ALEXANDER's POVTanghali na ng matapos ang meeting niya. Bumalik agad siya sa sa opisina upang yayain si Sapna na kumain sa labas.
Kinatok niya ito sa kwarto,Hindi kasi niya ito nakita sa couch na malapit sa table niya.
Bumukas ang pinto at sumilip ang ulo ng asawa sa pinto.
Nagtataka man ay di niya pinansin kung bakit ganun ang kilos nito.
"Let's eat lunch in the restaurant." Sabi niya.
"Ha!ah..eh.." Parang may gusto itong sabihin ngunit napansin niyang nag-aalangan ito.
"What?" Kunot noong tanong niya.
Nang Hindi pa din ito sumasagot ay hinila na niya ito sa isang kamay upang makakain na sila ng lunch.
"I'm hu-" Hindi niya naituloy ang sasabihin.
Kaya pala ito nagtatago sa likod ng pintuan dahil nakabalot pala ito ng kumot.
"What the-"
"Pinapatuyo ko pa yung damit ko,na-nata-nagkaroon kasi ako ngayon." Putol nito sa sasabihin niya.
Saka lamang niya naalala na tanging suot meron ito.
"Here,wear this." Binigay niya ang natagpuang long sleeve niya sa drawer na naroon,may extrang damit siya dito kung sakali na kailanganin niya.
Nag-aatubili itong Kinuha ng asawa niya.
"Nahihirapan ako makisama dito,di mo malaman kung mahiyain o ano?" Inis na wika niya sa sarili.
Iniwan niya ito sa kwarto,mukhang naiilang na naman ito.
"Gina,ibili mo ako ng lunch sa malapit na restaurant,good for two.Ibili mo na din ako ng sanitary napkin sa convenience store bahala ka kung Anong brand ang maganda." Hindi na niya hinintay na sumagot ang secretary niya atabilis na ibinaba ang intercom.#####
SAPNA's POVHindi niya malaman sa sarili kung lalabas ba ng kwarto na ganito ang suot.Umabaot lamang sa hita niya ang suot na long sleeve ng asawa.Unang beses niyang makapagsuot ng ganito kaiksi Kaya pilit niyang hinihila pababa ang damit.Mabuti na lang palagi siyang may dalang extra napkin sa bag Kaya nakapagpalit siya.
Hindi pa kasi sila nakakauwi sa condo dahil ng nagising ang asawa ay Hindi na siya nagawang ihatid pauwi,nagmamadali kasi itong iniwan siya matapos maligo.Ayon dito may meeting daw siya.
"Sapna,the food is ready." Tawag sa kanya ng asawa na magmula sa kusina.
Napilitan siyang lumapit dito baka nagalit na naman ito.
Naabutan niyang nakahain na sa mesa ang mga pagkain.Ipinaghila siya nito ng upuan."thanks"nakayuko ng sabi niya.
Naupo ito sa katapat niya at nagsimulang kumain.
Kinikilala niya ang mga pagkain na nasa harapan.May nakita siyang broccoli Kaya yun ang Kinuha niya,may karne din pero nahihiya siyang mag tanong kung Hindi pork Kaya nagtyaga siya sa gulay.
"Ayaw mo ba ng pagkain? Kung gusto mo magpapabili ako ng iba." Akmang tatayo na ito.
"No,no,I'm okay.Na miss ko kumain ng gulay."kaila niya
" okay."at bumalik na ulit ito sa pagkain.
"By the way,Im sorry if I yelled you this morning,its my fault." Paumanhin nito ng matapos kumain.
Napatigil siya sa pagsubo,tumingin siya sandali dito at tumango ng bahagya.
"Maiwan na kita dito may kailangan pa akong tapusin." Paalam nito.
Tumango ulit siya.
"Pagkatapos ko uuwi na tayo." Pahabol na sabi ng asawa.
.
.
.
Pinagtitinginan sila ng mga namimili pati na din ng mga sales staff na babae.Dito sila dumiretso pagkagaling sa opisina.Buti na lang naisipan nitong mag grocery sila,halos wala siyang makain na matino kadalasan oatmeal.
"Foreigner ba sya?"
"Sayang ang gwapo pa naman nung lalaki"
"Parang Muslim.."
"Baka naman tiyahin niya."
Narinig niyang bulong ng mga nadadaanan nila o sinadya na iparinig talaga sa kanya.
Hindi niya tiningnan ang mga tao sa paligid niya,nakayuko lamang siya habang naglalakad.
"Hon,bumili na din tayo ng extra sanitary napkin mo." Hinila siya ng asawa at inakbayan patungo sa mga nakadisplay na sanitary napkin.
Nahihiya man siya sa ginawa ng asawa ay kinilig siya ng akbayan siya ng isang kamay nito habang itinutulak ng isang kamay ang cart.Wala na siyang narinig na bulungan mula sa mga babae.Buong akala niya wala na ang mga ito pero ng sulyapan niya ng palihim ay nakatingin pa sa kanila hanggang ngayon.Na parang gulat na gulat.
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito at magpatuloy sila sa pamimili.
Kumalas sa pagkakaakbay sa kanya si Alexander pero Hindi nyo binibitawan ang isang kamay niya.Hindi siya nagreklamo kahit pinagpapawisan na ang palad nila,may kakaibang says siyang nararamdaman habang magkawak kamay sila.Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang umakto ito na parang sweet sila sa isat isa bilang mag-asawa.
Hindi siya nagsasalita hanggang sa magbayad ito sa counter.Ang di niya nagustuhan ay Panay ang tingin ng cashier s asawa niya.
"Hmp..alam na may asawang tao na eh nagpapansin pa." Sabi niya sa sarili.
Naramdaman niyang pinisil ng asawa ang kamay niya at muli siyang inakbayan.Na para bang sinasabi sa lahat na asawa siya nito. Kung di siya nagkakamali ng palagay.Pero kahit na anuman ang reason ng asawa kung bakit ganito ang ikinikilos nito,ay masaya siya.
.
.
.
.
.
.
AUTHOR:👉👉miss A.👈👈Please vote and comment
Please search WATTPAD ASSUMER21 miss A.group.... For my update
BINABASA MO ANG
my Innocent Wife ✔✔✔(unedited)(completed)
Romance"Happy first day of your death, Misis Montelibano. Your outfit suits for this occasion," sarkastikong bulong ni Alexander bago tuluyang lumayo sa kanyang mukha. Ramdam pa niya ang nakakalokong tingin sa kanya ng lalaki, marahil ay mula ulo hanggang...