Chapter 8 Disaster Night

34 2 1
                                    

Cristina's POV

"Cris!" nabigla ako sa sigaw ni Patreng kaya bigla kong hinawi ang kamay ni Richard na nakahawak sa braso ko.

"Una na kami," paalam ko kay Tom kasi medyo awkward na yung sitwasyon.

"Teka, hatid na namin kayo," anyaya ni Tom. Lumingon naman ako kay Patreng, sinuklian niya lamang ako ng nalilitong mukha kaya bumaling ulit ako kay Tom.

"Hindi na, mauuna na kami," sabi ko tsaka tinalikuran sila para pumunta kila Renz at Patreng.

"Anong ganap?" bulong sa'kin ni Patreng habang ang mata ay nakatuon pa din kila Richard.

"Wala, ano ka ba," hinigit ko na sila papalayo doon.

Habang naglalakad ay hindi mapigilan ng dalawa na magtanong sa akin.

"Ano na Cris? Sino ba yung mga 'yon?" pang ilang tanong na sa akin ni Renz.

"Wala nga, mga kakilala lang," pang ilang ulit ko na ding sagot.

"Hindi na nga kita kukulitin," nagkibit balikat na sabi Renz. Habang si Patreng naman ay tahimik lang sa isang tabi

Tahimik kaming naglalakad ng biglang may bumusina at tumigil sa tabihan namin na sasakyan. Binaba nito ang salamin at tumambad sa akin si Richard.

"Sabi ni Tom tigilan ko daw kayo," sabi niya ng nakalingon sa amin.

"Ano Cris, sasabay ba tayo?" bulong sa akin ni Renz.

"Richard, pwedeng pahatid kami?" medyo nahihiya ko pang sabi.

"Sure, honey," sabi niya na ikinabigla ko, kaya lumapit ako sa driver's seat at sinapak siya. "Ah! Sadista ka talaga!" anagal niya.

"Honey mo mukha mo!" sigaw ko bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan.

"Tara na!" anyaya ko kila Renz at Patreng.

Pagkasakay naman nila Renz ay agad naman pinatakbo ni Richard ang sasakyan.

Mabilis na naging close nila Renz at Patreng sila Aivan, Tom at Richard dahil pare-pareho silang abno. Habang ako naman ay sinasabi ang tamang direksyon kay Richard. Ng makarating doon ay agad kaming bumaba pero hindi ko inaasahan ang sinabi ni Renz.

"Tol! Sama na kayo samin!" sabi niya sa mga ito ng makababa kami kaya naman agad ko siyang kinalabit.

"Ano na naman ba?" tanong niya sa'kin at agad akong binalewala at tiningnan sila Richard na ngayon ay nakababa na ng sasakyan.

"Sure, bakit hindi," mala-demonyong sabi ni Richard na tila ba ay may gagawing masama. Kaya tiningnan ko sita ng masama. Napatingin naman siya sa akin at nahalakhak.

"What?" tanong niya sa gitna ng pagtawa

"Tara na nga!" sigaw ko sa kanila tsaka pumasok sa loob. Napatingin naman ako sa wrsit watch ko at nakita kong 8:15na kaya kailangan na naming kumain ng dinner.

Narinig ko naman nagtatawanan sila papasok ng bahay kaya naman nilingon ko sila at nakitang tinutukso nila Richard si Aivan kay Patreng. Si Patreng naman ay namumula na habang nakadikit ang katawan kay Aivan, habang si Aivan naman ay diretsong nakatingin sa akin kaya nagkatagpo ang aming mga tingin. Agad naman akong umiwas at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ano nga palang gagawin natin dito?" tanong ni Richard ng makarating kami sa salas nila Renz.

"Mag-momovie marathon," sabi ni Patreng.

The Player's DestinyWhere stories live. Discover now