Charlene's PoV
.
Tahimik lamang kami ni Mrs. Kim habang hinihintay ang kinuha nitong estudyante para samahan ako sa mga klase ko. Tanging huni lamang ng aircon ang mariring mo sa buong silid. Nagsusulat lang sya parang sya lang ang tao dito sa loob. Napaka strict nya."Mrs. Kim."
Sabay kaming napatingin ni Mrs. Kim sa taong pumasok. Lumaki ang mata ko ng makilala kung sino sya. . Brown hair, white skin, medyo mahaba ang buhok, ang gwapo nya lalo na nung ngumiti ito pati mata nga nakangiti.
"Mr. Kan. Please accompany Ms. Shean to her classes." tumango lang si Andy Kang kay Mrs. Kim. Yes, he is Andy Kang ang isa sa grupo ng XMagic at kaibigan ni Jae Lou.
"Yes po. Let's go?"
Nagbow muna kami kay Mr.s kim bago lumabas.
Ito na!si Andy ngayon ko lang sya nakita ng malapitan at ang gwapo nya. Pero mas gwapo parin si Jae Lou sa kanya.
"Annyeonghaseyo, I'm Andy Kang imnida. And you are?" grabe nag bow pa sya saakin. Bigla tuloy akong nahiya. Hindi mawawala ang ngiti nito sa mga labi.
"I'm Charlene Jhazielle, mannaseo bangawoyo (Nice to meet you)" nag bow rin ako sa kanya. Mas lumapad pa ang ngiti nito.
"Mannaseyo bangawueoyo (Nice to meet you too) so? You speak Korean eh?" nakangiting tanong nya.
Naguusap kaming dalawa habang naglalakad."Just a basic one. So? Can you tell me about this School?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya saakin.
"It's my pleasure to do that. But we have no time to rome around. Maybe later after class, I will tell you about our School." ngumiti lang ako sa kanya. He is good. Hindi mo sya makikitaan ng ibang expression sa mukha. Kundi isang ngiti lamang.
"Gomabseubnida (Thank you)" sabi ko. Nginitian nya lang ako. Hindi ako makapaniwala na nakausap ko ang isa sa myembro ng XMagic.
"Do you speak Filipino?"
"Yes, dito kami lumaki, at mas lalong dito na ang buhay namin." medyo nagulat pa ako ng mag tagalog sya. May accent pa pero maintindihan mo naman.
"Mabuti kung ganun. Para di ako maharipan na kausapin ka. Andy Kang" ngumiti sya sa sinab iko.
"HAHAHA. Sinabi mo pa talaga full name ko ha." tumawa pa ito na parang di makapaniwala. Psh. May pagkabaliw rin naman pala to.
Medyo malayo-layo narin ang nilakad namin pero ang layo ata ng room ko.
"Here's your room."
napatigil si Andy kaya napatigil narin ako. Sya pa ang bumukas ng pinto para makapasok ako sa room ko. "tto bwayo (see you later)" nag bow muna sya saakin bago umalis. Sinunda ko lang sya ng tingin. Nakita ko na ang isa sa member nila. Ikaw kaya Jae Lou? Isa ka ba sa mga kaklase ko?Pumasok ako ng room ng makitang nakaalis na si Andy. Pagpasok ko. Lahat nasa akin ang tingin. Maging ang teacher sa harap.
"You must be Ms. Shean?" tumango ako bilang sagot. Tinatamad akong sumagot. "Introduce yourself."
humarap ako sa klase. At doon. Lahat ng tingin saakin.. Parang hindi ako makapagsalita sa mga tingin nila."I-I'm Charlene Jhazielle Shean." maikling pagpapakilala ko. Lahat naghihintay pa ng sasabihin ko pero wala na. Hanggang don lang yun.
Nagulat ako at napangiti narin ng makilala ko ang iba sa mga kaklase ko. Ang ibang myembro ng XMagic at si Apple na ang lapad ng ngiti saakin habang nakangusu ka Jae Lou na nakatingin lang sa labas ng bintana na parang ang lalaim ng iniisip.
"So? What is the reason why you transferred here?"
nice question Ma'am. Ngumiti ako sa harap ng lahat. Tyaka tumingin kay Jae na hindi parin binibigyan ng pansin ang nasa paligid nya."only one reason Ma'am, because of HIM."
sabi ko habang kay Jae Lou nakatingin. Pero sa labas lang ang attention nya. Mabbuti narin yun para hindi nya malaman na sya ang tinutukoy ko. Pero lahat napatingin sa kanya maging si ma'am. Siguro naramdaman nyang nakatingin sa kanya lahat. Humarap sya.
"What?" masungit na tanong nito. Ganun parin sya. Walang pakialam sa paligid nya.
Nang hindi sumagot ang lahat. Napatingin sya saakin pero nginitian ko lang sya. Medyo nagulat pa sya ng makita ako pero bumalik rin sa dati ang mukha nya."You didn't heard something Mr. Kim?" tanong ni Ma'am. Pero umiling lang si Jae.
"What do you want me to heard Ma'am is it important?" napayuko ako sa sinabi nya. Nga naman. Di naman importante yun eh. Di naman nya alam na sya ang tinutukoy ko.
"Ahh. Okay, Ms. Shean just find your seat that can make you comfortable." tumango lang ako kay Ma'am.
Saktong may isang vacant seat na sa harap pa mismo ni Jae. What a nice. Swerte ba ako o malas. Baka di ako makapag concentrate dahil nandyan sya sa likod ko. Tingnan ko lang sya tumitibok na ang puso ko. Magkalapit pa kaya? Baka sumabog na ako nito sa kilig. Yieeeee.