Nicole's POV
Heto ako ngayon, naghihintay dito sa mall kasi sabi daw ni unknown person na magkita daw kami sa mall.
Pero..
Nag slow motion bigla ang mundo at nakita ko siyang pumunta sa akin at at oo nga, Japanese talaga siya. Ang gwapo niya at ang cool niyang tignan plus slowmo pa ang dating niya, Diba? Na imagine niyo?
" Hi Kendra " At natulala lang ako at tinititigan siya.
" Kendra? "
" Kendra? " At nag blurry ang paningin ko at nawawala na siya.
" Kendra?! MISS KENDRA?! " may nagyugyug sakin. Pagdilat ko sa mga mata ko. Pero sa pagting tingin ko. Ang maid pala at yinuyugyug niya ako. Hindi pala totoo. Akala ko na totoo na ba yun, panaginip pala.
" Oh... Ano? Bat ka nandito? Eh! Inistorbo mo ang pagtulog ko at hindi pa natapos yung panaginip ko. " Nooo
" Eh kasi Miss Kendra, sabi po ni Madam na gisingin po kita. Diba palagi kayo maagang gumising at ngayon pala niya ini-expect na hindi kayo gigising ng maaga. "
Tumayo ako at nag prepare na.
______________
" Okay, class. Open your page in page 22. Our topic today is about Large Intestine. The full definition is... the more terminal division of the vertebrate intestine that is wider and shorter than the small intestine, typically divided into cecum, colon, and rectum, and concerned especially with the resorption of water and the formation of feces. " Continue pa si Ma'am sa pagbasa niya sa kanyang libro sa Science, favorite ko 'tong subject na to.
Pero wait! parang may nakalimutan ako ah...
LAGOT!
Ngayon pala kami ni unknown magkikita. Ang usapan namin 9:00, tapos malapit ng mag nine. Naku! Ano ang gagawin ko?! Mag gawa nalang kaya ako ng palusot para mapapayagan ako pero hindi na kailangan... Mayaman kami at kami ang may ari sa academy... Siguro papayag siya.
Tinaas ko ang kamay ko. " Ma'am pwede b'ng... " Hala! Parang hindi ko magawa! Palusot nalang ang pipiliin ko. Pero bago ako mag palusot. Sorry na po Lord, importante kasi ito eh.
" —Pumunta ako sa nanay ko, kasi tinext niya ako eh. "
" Oh, sige. Ikaw ang bahala Ms. Montes. " Ngumiti si ma'am sakin. Yes! At tumakbo na ako, lumabas ng campus.
" Taxi! " " Sa mall po. " At umandar na ito. Nagtatanong ba kayo kung bakit hindi ko dinala ang mga guards namin, eh kasi meron naman guards ko dun at diba, KAMI ang MAY ARI sa ****mall.
Nakadating na ako sa mall. " Miss. Hindi kaba mapapagalitan ng mga magulang mo? Eh kasi pumunta ka lang ng mall at meron pa kayong klase. "
" Ah! Oo po manong, pero meron kasi akong ma me-meet ngayon. At ewan ko po kung Japanese ba yun. "
" Wow, Kung japanese pa yan, iha. Naku swerte ka. Ako din, ang asawa ko ay Japanese. Mabait siya, maganda, matalino, matulungin pero hindi siya mayaman, sakto lang. "
" Eh! Mas swerte po kayo manong, na asawa mo pa! Sabi kasi niya po, siya ang Japan's prime minister's son. "
" Ahh, grabe naman yan. Pero iha, mag ingat ka, baka hindi totoo ang kanyang nga sinasabi. Basta sisiguraduhin mo ha? Wag mo seseryosohin. " Nagalala pala si manong sakin.