Chapter 1 Meet the Probisyana & the Player

94 3 0
                                    

Cristina's POV

Aray ko! Napahawak ako sa ulo ko ng mauntog ako sa isang kahoy dito sa kusina sa bahay. Nagluluto ako ng ulam para makakain at makaluwas na ako papuntang Maynila. Nasa probinsya ako at salamat sa diyos dahil nakakuha ako ng Scholarship sa Holy Trinity Academy. Dalawa na lang kami ni Mama dito sa bahay. Si Papa? Ayun! Sumakabilang buhay este bahay na. Maganda naman si Mama e, sa kaniya nga ako nagmana. Pero, mayaman kasi yung pinalit ni Papa e. Ayun, taob si Mader.

"Tapos ka na ba diyan, Tina?" tanong sa akin ni Mama na busy sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa Maynila.

"Wait lang Ma, patapos na po"

"Aba dalian mo ng makaluwas ka na"

Tiningnan ko si Mama, nakatalikod siya sa akin habang inaayos ang mga gamit ko. Lumapit ako at yinakap siya.

"Ma naman, pinaapalis niyo na ba ako?" kunwaring malungkot kong sabi.

"Aba, hoy Tina, wag mo ako'ng madaan sa mga pa- ganiyan ganiyan mo. Drama mo" sabi niya at pilit na kinakalas ang yakap ko pero, mas lalo ko pang hinigpitan.

"Nagbibiro lang Ma" sabi ko at kinalas ang yakap ko sa kaniya. Nagtungo na muli ako sa kusina para tapusin ang niluluto ko. Matapos ang kinse minutos na pagluluto, tadah! Tapos na rin!

Habang kumakain sa hapag kainan, biglang nagsalita si Mader

"Anong plano mo pagdating doon?"

"Hahanap ako ng apartment at sideline Ma,"

"Wag ka makikipag away doon ha? Wala ako doon para ipagtanggol ka"

"Yes naman Ma"

"Nagbago isip ko. Patulan mo. Wag ka papaapi aba. Matatapang tayo'ng mga Aguilar" proud na sagot ni Mama

"Alam ko naman yun Ma, si Lolo Kris nga e, nakipagsaksakan sa mga binatilyo. Ang ending? Ayun! Deds." medyo natatawang sabi ko kay Mama, lero totoo yon!

"Iba naman yun syempre,"  natatwa na ding sabi ni Mama

"Hahahaha"

"Tsaka, mag mataray ka doon. Wag mo hahayaang apihin ka doon ha? Payting!" sabi ni Mama at nataas pa ang kamao

"Opo Ma, payting"

Nang matapos ang mga pangaral at habilin sa akin ni Mudrakels, naligo na ako at nagbihis para maka- gora na ako papuntang Maynila. May dala akong 3 bag na medyo malalaki. Trycicle naman ang sasakyan ko para makarating ako sa bayan at pagdating sa bayan, sasakay naman ako ng bus papuntang Maynila.

"Mga bilin ko sayo ha," medyo mangiysk ngiyak na sabi ni Mader sa akin

Owwwww. Natouch naman ako sa luha mo Mader.

"Opo Ma, Ingat ka dito ha?" Sabi ko at yinakap siya ng mahigpppppit, yung tipong hindi na siya makakahinga bwahahahaha! Biro lang hahaha.

The Player's DestinyWhere stories live. Discover now