Chapter 5 New Friends

27 3 0
                                    

Cristina's POV

Ang makita ang nakabusangot na mukha ni Richard ay ang pinakanakakatawang bagay sa lahat. Nakakatawang inisin. Ang ikli ng pasensya.

"Warmates ka diyan," sabi niya sabay balik sa pagdadrive.

Wag mong sabihing big deal sa kaniya yon? Myghad!

"Anong warmates mga apo?" tanong ni Lolo Felix sa amin.

"Wala yung Lo, wag mong intindihin yang si Tina," sabi niya at sinulyapan ako sa rear mirror ng sasakyan.

Mahaba haba pa ang byahe at hanggang sa narating na namin ang aming destinasyon. Ang Holy Trinity Academy.

Makali talaga siya as in SOBRANG lakiii. Para siya pinagsamasamang 7 na basketball court. Tapos bukod pa yung halos 3 basketball court para sa Quadrangle.

Nasa gitna yung quadrangle, bale para'ng paikot yung style nung nga buildings. Tapos, bukod din yung Basketball Court, Gymnasium, Auditory Room, Faculty at yung Dean's Office.

Bumaba na ako at hinitay si Lolo Felix para makababa, inalalayan pa ni Richard si Lolo Felix. Dahil na rin siguro sa katandaan.

Sabay sabay kaming naglakad patungo sa Quadrangle dahil nandoon yung mga tent para makapag enroll. May sarili namang tent yung mga scholar kaya nagpaalam ako kay Lolo Felix para pumunta doon at humiwalay sa kanila. Sinabi ko na rin na, hindi ako sasabay sa kanila pauwi ng bahay dahil pupunta din ako sa patahian ng uniform.

Dumiretso at sa pila at medyo madami din palang scholar ang school na 'to. Siguro sa mga magagarang eskwelahan nagmula 'tong nga 'to. Pagkapila ko ay may lalaki akong nakatapat sa pila. Magkahiwalay kasi ang pila ng boys sa pila ng girls.

"Hi!" aniya sa akin.

"Uhm, hello," ngiting sabi ko. Medyo nagulat naman ako nang naglahad siya sa akin ng kamay. Tinanggap ko naman ito para hindi siya mapahiya.

"Lawrenze Primera," sabi niya sa akin habang nagsheshake hands kami.

"Cristina Aguilar," sabi ko naman habang nakangiti.

"Lawrenze!" sigaw noong babae na nasa unahan ng pila ng mga babas kaya naman napabitaw ako sa kamay ni Lawrenze.

"Bakit Patricia?" sabi niya ng nakangiti.

"I'm enrolled!" nagtatalon na sabi nung Patricia habang palapit kay Lawrenze.

"Oh yeah, hintayin mo ako diyan," sabi niya kay Patricia at bunaling sa akin, "Patricia this is Cristina, Cristina this is Patricia," pakilala niya kay Patricia.

"Hi! I'm Patricia Fronteras!" sabi niya sa akin ng may ngiti at naglahad ng kamay. Tinanggap ko naman iyon at nagpakilala.

"Cristina Aguilar, nice meeting you," sabi ko sa kaniya at nakipagkamay.

Nagpaalam naman si Patricia na maghihintay na lang sa Cafeteria ng school, napagdesisyunan ko din namang sumabay sa kanila para kumain ng tanghalian.

"Kaano-ano mo si Patricia?" tanong ko. Sabay naman kasi kami sa pila.

"Kapatid ng Mommy ko yung Mommy niya kaya, pinsan." sabi niya sa akin at sinulyapan ako.

"Ang dami pang sinabi," medyo naiirita kong sabi sa kaniya.

"Okay, okay, sorry," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere na para bang sumusuko na siya. Tsk baliw.

"Where are you from?" tanong niya ulit sa akin.

The Player's DestinyWhere stories live. Discover now