Chapter 2

19 1 0
                                    

  =Charlene's PoV=

.
Nakapikit akong nakahiga sa kama ko habang nakikinig sa music. Inaalala ko ang nangyari kaninang pag uusap namin ni Dean. Haist. Kainis talaga.

Pipikit na sana ako ng pwersahang bumukas ang pinto at bumungad si Daddy at Mommy na galit na galit ang mukha sa likod nila si Nami.

"CHARLENE JHAZILLE!"

Agad akong hinawakan ni Daddy sa kwelyo ko. Pero isang seryosong mukha lang ang ginanti ko sa kanila.

"WHAT DID YOU DO AGAIN HA?! WALA KA NA BA TALAGANG KAYANG GAWIN SA BUHAY MO KUNDI BIGYAN KAMI NG PROBLEMA HA?!" galit na sigaw ni Daddy saakin. Hindi na lamang ako sumagot. Baka masagot ko pa sila ng pabalang.

"Dad, stop you're hurting here." awat ni Nami kay Daddy pero hindi nagpatinag si Dad mas galit ang mata nya akong tiningnan.

"You punch your classmates face, and now she's in comma because of you. And you know what the consequence of your actions ha? Jhazielle? They want to kick you out!! Damn!" pwersahan akong binitawan ni Dad. Muntik pa akong matumba pero agad akong hinawakan sa balikat ni Nami.

"It's not fault, it's her fault. I just want to protect myself from her. Kung di ko yun ginawa baka ako ang nakahiga sa hospital... Ahh.. Ganun naman eh. Wala naman kayong pakialam kung ma hospital man ako kasi busy kayo! Busy kayo!" nagulat ako ng sinampal ako ni Mommy.

"Hindi ka namin pinalaki ng ganyan Charlene! Hindi ko alam kung bat ka nagkakaganyan eh! Dahil ba sa lalaking yun?! Kailangan mong baguhin ang sarili mo para lang sa kanya?! Your such a fool Charlene. You're hopeless.."

Napangiti ako ng mapait sa sinabi ni Mama. Hopeless maybe I am.

"Wala na kaming may magagawa pa.. Ililipat ka namin ng School."
Napaangat ang tingin ko kay Dad.

"What?"

"Yes, napag usapan na namin to. Ililipat ka namin sa St. Clarrise."

Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang sinabi ni Daddy. Ililipat nya ako sa St. Clarrise? This is exciting dahil yun ang isa sa mga School na gusto kung pasukan.

"But this is the last time na makick out ka Charlene. Dahil pag naulit pa ito ipapadala ka na namin sa Probinsya doon sa Lola mo." napangiwi ako sa pagbanggit ni Daddy na Probinsya. Yun ang lugar na ayokong puntahan. Hindi dahil sa probinsya ito kundi dahil kay Lola.

"Yes Dad, i'll promise this the last time." nakataas pa na kamay na sagot ko.

"Don't promise, Just do."

Napangiti si Nami saakin at pinat ako sa balikat. Tatalikod na sana sina Mom at Dad ng may sasabihin pa ang mga ito.

"You can't use your car for a month even your gadgets."

Napalaki mata ko sa sinabi ni Mom.

"WHAT? PAANO AKO MAKAKAPASOK NG SCHOOL KUNG WALA AKONG SASAKYAN? ANO? LALAKARIN KO? AT DI KO KAYANG WALANG PHONE MOM!"

napatakip sila sa tenga nilang tatlo sa sigaw ko.

"Stop shouting Charlene. Mag co-commute ka." tumalikod na sila at naiwan naman akong parang pinagbagsakan ng langit at lupa.

"It's okay Cha. Atleast for a life time may experience mo naman ang mag jeep or taxi diba? You can do it."
Nakabusangot kong tiningnan si Nami.

"Hindi ko ata kaya yun Nam. Tyaka no phone? Duh! Yun lang ang meron ako."
Ngumiti si Nami saakin.

"A month lang naman. Tyaka baka magbago rin isip nina Mom. At isa pa. Mag aaral ka na sa School ko. Sa St. Clarrise." napangiti ako sa sinabi nya. Yes! This is it.
"You're happy." Oo masaya ako Nam. Dahil pagkatapos ng taon na paghihintay ko. Ngayon ko nalang sya ulit makita sa personal.

"Oo masaya ako. Atlast. New School, new faces, new enemy." sagot ko. Pero isang mapang asar na ngiti ang ginanti nya saakin.

"Yun lang ba? Hindi ka ba excited na makita siya? Ang idol mo?"
napawi ang ngiti ko sa sinabi nyang 'idol'. Yeah, hanggang doon nalang yun.

"Syempre excited! Sya nayun eh. Aayaw pa ba ako? Tyaka gusto ko narin syang makita araw-araw at baka may nag aaligid sa kanya eh." sagot ko kay Nami. Naupo sya sa kama ko at di mawawala ang ngiti nito.

"Maraming magaganda sa St. Clarrise, Cha. Baka malay mo may crush sya doon diba.." tiningnan ko ng masama si Nami.

"Yah! Wag kang magsalita ng ganyan!" pero ngumiti lang sya saakin at tumayo.

"Wag mo na ulit gawin yun ha? Cha mangako ka. Wag kang gagawa ng ika pahiya mo. Ayokong nakikita kang ganun. Ayoko na maulit yung nangyari noon."
sumeryoso ako sa sinabi ni Nam. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ko na ulit gagawin ang bagay nayun.

"Pangako.. Sige na. Bukas isasabay mo akong pumasok ha?" tumango lang sya saakin at lumabas ng kwarto ko..

Yung nangyari noon. Iyon ang pinaka ayaw ko nang gawin pa. Ang magmakaawa at maging desperada. Tama si Apple noon. Maghintay lang ako dahil dadating rin ang lalaking para saakin.
.
.  

WHEN FAMOUS FELL IN LOVEWhere stories live. Discover now