BINTANA
Hi ako nga pala si marco pasaway makulet pero gwapo hehehe yabang ko no ? wala sa bokabolaryo ko ang salitang lungkot at luha ang tanging alam ko lang ay ang tumawa at magsaya pero diko alam kung ganito din ako dati na accidente kasi ako 3years ago at nawala ang iba sa aking mga ala-ala at hanggang ngayon di pa siya bumabalik kaya pakiramdam ko my kulang parin pero diko alam kung anu un?.
1 buwan na rin ang nakakalipas ng bumalik kami ni kuya sa pinas, si kuya nga ngayon lang nakauwi dito eh laking America kasi to pero ako ewan? nawalan nga ala-ala ko diba?,.
pero sabi nila dito daw talaga ako nakatira at kaya ako umuwi kasi baka sakaling bumlik ang ala-ala ko. 1 buwan na din kami dito sa bagong bahay na ito pero wala parin akong kakilala sa lugar na to.
kaya si kuya ang lagi kong kasama sa bar at ang mga kaibigan niya. Pero ngayon nagpaiwan ako sa bahay tinatamad kasi ako eh kaya kung ano-ano nalang ginawa ko.
napansin kong ang putla ng kulay ko dahil dina ako nasisinagan ng araw kaya binuksan ko ung bintana at pagbukas ko my nakita akong isang babae na napakaganda pero napaka lungkot ng muka na parang my inaantay tinitigan ko lang siya dun pero di niya ako napapansin busy kasi siya sa pagtitig sa malayo kaya di niya siguro ako napansin kaya pati ako diko napansin na maggagabi na pala, kaya bumaba muna ako para maluto.
Simula ng araw na iyon araw-araw ko na siyang tinititigan sa bintana
hagang isang araw napansin din niya ako… hay salamat tumingin lang siya sakin na parang nagulat sabay sara ng binta sasarhan kuna sana ung bintana pero nakita ko na bumubukas ulit ung bintana niya at ng nakita ko siya parang siyang bata na nakasilip sa binta.
medyo natatawa pa nga ako kasi ang cute niya kumaway lang ako sa kanya at ngumit, ngumiti din naman siya sa akin.
"wow angel ba ito napakaganda bilis tuloy tibok ng puso ko" bulong ko sa isip ko.
pero pagkatapos niyang ngumiti lumungkoy muli muka niya kaya bumanat ako ng pick-up line .
“Miss na mukang anghel” tawag ko dito.
“ Ang Daya mo.” sabi ko dito ng nakangiti.
Sumagot naman siya na parang nagulat
" why?” mahinhin na sabi nito na nagtataka .
napaka lamig ng boses niya at ang sarap pakinggan.
“ Kasi No one has a right to be as cute as you are” sabi ko diyo sabay kindat.
Nakita kong ngumiti siya kaya bumanat ulit ako ng isa pang pick up line.
“Are your parents Greek?” tanong ko muli sa kanya.
“Why?” sagot muli nito.
“coz you look like a goddess” sabi ko dito ng nakangiti.
but she more look like an angel from heaven .
ngumiti muli siya dahil sa banat ko.
" hayyyy ano ba meron sa ngiti niya at parang naaadik ako? " tanong ko sa sarili ko.
i enjoy na makita siyang nakangiti kaya Pagkatapos nun ay nag joke naman ako kaya napatawa ko siya.
seeing her smile at laughter it's make me happy and i don't know why?.
nakakatuwa nga eh para kaming mga bata na tawa ng tawa sa mga bintana namin sa sobrang saya nga namin dina naming namalayan ang oras.
gabi na kaya nagpaalam na kami sa isat-isa pero bago yun tinanong ko ang name niya dahil kanina pa kami nagtatawanan ngunit diko parin alam ang pangalan niya.
BINABASA MO ANG
SHORT SAD LOVE STORY (COMPLETED)
Teen FictionMinsan mapagbiro talaga ang tadhana, Minsan akala mo siya na pero ang totoo hindi pala Minsan sa buhay kailangan natin magpakatatag sa bawat pagsubok na darating sa ating buhay . Hindi lahat ng istorya ay nagtatapos sa happy ending at hindi lahat...