Chapter 23: Her Past

77 7 5
                                    

Yuri's POV

Pagbalik namin sa dorm room namin ay may nagba-barbeque sa may garden part.

Ngayon ko lang napagtanto na sa lahat ng dorm rooms or dorm houses whatever kami lang ang may garden.

What can I say apo ng may-ari ng school ang nakatira rito.

"Megumi! Keegan! There you are. Naisip ko na Sabado bukas kaya inilipat ko ngayon yung Slumber party. Okay lang ba sa inyo?" Tumango lang ako as if naman may choice kami.

Nang matapos kong palitan ang school uniform ko, lumabas ako ng room.

"Megumi saan ka pupunta?" Bungad sa akin ni Light na nasa harapan ng pinto ko. Naghihintay ba siya diyan mula kanina pa?

"May practice kami sa may shooting range." Sagot ko na lang not minding kung kanina pa ba siya diyan or what.

"Ahhh ganun ba. Be back before 7:00 pm ha?" Tumango na lang ako bago lumabas at magpunta sa may likod ng gymnasium kung nasaan ang shooting range.

"Yuri dito!" Sigaw ni Jerald, yung kasama ko na ilalaban ng section namin para sa archery.

Tumakbo naman ako papunta sa kanya bago nagsimulang magsalita.

"Jerald pwede hanggang 6:50 lang ako? Si Light kasi may pa 'slumber' party." Paalam ko dito.

"Si Katrina..." Nakita kong biglang nagbago ang expression niya.

"Teka anyare sa iyo? Ano meroon kay Light?" Tanong ko naku-curious kasi ako alam niyo yun? Baka ex niya pala diba?

"Mag-iingat rin kayo sa babae na yun." Napa-kunot ang noo ko. Mag-iingat? Alam ko naman na sumisipsip ng dugo yun kasi nga linta pero may iba pa ba bukod dun?

"Bakit? May dapat ba akong malaman?" I asked. Curiosity kills the cat sana naman sabihin niya.

"May bestfriend si Katrina." Pinutol ko ang sasabihin niya.

"May bestfriend siya?" Tanong ko kasi parang hindi naman kapani-paniwala.

"Yes she had one." Napakunot ang noo ko 'had'? Ibig sabihin hindi na sila bestfriends?

"Her name is Frances, pareho sila ni Katrina, maganda at mayaman. Kaso lang mas hinahangaan ng tao si Frances kahit na ang apo ng may-ari ay si Katrina. Katrina hated that."

"Kasi she wants na sa kanya ang spotlight?" I asked.

"Kind of. Basta gusto niya siya ang hinahangaan so kinuha niya ang lahat ng mayroon si Frances. She framed Frances for cheating. Before the test, Katrina took the answer key from the teachers lounge then put it in Frances' bag. Then she told the teachers who then checked everyone's bag." Napanganga ako. Light did that?

"Alam ni Frances na ginawa yun ni Light?" I asked.

"Yes but hindi niya sinabi kay Katrina. Alam niya na naiinggit sa kanya ang bestfriend niya kaya hinayaan niya lang ito. The Cheating incident took away Frances' fame and natanggal rin siya sa pagiging top." Napakunot ang noo ko for the nth time. Kung hindi sinabi ni Frances kay Light na alam niya paano nalaman ni Jerald?

"Despite of everything masaya pa rin si Frances dahil yun sa boyfriend niya, family niya at dahil hindi nasira ang friendship nila ni Katrina. Katrina hate it. She hates the fact na masaya si Frances. Kaya she tried seducing Frances' boyfriend para mapunta ito sa kanya. It didn't work." Mas lalong napakunot ang noo ko. Paano niya nalaman ang mga ito. Is he perhaps...

"It didn't work. I am loyal to my girlfriend, Frances, so she didn't tempt me." I knew it! Boyfriend siya nung Frances. Nasaan na kaya yung Frances?

"Dahil hindi niya magawang pumagitan sa amin ni Frances she tried another way. She told me na practisin ko raw siya sa role niya dahil a-acting siya dahil gusto niyang pumasok sa drama club. I just need to read the lines nung lalaki."

"And she made me say 'I hate my girlfriend. I don't really love her. Pinapa-ikot ko lamang ang babae na iyon.' Hindi ko alam na ni-record niya iyon at pinarinig niya kay Frances. Then one day nabalitaan na lang namin na nagpakamatay si Frances..." Napatakip ako ng bibig ko. Light... indirectly killed her bestfriend. Unbelievable!

"The suicide note Frances left says 'You may not love me but I love you so so much. Hope you'll be happy with my bestfriend. I love you both. Goodbye.' I know na para sa amin ni Katrina iyon..." Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa mata ni Jerald. Halos ako rin ay maiiyak na.

"That's not all. Simula ng mangyari iyong incident na iyon ay bigla bigla na lamang magkakaroon ng isang tao na mao-obsess si Katrina. And it's either gusto niyang masolo na kaibigan or bilang ka-ibigan." Bigla akong kinilabutan nung sinabi niya ang salitang obsess.

"Iyon na lang ang kaya kong sabihin. Gabi na pala bumalik ka na sa dorm niyo." Sabi ni Jerald kaya napatingin ako sa relo ko.

6:59 pm. Shet!

~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N: ENJOY READING!!

ParisFRANZ123 Ito na po. Pasensya na kung namatay yung character mo. Iba talaga dapat ipapangalan ko sa character na yun eh kaso para mai-cameo ka.

ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon