Charlene's PoV
.
"Class dismissed."Yun na lamang ang narinig ko sa Teacher. Sa buong discussion nya hindi ako maka focus dahil kay Jae. Hindi ako makapag concentrate sa presence nya. Haisst.
Naramdaman ko nalang na isa isang lumabas ang mga classmates ko. Hindi ko narin namalayan na kami nalang pala ni Apple ang natira.
"KYAAAH! CHARLENE NANDITO KA NA TALAGA!"
nagulat ako ng dambahin ako ng yakap nitong pinsan ko."Duh, halata nama Apollo diba? " sinamaan nya ako ng tingin at pinalo pa sa braso.
"Yah! Wag mo akong tawagin sa pangalan nayan! Apple. Apple ang pangalan ko okay?" napaismid ako sa pinsan kong to.
"Whatever, Apollo."
pang aasar ko. Agad akong tumalikod sa kanya at dali daling lumabas. Sobrang laki ng School nato. Hindi ko alam kung saan mag uumpisa maglibot eh. Sasamahan pala ako ni Andy mamaya para e tour sa School nato at makapag kuha ng mga information and syempre about rules and regulations diba. Yieee. Sana maging friend kami ni Andy. Mukha kasing iba sya sa mga kasamahan niya.."Girl? Mag c-C.R ka ba ha?"
napalingon ako kay Apple ng kulbitin nya ako. "Papuntang C.R jan, Cha just so you know." binasan ko naman ang nakasulat sa itaas ng pinto. Comfort room nga."Bat di mo sinabi? Saan ba kasi ang daan palabas ng building nato?" nag flip lang ng hair nya si bakla at nanunag naglakad. Sinundan ko lang sya. Lumiko kami sa isang hall kung saan pababa gamit ang hagdan. Nasa 3rd floor pala kami.
"Anong next subject natin bakla?" tanong ko kay Apple. Napatigil sya at tiningnan ako. Lumapit sya saakin at sinenat ang noo ko.
"Problema mo bakla?" lumayo ako sa kanya."May lagnat ka ba Charlene? Kasi ngayon ko lang narinig yang tanong mo saakin eh. Concern ka ata ngayon sa School mo.. Whatta happened?"
napailing nalang ako sa baklang to. Di ba pwedeng magseryoso naman ako ngayon tyaka may inspiration na ako eh."Tumigil ka bakla. Nagaganahan lang akong pumasok ngayon." nakangiting sagot ko. Bigla naman nya akong binatukan.
"Baliw! Nagaganahan kamo kasi nandito si Jae Lou as your inspiration. Tama? Naku! Naku Charlene. Tumigil ka na jan. Napakalaking manhid ng lalaking yun! Hanggang fan ka nalang talaga." sinamaan ko ng tingin si Apple. Wala akong pakialam kung manhid man sya. Ang gusto ko lang maiparamdam ko kung gaano ko sya ka gusto. Wala namang masama kung maging vocal ka sa nararamdaman mo diba. Baka magkakasakit pa ako pag di ko pinalabas eh.
"Hindi ako papayag na hanggang fan lang ako at idol ko sya. Dahil ito na ang panahon para ipakita ko ulit sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Tama nayung dalawang taon na pananahimik ko..."
hindi makasagot si Apple saakin. Ito na ang panahon."Feeling may gyera lang Charlene? Haist. Ewan ko sayo. Pag ikaw nasaktan wag kang iiyak sa harap ko." hinding hindi ako masasaktan. Hindi ako papayag. Kung masasaktan man ako. Gusto ko pati si Jae. Dahil gusto kong maramdaman nya ang nararamdaman ko ngayon.
"Oo na! Ano? Saan tayo pupunta? Wala na bang klase?" umiling si bakla saakin tyaka naupo sa bench. Dito na pala kami sa field banda. May naglalaro ring mga soccer players.
"Mamaya pa yung next class natin. Kaya matagal tagal pang paghihintay..."
Hindi na ako sumagot pa kay Apple. Sumandal nalang ako sa upuan ko at nanuod nalang sa mga naglalaro sa harap namin. . Hay,
"Kyaah! Ang XMagic."
Napatingin ako sa tinitingnan ni Apple. Oo nga. Naroon silang Apat sa isang Canopy nagkukulitan ang dalawa sa kanila habang si Jae at Kenneth prenti lang na nakaupo at seryosong nag uusap. Kahit nasa malayo ang gwapo parin nila lalo na si Jae. Haist.
"Ang cute talaga ni Lee Ji." dinig kung komento ni Apple.
Napatingin naman ako kay Lee Ji. Sya ang pinaka maingay sa grupo nila sobrang kulit nya, at sya ang pinaka bata. pinsan rin sya ni Kien."Pero mas bet ko si Kyle."
Kay Kyle naman ako napatingin. Kyle Shin Nakashaga. Sya ang pangalawa sa kakulitan, mas ma trip sya kesa kay Lee Ji."But I love Kenneth."
Si Kenneth ang binalinga ko ng tingin. Sa kanilang lahat si Kenneth Park ang mahilig mag aral ng sobra, sobrang seryoso nya pag dating sa pag aaral at hindi mo sya pwedeng kausapin pag nagbabasa ito dahil baka masuntok ka nyan. Pangalawa sya kay Jae Lou."But wait? Where is Andy Kang? Bat wala sya?"
Oo nga wala si Andy. Saan kaya sya? Si Andy sa kanila sya ang friendly at happy go lucky lang. Parating nakangiti at sya ang taga saway kina Kyle at Lee Ji tuwing nag aasaran at nag iingay ang mga ito."But I love Jae Lou more." sinamaan ko ng tingin si Apple pero nag peace sign lang sya.
Yeah, si Kim Jae Lou ang lalaking nakilala ko na sobrang seryoso. Sa kanilang grupo sya ang mahirap basahin at makuhanan ng imposrmasyon. Kaya kahit anong gusto kung alamin sa kanya wala akong may makita. Masyadong private ang buhay nya."Charlene?"
Napaangat ang tingin namin ni Apple sa tumawag saakin.
"Andy.."
.