4

4.6K 151 29
                                    

Matapos ang diskusyong naganap sa aming lima kanina tungkol sa kung sino ang posibleng nasa likod ng katauhan ng brief thief, nagsimula naman sa paghahanda sina Martin.

Inihanda niya ang mesa para sa agahan at sabay-sabay kaming kumain. Gaya ng luto niya kagabi, talagang may kakayahan siya pagdating sa pagluluto. Alam niya kung paano tantiyahin ang lasa ng kaniyang ihahain sa amin.

Wala pa akong naririnig na anumang reklamo mula kina Kurt, talagang pasok na pasok sa panlasa nila ang luto ni Martin. Pansamantala muna naming isinantabi ang pag-aalala tungkol sa brief thief, ayaw naman namin na maubos lang ang oras namin kaiisip sa kung sino siya.

There's always a right moment for that.

Matapos naming kumain, ako na ang nagpresintang maghugas ng pinggan. Nagtungo naman si Kurt sa sala at nakita kong naglabas siya ng mga libro mula sa bag niya, ipinatong niya iyon sa center table at mukhang magbabasa siya.

Si Reinald naman ay napansin kong naglabas ng plantsa. Naghanda siya ng sapin sa sahig at doon niya inalapag ang mga uniporme na sunod naman niyang inilabas mula sa kuwarto.

Martin went to the veranda and he started running on the treadmill, he's looking over the wide vista of the whole campus. Nasa tabi naman niya si Clyde habang hawak nito ang librong kanina niya pa binabasa, pansin ko nga na halos lagpas na siya sa kalahati nito at baka maya-maya lang ay tapos na niya iyong basahin.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, narinig ko na lang ang boses ni Reinald mula sa salas. "Siyanga pala Kent, may kalendaryo kami rito para sa mga schedules ng pasok at rest day namin dito. Nailagay na namin yung bago naming schedule this semester, ilagay mo na rin ang schedule mo," aniya.

Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin habang inaayos niya ang isang uniporme sa inilatag niyang sapin sa sahig. Nang magtama ang aming paningin ay saka niya itinaas ang kaliwang kamay niya para ituro ang kalendaryo na naka-pin sa pader malapit sa cabinet ko.

Itinigil ko muna ang paghuhugas at nagpunas muna ng basa kong mga kamay sa basahan na nakasabit sa isang tabi. Matapos no'n ay agad akong lumapit sa kalendaryo na itinuro niya.

Inusisa ko ang buong kalendaryo. Ang araw ngayon ay August seven. Tapos may mga isinulat silang mga notes sa bawat box ng buwan ng Agosto. Mga ekis naman sa araw na wala silang pasok at mga pangalan naman kung sino ang may pasok sa araw na 'yon. Pero may napansin akong kakaibang bagay sa kalendaryong ito.

Sa buong column ng friday, may dalawang salita na nakasulat pa sa pulang tinta. Ang sabi sa sulat ay: 'WICKED DAY'. Lahat pa ng letra ay capitalized. Mukha talagang binigyan nila ng emphasis ang mga salitang ito.

Nagtataka akong tumingin kay Reinald. He was now ironing his uniforms. He glanced back at me and he smiled. "Alam ko na itatanong mo. Wicked day, right?"

Tumango ako. Muli pa akong tumingin sa kalendaryo, pero gano'n pa rin e, hindi ko talaga maisip kung anong meaning nitong isinulat nila. Wicked day? May event ba sila sa unit na 'to tuwing friday na tinatawag nilang Wicked Day?

"Well, isa pa 'yan sa mga bagay na nangyayari sa unit natin. Tuwing biyernes kasi, bigla na lang may tumutunog na kung anong bagay sa loob ng unit natin pero kahit anong hanap namin, hindi namin alam kung saan 'yon makikita," sabi ni Reinald.

"No'ng una nga akala namin bomba e, muntik na tuloy mag-panic mga tao rito," sabi pa ni Kurt habang busy siya sa ginagawa niya.

Tumigil sa pagtakbo sa treadmill si Martin at pumasok na siya sa loob na pawisan ang mukha. Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang tiwalyang nakasukbit sa kaniyang balikat. Tumingin siya sa akin at tinanguan niya ako.

DormisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon