breakfast nook ngayon.

Tahimik na pumasok si Joon. Nagkukunwaring magtitimpla ng kape. Hindi naman talaga iyon ang pakay niya. Pumasok siya upang sabihin ang trabahong iniwan ng hari sa kanya.

"Prinsesa--" lumapit ang binata sa upuan ng prinsesa

"Yes?" agad na sagot ni Bomi sa binata.

"Sasamahan na kita sa--"

"Good morning!" pasok ni Naeun na nakapangtulog pa. Napansin niyang nakatayo si Joon sa gilid ng ate niya. "Uhm...Anong meron?"

Agad na umiwas sa tingin ang dalawang mag-uusap sana. Kinuha ni Joon ang mug tiyaka lumabas agad.

Narealize ni Naeun ang kakaibang kilos ng dalawa. Tumabi ito sa ate nito at tinanong ito, "Anong meron?"

Umiwas sa tingin si Bomi at nagpatuloy sa pagtatype.

"Alam mo, kung hindi kita kapatid, iisipin kong kayong dalawa na ni Joon."

"Hindi kami."

"Oookems." sabi ni Naeun at nagtimpla ng kape.

Sa isang sulok naman ng palasyo, sinalubong ni Joon ang kaibigan na si L sa kwarto nito. Ang totoo naman ay kahapon pa nakarating ang prinsipe. Hindi nito pinaalam ang pagdating upang surpresahin si Naeun.

"Oh, ayokong tumaba ka kaya iyan ang dinala ko para sa'yo." abot ni L ng box kay Joon. Ang laman nito ay uniporme ng royal guard.

"Salamat." tapos natulala ang isa.

Hinagis ni L sa kaibigan ang isang unan para magising. "Ano, nakascore ka na ba?"

"Huh?"

"'HUH?' Huwag mo kong lokohin, kilala kita." Alam ni L ang nararamdaman ni Joon para kay Bomi. Simula noong nagkakilala ang dalawa, alam niyang natamaan ang chick-boy na kaibigan nito.

"Tss. Ewan ko sa'yo. Siya nga pala, nakausap ka na ba ng hari?"

"Oh. Ako raw muna ang papalit sa iyo sa pagbabantay kay Naeun. Ikaw naman kay...kay sino nga ulit?" tukso ng prinsipe sa kaibigan.

Umaksyon naman si Joon na ihagis ang unan. "Last na iyon. Sige na, una ka na dun. May lakad kaya si Prinsesa Bomi ngayong ala-una."

"Meron?!" Wala pang alam si Joon sa schedule ng prinsesa.

"Takbo na diyan. H.O.S. ka pa naman diba?"

**H.O.S=Head of Security

Dali-daling lumabas si Joon at tumakbo sa parking lot. Pumwesto siya sa labas ng sasakyan; saktong pagdating rin ng prinsesa.

"Magandang hapon po, Prinsesa."

Nagtataka ang prinsesa kung bakit nangdito si Joon. May security team rin naman ang prinsesa, ngunit walang H.O.S. Hindi rin niya pwedeng dalhin ang kanyang mga bodyguards sa ilang pupuntahan niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

II: A Little SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon