"KIM JAE LOUUU! I LOVEEE YOUUUU!!!"
Napatigil ang mundo ko este ang buong paligid dahil sa malakas na sigaw ko na iyon. Ang mga tao na busy kanina sa kanya-kanya nilang ginagawa ay napatigil at tiningnan ako maging ang mga ibon ay nagsiliparan palayo.
Maging ang aking one and only love Kim Jae Lou napatigil rin at nakakunot noo akong nilingon. Yiee.
Tumakbo ako palapit sa kanya.
-
"Who are you? And why are you shouting my name?"
Takang tanong nya. Ngumiti ako sa kanya ng pagka tamis-tamis matamis pa sa chocolates na dala ko.
-
"C-chocolates para sayo.."
lumuhod pa ako sa harap nya habang inaabot ang chocolates na dala ko. Pero tiningnan nya lamang iyon..
-
"I don't eat chocolates, I hate sweets." nawala ang ngiti sa mga labi ko pero nanatili parin akong nakaluhod sa harap nya. Sya nakatingin lamang saakin. Walang emosyon ang mukha nito.ibang-iba sya sa Jae Lou na nag peperform sa stage.
-
"Pero kunin mo nalang. Para sayo yan. Masarap--"
napatigil ako sa pagsasalita ng tumalikod sya at namulsang naglakad.
Naiwan naman akong nakaluhod. Pa hard to get pa sy myloves!
-
"Jae Lou sandali!"
hinabol ko sya ulit kaya napatigil naman sya.
-
"You know what? You're too annoying! And will you please? Stop shouting! That irritates me.."
hindi ko pinansin ang sinabi nya.
Ngumiti lang ako sa kanya kahit sya iritang irita na sa ginagawa ko.
-
"Gusto ko lang naman na tanggapin mo tong ibibigay ko. Kahit ito manlang, kahit di ka mahilig. Please Jae. At kung gusto mong titigil na ako, tanggapin mo na." malamig nya akong tiningnan.
-
"I don't accept anything coming from the strangers like you. Especially the food like that, maybe or maybe there's a possiblity that you put something there that could kill me.." what? Anong akala nya saakin mangkukulam o mamatay tao para lasunin sya? Wha the.
-
"Jae.."
-
"Stop it okay? I don't know you. So stop following me."
naglakad sya ulit.
-
" Di mo talaga ako kilala Jae? I'm Charlene. Nagkita na tayo and you even say the words I love you in front of many people. Ano yun? Pagpapanggap lang? I love you Jae.. Bakit di mo maramdaman yun?"
tiningnan nya ako na sobrang lamig pa sa yelo.
-
"So? You think all of those are true? It's just an act. I need to do it because of my fans. I want them to scream and shout with our names. And ofcourse you're the only one who desperate to come up the stage. So I have no choice, don't take it seriously."
biglang piniga ang puso ko sa sinabi nya. Ang sakit. Ginamit nya lang ako para makakuha ng attention sa fans nya.
-
"Pero Mahal kita Jae noon pa man. Noong di pa nangyari yun. Nung bago pa kayo sumikat mahal na kita Jae. Bakit di mo maramdaman yun?" bigla syang lumapit saakin at tiningnan ako ng masama.
-
"Porket Mahal mo ako Mamahalin rin kita? Wag ka nang umasa pa. Dahil di yun mangyayari. Magkaiba tayo." napaluha ako sa sinabi nya. Ang sakit na sa kanya na mismo galing na hindi nya ako kayang mahalin.
-
"Tama ka Jae. Magkaiba tayo. Sino nga ba ako diba? Isa lamang akong fan mo na isa ring nagkakarandarapa na mapansin mo rin. Habang ikaw sikat na sikat at kilalang-kilala."
Napayuko ako dahil sa sobrang iyak. Napapansin ko rin na napalibutan narin kami ng mga tao. Pero wala akong pakialam.
-
"Tama na. Wag kang desperada."
Tumalikod ulit sya saakin. Pero di ako titigil.
-
"MAPAPASAKIN KA RIN KIM JAE LOU! MAGHINTAY KA LANG DAHIL DADATING ANG PANAHON MAMAHALIN MO RIN AKO! AT GAGAWIN KO ANG LAHAT MAGING AKIN KA LANG!" sigaw ko kaya napatigil sya ulit. Hindi sya humarap pero nagsalita ito.
-
"Sisiguraduhin kung di tayo makakarating sa panahon nayun. Hinding-hindi kita Mamahalin kahit kailan. Tandaan mo yan!" sabi nito. Pero ngumiti ako kahit di nya man nakikita.
-
"Dare me Kim Jae Lou! Dahil kakainin mo yang sinabi mo! Mamahalin mo rin ako! Tandaan mo yan!" ganti ko naman. Humakbang ulit ito paalis pero napatigil rin kagad.
-
"Try it! I will make sure. You will regret of loving me."
-
"Loving you is not a biggest mistake! TANDAAN MO TO KIM JAE LOU! IUKIT MO MAN SA BATO AT ILIBING SA LAPIDA MAGIGING AKIN KA! I'M CHARLENE JHAZIELLE SHEAN! PAGSINABI KO, MAKUKUHA KO! KAYA IHANDA MO NA YANG ISIP AT PUSO MO! MAKUKUHA KO RIN YAN!"
Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Naglakad sya ulit at hindi na lumingon pa. If I say that I mean it. Magiging akin ka rin Kim Jae Lou.
.