Chapter 7 She's Mine

31 2 0
                                    

WARNING SPG: THIS CHAPTER CONTAINS BAD WORDS lol HAHAHAHAHA.

Richard's POV

Habang nasa biyahe ay nagpapatugtog kami ng masasayang kanta. Kaniya kaniya ding sayaw at giling habang nakaupo.

~
Today I don't feel like doing anything,
I just wanna lay in my bed,
Dont feel like picking up my phone,
So leave a message at the tone,
Coz' today I swear I'm not doing anything,
~

"Woooooh! This song suites us guys!" masayang sabi ni Aivan tsaka binababa ang bintana ng sasakyan at inilabas ang ulo habang winawagayway ang kamay.

"Oy gago talaga!" sigaw ko sabay hila ng damit niya paloob kaya naman napapasok siya.

"Ikaw naman killjoy ngayon, Chard?" natatawang sabi naman ni Tom sa backseat. Si Aivan kasi ang nasa frontseat at ako naman ang driver.

"Concern lang ako mga dude," swabe kong sagot sa kaniya. Baluga ba naman si Aivan!

"Wow! Concern! Saan galing yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Aivan.

"Oo nga pre, saan galing yung 'concern'?" nag quotation mark pa siya sa hangin. Hays! Bakit ba ako mga gagong kaibigan? Sabagay, masaya namang kasama HAHAHAHA

"Concern na nga ako e! Ayaw niyo pa?" natatawang usal ko .

"Siyemre gusto! I love you bro!" sabi ni Aivan sabay ngumuso na para bang hahalik. Inalis ko ang kamay ko sa manibela at iniharap sa mukha ni Aivan.

"Mandiri ka tol, hindi tayo talo," sabi ko sabay tawa hahaha! Nababakla na kasi e hahaha.

"As if gusto ko no! Yak!" sabi niya sabay astang susuka.

"Oh tama na yan, malapit na tayo oh, baka magkadevelopan pa kayo nan!" singit ni Tom kaya mas lalo kaming nagtawanan.

Tama nga si Tom, kaunting mga sta na lang at nakarating na kami sa isang kilalang mall dito sa Maynila.

"Ano pre? National Book Store tayo?" ani Tom at inilabas ang listahan ng aming papamilihin.

"Sure! Bibili din ako ng libro!" sabi ko tsaka niyaya silang magpunta doon.

Panay ang linga namin sa paligid dahil marami kaming nakikitang chicks. At ng mapadaan kami sa Watson, ay agad na tumakbo papasok doon si Aivan. Kaya naman nagkatinginan kami ni Tom at sabay na napailing. Alam na kasi naming para kay Anicapwet ito. Sinundan namin si Aivan sa loob at sabay sabay namang naglingunan ang mga staffs. Woah! Attention stealer!

"Ah! Sir, make-up po? Para sa girlfriend niyo?" sabi ng isang staff sa akin sabay lapit at naglahad ng ilang foundations.

"Ay hindi miss, wala akong girlfriend," sabi ko sa kaniya sabay kindat. Bigla namang namula ang pisngi niya.

"Ah sir, para po sa mommy niyo?" bigla akong natigilan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napako sa kinatatayuan ko.

"Miss, magkano dito?!" nagising ako sa reyalidad sa sigaw ni Aivan. Nilingon namin kung saan nanggagaling ang sigaw at nakita naming sa lipstick section ito nanggaling kaya pinuntahan namin siya ni Tom. Habang naglalakad kami,

"Chard, are you okay?" sinserong tanong sa akin ni Tom.

"Uhm, yup," hindi sigurado kong sagot sa kaniya.

"Ah miss, satingin mo, anong bagay kaniya?" naabutan naming nagtatanong si Aivan sa isang staff at may hawak siyang cellphone sa kanang kamay at isang maroon na lipstick naman sa kaliwang kamay.

The Player's DestinyWhere stories live. Discover now